*DENNICE'S POV*
Thursday ngayon, so kinabukasan last day na. Last day na ng 1 week deal na ito. Sana pwedeng i-pause lahat ng pangyayari. Ayoko pang matapos to. Feeling ko kasi hindi ko kakayanin. Babalik nanaman ako sa dati. Ako na nga lang ata ang walang kapartner sa KLAPS eh. Ang boring nanaman ng buhay ko.
Paano kung wala na kami ni Viniel? E di back to zero. Strangers again. Wala nang susundo sa akin tuwing umaga atyaka mag-aalmusal dito. Wala ng breakfast for two. Pero ayoko munang isipin, malay natin may ibang mangyari. Bahala na si Batman. Basta, tiwala lang. Manalig lang!
Anong oras na, pero wala pa din si Viniel. Ang labo naman neto! Kung kelan naman patapos na yung deal, dun malelate! Aish!
Bzzt. Bzzt. 1 new message from Viniel.
Baby, can't pick you up today. Sorry. I love you. Ingat sa school. :)
Hindi ko na siya nireplyan. Nainis ako bigla, nalungkot ako bigla. Naghintay pa ako, hindi naman pala siya dadating. Ngayong, last two days pa. Nakakatampo. Hindi man lang niya sinabi kung bakit hindi siya makakasabay ngayon.
Pumunta na ako sa school, nagpahatid na lang ako sa driver. Nakasimangot ako. Hindi na nga maipinta yung mata ko sa sobrang lungkot eh. Naiinis ako. Sobra!
"Iha, bakit ang lungkot mo ata ngayon?"
"Wala po."
"Buti nagpahatid ka? Hindi ata makakarating yung laging sumusundo sayo?"
"Last na po na pagsundo niya sa akin kahapon, hindi ko po alam kung masusundan pa bukas."
"Bakit naman, Iha?"
"Ewan ko po sa kanya. Nakakasira ng araw."
"Nako. Haha. Mga kabataan talaga ngayon. Hindi lang nasundo, tampo agad. Agad agad? PBB Teens?"
"Manong ah, gumaganyan ka na ngayon ah."
"Gusto lang kitang mapatawa, lungkot mo eh."
"Salamat po."
"Wala yun, Iha. Kelan pala uuwi ang mga magulang mo?"
"Hindi ko pa po alam. Hindi nga po nagpaparamdam eh. Ilang weeks na simula nung nag college ako. Baka busy po sa trabaho, pero ang sabi nila dati uuwi sila kapag nagraduate na ako."
"Medyo matagal pa pala. Ok lang yan, iha. Magkakasama din kayo. May mga mahalagang bagay lang talaga silang dapat asikasuhin sa ibang bansa na para din naman sa kinabukasan mo."
"Oo nga po eh, buti na lang nandyan kayo nila Yaya Melay para sa akin."
"Binilin ka ng mga magulang mo sa amin, kaya hindi ka namin dapat pinapabayaan."
"Manong, single ka po ba?"
"Matandang binata ako, iha. Bakit?"
"Matandang dalaga din po kasi si Yaya Melay? You know! PBB Teens?"
"Nako, wala na sa isip ko yan. Kapatid lang ang turing namin ni Melay sa isa't isa. No more, no less."
"Naks! Gumaganon? Haha."
BINABASA MO ANG
The Princess with her Fairies
Teen FictionThis story is just a fiction. Gawa gawa lang ng author. So please, respect my opinion. No *description* about sa story para may twist. Choss lang. Interact with me on Twitter :) @TulloEricaMae