Chapter 39: [Parents over Dennice]

2.8K 55 9
                                    

*VINIEL'S POV*



Nandito ako sa kwarto ko ngayon, ni hindi makatulog sa sobrang pag-iisip. Paano na 'toh? Mga magulang ko na at ang taong mahal ko na ang naglalaban.

Susundan ko ba ang magulang ko at iiwan si Dennice?

O si Dennice ang pipiliin at babagsak ang negosyo ng pamilya namin?

Hindi ko alam. Magulo. Ang daming problema pero bakit ito pa? Itong problema na kung saan kailangan ko pang pumili.

Kung kailan masaya na kami, dun naman hahadlang ang lahat.

3am na, pero hindi pa din ako makatulog. Wala akong ginawa kung hindi tignan ang kisame namin. Ayaw ko man isipin yung fix marriage na yun, pero pilit pumapasok sa isipan ko.

Tumayo ako at dumungaw sa may bintana ng biglang narinig kong may pumasok sa kwarto ko.

"Viniel."

"Ate Erica.."

"Ayos ka lang ba? Alam ko kung ano ang iniisip mo ngayon. Ako din hindi makatulog dahil nag-aalala ako sayo. Alam mo, kung may kapatid lang na lalake yang si Kristine. Mas pipiliin ko pang ako na lang ang magpakasal kesa sa ikaw pa ang magpakasal sa babaeng haliparot na yon."

"Hindi mo naman masasabi yan, dahil Ate.. Nagmamahal ka din. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko? At kailangan mong pakasalan ang anak ng business partners ng mga magulang mo. Iiwan mo ba si Gab? Pipiliin mo ba ang desisyon ng magulang mo kesa sa desisyon ng tinitibok ng puso mo?"

"Alam ko mahirap. Pero tutulungan kita na gawan yan ng paraan. Kung ako ikaw, susundan ko kung ano ang laman ng puso ko. Kahit na iba ang iniisip ng utak ko. Ano ba ang nararamdaman mo?"

"Sa ngayon, hindi ko pa alam."

"May balak ka na bang sabihin kay Dennice to?"

"Hindi pa. Hahanap muna ako ng tamang panahon. Dahil alam ko, kapag nalaman niya ito. Siya mismo, lalayo sa akin."

"Sige, kung yan ang gusto mo. Susuportahan ka naman namin ni Ate."

"Salamat Ate." at niyakap ko siya.

Ang sarap isipin na kahit hadlang ang magulang mo sa relasyon niyo ng taong mahal mo, may mga kapatid ka pa din na susuportahan ka kahit san ang patutunguhan mo.

"Matulog ka na. May pasok pa tayo mamayang 9am."

"Sige Ate, thank you ulit."

Natulog na ako. Pinilit ko. Malalagpasan ko itong problemang to. Malalagpasan namin.

After 5 hours of sleeping.


Bumaba na ako para mag-almusal ng maabutan ko ang parents ko na kumakain kasama ang dalawa kong kapatid.

"Iho, sit down and eat with us." -Papa

Sinundan ko na lang sila. Umupo na hindi kumikibo. Naaalala ko pa kasi yung tungkol dun sa kasal eh. Para ngang nakakawalang gana ng kumain.

The Princess with her FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon