Chapter 35

369 13 0
                                    

Her Pov

Early in the morning pero andito na siya sa tapat ng apartment ko. Oo po, ang dakila kong boss ay nasa labas ng apartment ko habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Kaya ito na naman early in the morning ay nagsisilabasan na aking mga butihing kapitbahay para maki usyuso kung sino itong gwapong nasa harap ng apartment ko.

Dahil ayoko ng makarinig pa ng chismis ay sumakay na ako agad sa kotse niya. Pagkapasok ko ay binigyan niya ako agad ng isang piraso ng pulang bulaklak. Napakaganda nun at inamoy amoy ko pa.

"Ang ganda nito, thank you and good morning."

Nginitian lang niya ako at pinaandar na ang sasakyan papuntang office.

Pagkarating namin ay syempre dadaan kami sa lobby, kaya naman ito umagang umaga center of attraction na kami. Ikaw ba naman ang makasabay ng isang gwapo at may ari pa ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo hindi ka/kayo pagtitinginan.

Alam niyo na ang kasunod, syempre bulungan pero itong kasama ko dedma lang sa paligid at ang lakas pa ng loob na hawakan ako sa bewang ko at isinakay sa private lift niya.

Wala tahimik lang siya the whole time. Parang tange nga eh kasi titingin siya sakin tas ngingiti at bubulong bulong pa. Anyare dito sa boss ko, sinapian ata ni joker dahil di mabura ang ngiti sa mukha.

Pagka lunch time ay sinabay niya ako at sa cafeteria kami kumain. Siya na ang umorder ng pagkain namin kaya di na naman maiiwasan yung bulungan, nariyan yung titingin sakin tas iirap or tataasan ng kilay, iba naman ngingitian ako. Hays anung problema nito alam ko naman na di talaga normal yung ganitong set up ng mag amo noh.

Mas mabuti pa nga na diretsahain nila ako kesa ganito. Bumalik na rin siya at dala ang mga pagkain na inorder niya.

Ngumingiti na naman siya at siya pa talaga yung naglagay ng ulam sa plato ko kaya agaw atwnsyon na naman kami. Sinuway ko na pero ayaw talaga papigil at ngingitian lang ako.

"Bakit ka ba ngiti ng ngiti dyan? Anong nakakatawa, may dumi ba or mali sa mukha ko at every time na titingin ka, ngingiti ka pagkatapos tas the whole time di ka rin nagsasalita, nasapian ka ba boss?"

Mas lumapad naman ang ngiti niya sa sinabi ko tas pinisil pa niya yung dalawang pisnge ko kaya naman inirapan ko siya sabay tampal sa kamay niyang nakahawak sa pisnge ko.

"Aray masakit, ano ba sinapian ka nga ata eh. Kung ganyan ka ng ganyan babawiin ko na lang yung pagbibigay ng chance naglalaro ka lang ata."

Bigla naman siyang sumeryuso at hinawakan ang kamay at another chismis na naman. Mabuti na lang nasa sulok kami na parte.

"No, no Reign. Wala ng bawian. I am just absorbing things that's why i can't speak right now. Finifeel ko pa yung bawat moments. It's like a dream come true to me. You, letting me to court you it's, it's really my dream come true, fantastic, great gosh. Unexplainable feeling, having you, letting me do things for you."

Tinitigan pa niya ako sa mata at hinalikan niya ang kamay ko sabay ng isang matamis na ngiti

"Oo dati nagagawa ko naman to pero iba ngayon eh, pwede kong samahan ng pagmamahal at pag aalaga yung mga ginagawa ko para sayo. I can now freely let my real feelings shows."

Napangiti naman ako sa sinabi niya, hay ibang klase pala magmahal ang isang Nick Villanueva. Nakakabaliw talaga at mukha siyang teenage boy sa ginagawa niya. Hays swerte ko naman.

"Oo na, sige naiintindihan ko na. Ako rin naman inuunti unti ko ring dinadigest yung bagong sitwasyon natin. Pero wag ka namang masyadong pahalata mukha kang timang ngiti ka ng ngiti. At isa pa pala pwede pag nandito tayo lalo na pag andyan sila maging formal muna tayo, work lang wag muna nating haluan ng kung anung meron tayo kasi mas lumalala kasi yung chismis eh."

Against All Odds (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon