Chapter 26

415 10 0
                                    

Her Pov

Pasado alas 11 na ng gabi ng maisipan naming umuwe na. Nasa apartment ko na kami, kasalukuyan akong nagbibihis habang si Nick ay nasa sala. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakapikit na habang nakaupo dun sa munti kong sofa. Eh magdadrive pa to pauwe ah. Paano ito, kawawa naman at mukhang antok na antok na. Baka mapahamak pa to pag nagdrive pa to pauwe. Kaya no choice, ayaw ko naman madisgrasya at dahil di naman siya kasya sa sofa ko kaya sa kwarto ko nalang patutulugin tu.

Naglatag ako ng extrang foam sa baba ng higaan ko, nilagyan ng unan at kumot bago ako bumalik sa sala.

Tinapik ko siya kaya naman napamulat siya. Medyo muntikan pa siyang matumba nung bigla siyang tumayo.

"Oh, sige Reign i have to go"

Pinigilan ko naman siya.

"Di mo na kayang magdrive medyo nakainom ka at antok na. Dito kana magpa umaga okay. Tara."

Hinila ko siya sa kwarto ko. Itinuro yung kama ko para dun siya matulog at ako dito sa extrang foam.

"Higa ka na dun. Dito ako sa baba. Wag kang mag alala hindi ako nanggagapang. Hehe"

Pupwesto pa lang ako ng higa ng hatakin niya ako at dahil nabigla ako ay natumba kami, buti nalang nasalo kami ng kama ko. Ang mokong imbes na tumayo eh dinaganan talaga ako. Ambigat niya infairness hah mapipisat na talaga ako kung di ko pa siya itutulak.

"Aray, ambigat mo kaya makadagan ka naman eh. Matulog kana jan dito ako."

Pero tinignan lang niya ako gamit ang namumungay niyang mata. Kung di ko lang alam na medyo nakainom tu at inaantok iisipin kong inaakit niya ako.

Peru syempre joke lang pero pwede ring totohanin. Hay naku lumalandi na naman tung isipan ko. Makatulog na nga.

"Bitaw, Nick matutulog na ako. Inaantok na ako. Pahinga na tayo"

Pero di pa rin niya ako binibitawan. Tinapik lang niya yung kama at inanyayahan akong umupo dun.

"Let's sleep together Reign, promise i will not do things to you. We're friends right. Promise i will respect you. Harmless ako"

Sabay taas pa niya ng dalawa niyang kamay. Parang pormang sumusuko. Siraulo talaga toh, well edi pagbigyan. Tsaka pagod na akong makipag argumento antok na antok na ako. Kinuha ko yung kumot at unan ko at tumabi na sa kanya. May space sa gitna hah kala niyo. Dalagang Pilipina kaya to pero mesyo madali matukso. 🤫😁

Dahil nga pagod na eh mabilis na akong nakatulog. Ang naalala ko nalang ay yung pagdantay ng kamay niya sa tyan ko hanggang sa makatulog na ako as in bagsak talaga.

Kinaumagahan dahil medyu late na akong nakatulog medyo late na rin akong nagising mga 8 am na ako nakabangon. Wala na rin yung katabi ko at nakaayos na rin yung extrang foam na hindi ko na naayos kagabi. Tumayo ako at nagpuntang banyo para maghilamos medyo bangag pa ako.

Pagkatapos kong maghilamos at magsepilyo ay lumabas na ako at pabalik na sana ng may maamoy ako sa kusina ko na katabi lang din ng banyo ko.

At boom, nakakita ako ng isang lalaking topless na nakaharap sa lutuan ko. Take note hah topless at tanging boxer shorts lang ang suot sa baba. Tapos parang nagslow motion ang mundo ko ng unti unti siyang humarap sa direksyon ko. Ngumiti ng malapad. Susko nananaginip pa ba ako? Kung oo pwede wag muna akong magising? Kaloka self, di halatang malandi eh noh?

Pero di naman pala ako nanaginip ng bigla siyang lumapit at halikan ako sa noo sabay pisil sa pisnge ko. Kaya naman biglang namilog ang mata ko. Hinalikan niya ako sa noo early in the morning ano siya asawa ko. Aish, gosh. Napatingin pa ako sa bandang baba niya, sheet men nakabukol at bakat yung eagle niya.

Against All Odds (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon