Chapter 13: [First Sunday]

4.8K 143 23
                                    

*VINIEL'S DAY*



Kagabi na ata yung pinakamasayang araw para sa akin.

Seryoso, kahapon lang ako ganun naging masaya.

Btw, I asked Dennice if we can go to church together.

Pumayag naman siya di ba?

Gising na kaya siya?

Text ko nga.

To: Babe<3

Babe, gising ka na ba? Good Morning. Thanks again last night. Wake up na, I love you. :*



Tinignan ko yung oras.

Grabe, ang aga ko pala nagising.

Am I that excited?

6:30am pa lang eh.

Di bale, para makahabol sa morning mass.

Pero gising na kaya si Dennice?

Hindi pa kasi siya nagrereply eh.

Bumaba na ako, para mag-almusal.

Siyempre, dala ko cellphone ko.

Baka kasi biglang magreply na si Dennice.

Naabutan ko sila Ate sa Dining room.

"Good Morning, Bunso." bati sa akin ni Ate Laken.

"Good Morning." sabi ko naman.

Nag smile lang sila sa akin.

"Te, bakit kayo nakabihis. May lakad kayo?" tanong ko sa kanila.

Nakaporma kasi sila eh.

"Oo, sisimba kami. Ayaw mo bang sumama?" tanong sa akin ni Ate Erica.

"Ahh, kaya pala. Hindi, magsisimba kasi kaming sabay ni Dennice eh."

"Ahh, yun naman pala eh." sabi naman ni Ate Laken.

"Kamusta naman date niyo kahapon? Umubra ba pakulo namin ni Laken sa seaside?" tanong ulit ni Ate Erica.

Oo, haha.

Sila may pakala nung sa seaside.

Nung iniwan ko si Dennice para bumili ng ice cream, tumawag sila sa akin.

Nagready daw sila ng dinner sa seaside.

"Sobrang saya kahapon. Haha. Salamat pala dun sa date sa seaside. Kaya mahal ko kayo eh! It will not be possible without you, guys." pasasalamat ko sa kanila sabay smirk.

"Alam mo naman nandito lang kaming mga ate mo, kapag kailangan mo kami." sabi naman ni Ate Laken.

"Ken, oras na. Tara, alis na tayo." sabi ni Ate Erica.

"Sige."

"Anong oras ba kayo sisimba ni Dennice?" tanong sa akin ni Ate Erica.

The Princess with her FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon