*VINIEL'S POV*
Nandito kami sa kwarto ngayon kung saan natutulog ang KLAPS. In short, kwarto ni Ate Erica dahil yun ang ginamit. Bigla na lang kaming pinatawag ni Kuya Arvin, as in buong barkada. May dapat daw kaming pag-usapan, at alam ko na, kung ano yun.
Nakaupo na kaming lahat, pero wala pa ring kibuan. Alam ko na gusto na nilang mag-usap usap, pero nagkakahiyaan pa sila.
"Walang mangyayare sa usapan na 'to kung ni isa sa inyo, walang magsasalita. Hindi involve ang boys dito, KLAPS kayo ang may problema dito. Kung kami ang tatanungin, hindi naman kami dapat magtampo sa dalawa. Ano? Tutunganga na lang ba kayo?" sabi ni Kuya Arvin na umaastang parang tatay namin lahat. Para bang gusto niyang mag usap usap yung mga anak niya, kasi nag away away.
"Dennice, Viniel. Sorry kung hindi namin kayo inintindi. Sorry kung we acted immature dahil nagtampo tampo pa kami. Siguro nabigla lang kami sa mga sinabi niyo. Kasi, kung kayo ang nasa kalagayan namin, magugulat din kayo." -Aly
Unti unti ng pumatak ang luha sa mata ni Aly, pati na rin ng kay Dennice. Lahat ng KLAPS naiiyak na, except kay Ate Erica na alam mong nagpipigil lang dahil pulang pula na ang mata.
"Dennice, sorry ha. Hindi ka namin hinayaang mag explain. Sorry kung hindi ka namin pinapansin. Sorry kung hindi naman tinatanggap yung mga sorry mo. Dahil hindi naman mababa yung pride namin." -Anne
Hindi na nila napigilang umiyak, silang lahat. Pati si Ate Erica na umiiyak, pero nagtatakip ng mukha. Kami namang mga boys, masaya na dahil sa wakas nag usap usap din ang mga mahal namin sa buhay.
"Actually, ako, hindi naman talaga ako galit. Hindi namin kayang magalit sa inyo, lalo na sayo. Kaibigan ka namin. At parang kapatid namin. Kaya sorry, dahil hindi ka namin kinikibo. Dahil binabalewala namin lahat ng efforts mo para lang mapatawad ka namin." -Ariane
"Sorry, kung sinamantala namin yung kabaitan mo, yung efforts mo. Hindi kami galit, nagtatampo lang kami. Siguro, hindi lang talaga namin mababa yung pride namin. Mahal na mahal ka namin, alam mo yun. Pero sana, hindi na maulit ito. Na lokohin niyo kami, kasi ang galing niyo mag acting eh. Paniwalang paniwala kami." -Kaira
"Wag mong isiping binabalewala ka namin sa lahat ng efforts mo, dahil hindi yun totoo. Hindi ka pa nawala sa isip namin, dahil kapatid na ang turing namin sayo. At alam ko, nagkamali kayo. Kayong dalawa ni Viniel, at alam kong hindi niyo na gagawin ulit yun." -Andrea
Halos lahat ng KLAPS, tapos ng magsalita. Yung dalawang ate ko na lang ang hindi. Kung sa pagsasalita ni Aly, Anne, Ariane, Andrea at Kaira ngumingiti lang ako. Sa tingin ko, sa dalawa kong Ate, mag bbreakdown na ako. Grabe kaya mag paiyak itong dalawang to.
"Viniel, Dennice. Sana hindi na maulit ito. Sana last na to. Pinagkatiwalaan namin kayo, niloko niyo kami. Alam namin, ang babaw namin para magdrama, dahil lang sa deal umiiyak kami. Pero sa tingin ko, isa na to sa mga ways para tumatag lalo ang friendship ng barkada. Viniel, kapatid ka namin, at malamang alam mo yon. Habang wala sila Mama't Papa, tayo ang magkakasama. Kaya sana, magshare ka naman sa amin. Last na to, na pinagmukha mo kaming tangang dalawa ng Ate mo. Kasi minsan, ang sorry, para lang yan sa mga bagay na hindi mo sinasadyang magawa. Hindi dahil sa bagay na lagi mong nagagawa. At alam kong hindi niyo naman sinasadya na lokohin kami, hindi ba? Sana last na to. Dahil lahat tayo nahihirapan, yang mga ugok na yan. Makita mong ganyan yan, may concern din sa pagsasama ng barkada. Kaya, boys. Salamat, dahil kung hindi sa inyo, hindi naman kami magtitipon tipon dito at mag uusap usap." -Ate Laken
BINABASA MO ANG
The Princess with her Fairies
Teen FictionThis story is just a fiction. Gawa gawa lang ng author. So please, respect my opinion. No *description* about sa story para may twist. Choss lang. Interact with me on Twitter :) @TulloEricaMae