Chapter 45 -thelastchapter-: "Let us congratulate, the new engaged couple!"

6.8K 123 16
                                    

*DENNICE'S POV*

Pagising ko, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro ay dahil ngayon na ako ipapakilala ng boyfriend ko sa parents niya. Nababagabag kasi ako kung matatanggap kaya ako ng parents niya. Pero sana, ito na ang wakas ng paghihirap namin sa relationship na ito. Sana, after this day, ayos na ang lahat. Sang-ayon na ang lahat sa relationship namin.

Pagtingin ko sa isang corner ng room ko, meron akong nakitang simple blue green dress. Tapos nasa lamesa naman yung blue green pumps, tan earrings, tan bracelet atyaka tan bag. Hindi ko alam kung saan galing ito. (see picture on the left side)

Lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Naabutan ko si Mommy, nasa may kitchen nagluluto ng pancakes, tapos si Daddy naman nasa may dining area, nagbabasa ng newspaper habang nagkakape. "Ma, kanino po galing yung dress sa taas?" tanong ko kay Mommy. "Ah, dineliver yun kanina. Para daw sa iyo, pinadala daw ni Erica and Laken Ocampo ba yun? Suotin mo daw mamaya, kapag pumunta ka sa engage- I mean, sa bahay nila Viniel." paliwanag ni Mommy. "Meron po bang sinabing oras yung naghatid ng damit kanina?" tanong ko ulit. "6pm daw anak, dapat nandoon kanina. Wag ka daw papalate." sagot naman ni Daddy. "Sige po, akyat po muna ako ulit, tawagan ko lang yung magkapatid, papasalamat lang po ako dun sa dress." paalam ko. "Sige, anak. After mo silang tawagan, bumaba ka na dito, para makapag almusal." bilin ni Mommy. Ako naman, tumango na lang at umakyat na sa kwarto ko.

Pag-akyat ko sa kwarto, agad ko namang dinial yung number ni Erica. Si Erica na lang ang tatawagan ko, panigurado naman magkasama sila di ba.

Erica calling..

Ako: Hello? Goodmorning, Erica!

Erica: Hi, Dennice! I miss you! Goodmorning din! Haha.

Ako: Si Laken?

Laken: I'm hereeeeee! Haha.

Ako: Loudspeaker mo nga Eca. Haha.

Erica: Ito na, naka loudspeaker na.

Laken: Bakit ka pala napatawag Dennice? Meron ka bang kailangan?

Ako: Wala, gusto ko lang magpasalamat dun sa dress na pinadala niyo dito sa bahay. Para saan ba yon? Haha.

Erica: Di ba nga pupunta ka dito mamaya? Ipapakilala ka na daw ni Viniel kila Mama't Papa?

Ako: Oo, and so? Pwede namang magpantalon na lang ako noh.

Laken: Yuck, Dennice! May par- I mean, papakilala ka mamaya sa parents namin ng nakapantalon? Mahiya ka naman, girl. Haha.

Ako: Sabagay, sige, thank you na din. It's a big help! Haha.

Erica: Wala yon noh! Basta para sa future sister-in-law namin. Haha.

Ako: Heh! Sige, salamat. Pano ba yan, kailangan ko ng kumain. See you later.

Laken: Sige, see you later. Bye!

Call ended.

Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko, lagi nila akong sinosoportahan. Paano pa kaya kung kasal na kami ni Viniel, e di higit pa dito ang gagawin nila para sa akin? Grabe, ang swerte ko talaga kay Viniel. Pero alam kong, swerte din naman siya sa akin. Swerte kami sa isa't isa.

The Princess with her FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon