Her Pov
Nakarating kami at exact 6 pm. Kinuha ng isang vallet ang susi ng kotse ni Nick, then someone opened the door for us.
Isang mamahaling restauant ang Deluxe mukhang yung sa mga five star restaurant. Napaka pleasing nung staff. Maganda ang ambiance sa loob at nagsusumigaw ng karangyaan na nababagay lang sa mga taong afford ang mga pagkain na nasa menu nila.
Isang usherette ang nagdala samin sa table na pinareserve ng pamilya ni Nick. Nakarating kami sa hindi naman medyo gitnang bahagi ng restaurant may 6 seater ito.
Ngumiti naman ang mama at kapatid ni Nick pagkakita samin.
Tumayo pa ang mama niya at binati kami sabay beso ganun rin ang kapatid niya na subrang ganda.
Nahuli ko naman ang isang lalaking kamukhang kamukha ni Nick though old version pero magkamukhang mukha talaga sila liban sa labi ni Nick na naman niya sa mama niya. Pero over all magkamukhang magkamukha. Now i know what will Nick look a like after ages.Binati ko naman ito ng magandang gabi at nanatiling matiim lang din ang mukha nito at binati ako pabalik.
Parang yung mukha ni Nick pag nasa conference meeting subrang seryuso.
"Hi dad. How are you?"
Pero napawi naman yung kaba ko ng makita ko siyang ngumiti kay Nick.
"Hi son, i'm okay. How about you, your mom and sister told me earlier that you'll bring your fiancé here tonight. Is she your fiancé?"
Napatanga naman ako dun sa sunod sunod na sinabi ng papa ni Nick. Anu daw ako fiancé?
Di naman sumagot agad si Nick kaya nagsalita ulit yung papa niya at hinarap ulit ako.
"Hello iha, i'm Phillip Mathew Villanueva, Zarick's father"
Sabay abot nito ng kamay, inabot ko naman at nagpakilala rin.
"Hello sir, nice meeting you i'm Reign Mitzi Ligaya, Nick's secretary slash friend. Mali ata yung nasagi nyung balita di po ako yung fiancé niya"
Sabay ngiti ko naman ngtipid. Ngumiti naman siya at tinignan si Nick.
"Is that true son?"
"Ahm yes dad, she's my special friend and i don't have fiancé. Mom might really get a false news for you."
Yung mama naman niya ay nangingiti dahil sa sinabi ng anak niya.
"Anak kasi i really look forward para sa lovelife nyung dalawa ni Reign. Diba dad bagay sila."
Sabay yakap pa nito sa asawa. Niyakap naman ni sir Phillip ang asawa niya. Hays how sweet.
"Mom, let's not rush Zarick okay. Baka maudlot pa"
Sabay naman natawa yung mama at papa niya. Woah nakapagbibiro naman pala tung papa niya akala ko super strict.
"Let him do the work. He knows what he's doing"
Ngumiti naman ito ng malapad sa amin at sa asawa niya.
Pagkatapos nun ay tinawag nito ang waiter at isa isa ng nagdatingan ang mga pagkain na kanina pa pala nitong inorder.
"Are these okay to you iha?"
Tanong pa ng papa niya sakin. Naks, very welcoming naman pala ng family ni Nick.
Tumango naman ako. Mukhang masasarap naman at naamoy ko pa lang nakakatakam na.Nagsimula naman kaming kumain. Gaya ng sa isang high class restau. Unang sinerve ang appetizer, the soup, then the main course. Kahit di sanay ay alam ko naman kung pano gamitin yung mga utensils na nasa mesa. Lagi pa akong tinatanong ni Nick kung okay lang yung kinain ko tumango naman akong okay. Then the main course was serve tinulungan pa ako ni Nick sa paghiwa ng steak ko. Punagtinginan tuloy kami ng pamilya niya, sinaway ko pero ayaw naman papigil.
