Habang kausap ni Miazar si Dio sa cafeteria ng magring ang phone nito, pero ang ikinagulat niya ay si Nikolai pala yung tumatawag sa kanya, hindi talaga inaasahan ni Miazar tatawag ito sa kanya, bihira lang kasi tumawag si Nikolai sa kanya.
Miazar: Oh hello Niko, napatawag ka naman, may kailangan ka ba?
Nikolai: Hello Miazar, kasama mo ba sina Jessabelle ngayon?
Miazar: Hindi eh, bakit mo naman natanong aber?
Nikolai: Pwede niyo ba kaming puntahan ni Ayumi dito sa women's restroom?
Miazar: Oh bakit hindi pa kayo umalis diyan kung ganun Niko?
Nikolai: Hindi pa kasi lumalabas si Ayumi simula nung pumasok siya sa loob kanina, tinawagan ko na siya kanina at ng sagutin niya ito para siyang umiiyak kasi narinig ko siyang humihikbi kasi, sabi niya tawagan ko daw kayo at papuntahin dito, hindi naman ako pwedeng pumasok sa loob di ba.
Miazar: Hahahahaha, oo nga naman baka mapagkamalan kang bakla diyan kapag pumasok ka nga, wait lang at tatawagan ko lang sila, ano ba kasi ginawa mo at umiiyak si Ayumi?
Nikolai: Wala akong ginawa sa kanya noh, alam niyo namang i'm changing slowly di ba, sige na pumunta na kayo agad dito kasi kanina pa ko nagaalala sa kanya eh.
Miazar: Oo na, tatawagan ko muna yung dalawa, hintayin mo na lang kami diyan ok.
Nikolai: sige, pakibilisan lang kasi baka kung ano na nangyari sa kanya sa loob kasi.
Pagkababa na pagkababa ng tawag na yun ay agad namang tinawagan ni Miazar yung dalawa, dahil sa sinabing yun ni Nikolai sa kanya ay pati na rin siya hindi na rin mapakali, napagusapan ng tatlo na magkita na lang sa tapat mismo ng women's restroom at dun nila naabutan si Nikolai na kanina pa paikot ikot sa labas ng cr ng mga babae.
Miazar: Hey Niko.
Nikolai: Puntahan niyo na si Ayumi sa loob.
Jessabelle: Sige, pero pwede ba huminahon ka nga muna diyan.
Nikolai: Kanina pa kasi ako nagaalala sa kanya eh.
Joanna: Kami na bahala, hintayin mo na lang kami dito.
Naiwan naman si Nikolai sa labas at pumasok na nga yung tatlo sa loob at hinanap nila agad si Ayumi.
Jessabelle: Ayumi, nasan ka?
Ayumi: Kayo na ba yan guys?
Miazar: Oo kami na nga ito, luamabas ka na diyan.
{ng buksan ni Ayumi ang pinto ng cubicle kung nasan siya ay bigla na lang ito nagcollapse at nanginginig na ito sa loob, kaya agad naman tinawag ni Joanna si Nikolai para siya mismo ang bumuhat kay Ayumi}
Joanna: Nikolai, sumama ka sakin sa loob ngayon na.
Nikolai: Bakit naman?
Joanna: Basta sumama ka na lang kung pwede?
Nikolai: Sige na nga lang.
{pagkapasok na pagkapasok ni Nikolai sa loob ay nagulat ito sa nakita niya, kahit na nagulat siya ay agad niyang tinanggal ang jacket niya para maisuot mismo kay Ayumi at agad niya itong binuhat dahil iuuwi na niya ito sa apartment nila, bigla namang kumulo ang dugo niya}
Nikolai: Kung sino man ang may gawa sayo nito Ayumi, hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sayo.
Miazar: Sino naman ang gumawa nito sa kanya, wala naman siyang kaaway dito eh.
Nikolai: Wag kang magalala Mia, aalamin kung sino ang may gawa nito sa kanya at humanda sila sakin.
Joanna: Grabe naman ang gumawa nito sa kanya.
Nikolai: Ihahatid ko na kayo sa apartment niyo at pakialagaan na lang muna siya dun.
Jessabelle: Buti pa nga, sige kami na bahala sa kanya.
Dahil sa buhat buhat ni Nikolai si Ayumi ay nakaagaw naman sila ng pansin dahil tumatakbo sila, at lahat ng madadaanan nila ay tumatabi para makadaan ang mga ito, dahil na rin may takot pa sila kay Nikolai kahit papanu. At yun ang naabutang eksena ng dalawa na sina Ella at Timothy, dahil sa nakita nilang yun, alam na nila na kumukulo na ang dugo ni Nikolai dun sa taong may gawa nun kay Ayumi, pati din naman silang dalawa.
~~~author___signout~~~
YOU ARE READING
I fell in love with My Bestfriend
Teen FictionThis story based on my friend experience. Actually hindi dapat ako magsusulat ng new story eh. Pero dahil nainspire ako sa love story nilang dalawa, kaya ito ang naging kalabasan. Bestfriend is always there for for worst and for the better. Ang bf/g...