*VINIEL'S POV*
Ilang araw na ang nakalipas simula nung COOL OFF na kami ni Dennice. Ilang araw pa lang, parang ayoko na. Yun pa nga lang ilang araw, hindi ko na kaya. Paano kaya kung hindi na talaga kami para sa isa't isa? Sa dinadami dami ng minahal ko, ngayon lang ako nagkaganito. Siya na ba talaga kaya?
Nandito ako sa bahay namin ngayon, wala kasing pasok. 1 week kaming walang pasok dahil may event daw sa school. Pero sa ngayon, hindi ko mapahinga yung katawan ko, dahil kung saan saan ako pinagdadala ni Kristine. At lalong hindi ko mapahinga yung isip ko, dahil iniisip ko yung problema namin ni Dennice.
Nandito ako sa kwarto ko, nag-iisip kung paano ko ba masosolve itong problema ko. Kailangan kong kausapin ang parents ko tungkol dito, kailangan kong ipaurong ang sinasabi nilang kasal. Hindi ako papayag dun, at mas lalong hindi ako sang-ayon don.
Sino ba ang may gustong magpakasal sa babaeng di mo naman mahal di ba?
Pumasok ako sa kwarto nila Mama at Papa. "Ma, Pa, can we talk?" ang sabi ko sa kanila. "Sure iho, hintayin mo na lang kami sa baba." sabi ng Papa ko. "With Kristine." dagdag ko. "Ok, I'll call her immediately. Just wait for us sa baba." sabi ng Mama ko. "Ok, Ma. Thanks." pagpapaalam ko at bumaba na ako sa may sala.
Pagbaba ko, agad ko namang nakita si Kristine. Ang bilis naman ng babaeng to. "Hi, Viniel." sabi niya sa akin, sabay beso. Sus, tsumatsansing lang to eh! "Ang aga mo naman? Nandito ka na agad agad?" "Ah, oo. Pupunta naman kasi talaga ako dito eh." ang paliwanag niya. "Bute?" tanong ko. "Meron kasi akong importanteng sasabihin." sagot niya. "Ano naman yun?" "Inuu--" "Hi, Iha. You're here. Have a sit. May kailangan daw tayong pag usapan sabi ni Viniel." sabi ng Mama ko. Ano kaya yung sasabihin ni Kristine? Naccurious na ako. Si Mama kasi, pinutol pa niya. "Ano ba yung sasabihin mo Viniel?" tanong ni Kristine. "Cool off na kami ni Dennice." sabi ko. "What!?" pagkabigla ni Kristine. Nagulat ako dahil nagulat siya, di ba dapat masaya siya? Dahil konti na lang, makukuha na niya ako. "Well, that's a good news Iho." sabi ni Papa. "Yun lang ba ang sasabihin mo?" tanong ni Mama. "No, Ma. Gusto kong sabihin na kahit anong mangyare, hindi ako magpapakasal kay Kristine." ang sabi ko. "Pero anak, hindi pwede yan. Hindi ba iha? Kailangan mong magpakasal kay Kristine sa ayaw at sa gusto mo." kontra naman ni Papa. Dapat ko ba talagang gawin yun? "Tito, Tita, hindi na po kailangan." sabi ni Kristine. "Huh?" sabi ko, nabigla lang ako sa sinabi niya. "But why, Iha?" "Tita, sa totoo lang wala naman talaga akong gusto diyan kay Viniel. Pinilit din ako ng parents ko. Tita, tulad ni Viniel, nagmamahal din ako. Hindi din naman ako sang ayon sa fix marriage na ito. Ang sabi ni Daddy, kapag hindi ako sumunod sa kanya, aalisan niya daw ako ng mana. Kaya napilitan akong sumunod. Tito, Tita, may boyfriend ako, pero gaya ni Viniel pinilit kong iniwan siya para lang dito. Pero hindi ko nakayanan, mahal na mahal ko si Gino, kaya pinaglaban namin yung pagmamahal namin." paliwanag ni Kristine. Kaya pala pag minsan, malungkot siya. Siguro iniisip niya din yung problema niya. Kaya pala parang napipilitan siya sa mga kilos niya. "But Iha, paano yung deal namin ng parents mo tungkol sa business?" tanong ni Mama. Si Mama talaga, hanggang ngayon negosyo pa din ang binabahala. "I already talked to my Dad po. He said na i-push pa din ang deal kahit wala ng fix marriage." "Really?" sabay sabay naming sabi nila Mama't Papa. "Yes po." sabi ni Kristine sabay smile. "Eh anong balak mo niyan Viniel?" tanong ni Mama. "Hindi ko pa alam eh. Cool off nga kami di ba." "Eh tanga ka pala, ano pang ginagawa mo? Make a move bro! Basta invited ako sa kasal ah?" sabi ni Kristine. Hindi ko na sinabihan ang barkada, dahil galit din sila sa akin. Sa mga ate ko na muna ako papatulong. Kaya ko naman eh. Konting kembot lang yan!
Ang sarap ng feeling na ayos nanaman ang lahat. Ang kailangan ko na lang gawin ay suyuin si Dennice. Ako ng bahalang sumiskarte dito. Ako pa? Kaya ko to! Gwapo ko eh.
Sorry, short update. Madami kasing ginagawa eh. Sorry. Babawi ako sa next chapter. :)
BINABASA MO ANG
The Princess with her Fairies
Novela JuvenilThis story is just a fiction. Gawa gawa lang ng author. So please, respect my opinion. No *description* about sa story para may twist. Choss lang. Interact with me on Twitter :) @TulloEricaMae