Tinukso pa tuloy kami ng mama niya.Matapos nun ay nagkwentuhan ang pamilya habang ako ay nakikinig lang. Inusisa ulit nila ako tungkol dun sa pagcecelebrate ng new year kasama si Nick.
Si Nick naman masayang ikinuwento ang ganap dun sa amin. Ipinakita niya pa ang mga pictures namin during new year, nung namasyal kami. Kanya kanya naman ng komento ang pamilya niya hanggang sa ang papa niya ang magsalita. Hawak niya ang phone ni Nick at pinakita samin yung picture ni Nick at Nicka.
"Son, you have the same features with this baby when you are in her age. You too have the same eyes."
Napatingin naman yung mama niya sa picture pati na rin ang kapatid niya.
"Oo nga kuya, you look so same, para nga kayong mag daddy sa picture na ito right mom"
"You're right Bree, look i want to meet this cute little girl. She's look so adorable dad."
"Ahm, kapatid ko po siya, nasa probinsiya po siya kasama yung isa ko pang kapatid"
"Oh how sad naman. I really want to meet her. Zarick, bigyan mo na kami ng apo ng daddy mo."
Sumingit naman si Bree.
"Mom, ayaw niyo na ba sakin. Akala ko ako lang baby girl mo."
Agad naman itong inalo ng mama nila.
"You're always be our little baby Bree, but you've grown up now, i miss having a little baby to take care of."
Binalingan ulit ako ng mama niya.
"How old is she Reign?"
"She's turning 6 this coming February ma'am"
"Oh, you also told me that you're parents were already gone. How is she coping? Isn't she asking and looking for them?"
Napatigil naman ako sa tanong na yun ng mama ni Nick. Naalala ko yung minsang mag foundation day school ni Nicka last year. Tinanong niya kung pupunta ba daw ako kasi siya lang daw ang walang mama at papa. Pero sinabi kong di ako makakauwe kasi subrang busy ko that time. Yun yung mga time na busy ang buong kompanya. Wala akong nagawa kundi pakinggan nalang ang iyak niya that time. Sinabi kong si kuya niya nalang ang isama pero sinabi niyang di na lang siya aattend that day. How i wish i can accompany her pero di naman ako pwedeng magpabaya sa trabaho ko dahil para sa kanila yon.
Nagtampo pa siya nun ng tatlong araw kung hindi pa siya pinaliwanagan ni kuya hindi niya ako papansinin sa mga tawag ko.
"Ahm, she understand our situation ma'am. She's not always asking about our parents."
Ngumiti naman ang mama ni Nick na medyo may awa pa ito nung tinignan ako ulit.
Nag iba naman agad ang usapan ng nagtanong ang papa ni Nick tungkol sa kompanya at yung naging aberya nung nakaraang linggo.
Pinaliwanag naman agad ni Nick ang nangyari at sinigurado na di na muli iyong mangyayari sa kompanya nila. Di naman ganun nag alala ang papa niya. Sinabi pa nito kung ganu siya kaproud kay Nick at napalago pa nito ang kompanya nila.
Ilang oras pa silang nagkwentuhan hanggang sa nagdesisyon na ang mag asawa na umuwe na. Naghiwa-hiwalay na rin kami.
Masaya rin kaming bumiyahe papuntang apartment ko. Pinauwe ko na rin siya agad at di na pinatambay pa dahil may pasok na bukas.
Hindi pala talaga lahat ng mayaman kagaya ng mga dating kakilala ko. Mas mayaman sila pero ang pakikitungo nila hindi nag iiba anu man ang antas mo sa buhay. Napaka ideal ng pamilya ni Nick.
BINABASA MO ANG
Against All Odds (Complete)
General FictionLahat tayo nagnanais na makatagpo ng taong mamahalin natin. Papakasalan at kasamang bubuo ng pamilya at syempre bumuo ng ANAK, ngunit paano kung lahat nang yun ay hindi maibigay ng taong minahal mo, tatanggapin mo pa rin kaya siya o gaya ng iba na n...