Everything went well, sumaya si Nicka, pati si Nick at Reign. Para talaga sila isang pamilya lalo't kapansin pansin ang pagkakahawig ng mga abong mata ni Nick at Nicka.
Hindi naman maiwasan ng ibang parents na mamangha sa kagwapuhan ni Nick, lalo't angat na angat talaga ito sa mga taong naroroon.
Hindi maipinta ang mga sayang nararamdaman nilang tatlo. Naramdaman ni Nick ang kasiyahang di pa niya nararamdaman, ang saya sa pakiramdam ng pagiging isang ama. Di pa niya iyon tunay na anak anu pa kaya kung tunay na anak na niya ang kapiling niya.
Pero alam naman niyang malabong mangyari dahil sa sitwasyon niya.
Natapos ang programa at ngayon ay papauwe na sila. Nagsorry na rin ang mga batang umaway kay Nicka at dahil likas na sa bata ang mapagpatawad ay nagkasundo agad ang mga ito.
Hanggang ngayon nga ay di maalis alis ang ngiti nito. Ikinukwento pa nito ang sayang nararamdaman.
Nakarating sila sa bahay nila Reign saktong pahapon na. At dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog si Nicka sa kandungan ni Reign. Nagvolunteer naman si Nick na siya ang magbuhat patungo sa bahay nila Reign.
Nasa kusina si Reign at naghahanda ng lulutuin ng bumalik si Nick. Umupo siya at tinitigan lang si Reign na medyo busy.
Any man who will have her is very lucky. A very dedicated employee, a great sister and daughter and a very sweet and thoughtful woman. A wife material and i am very lucky that i met her, sa isip pa ni Nick.
His Pov
Napakagandang tignan ng ganito para lang kaming nagbabahay bahayan. Ako ang tatay, si Reign ang nanay at baby namin si Nicka. It is what i've been dreaming of my whole life.
Yung pagkauwe ay may sasalubong sayo ng yakap at halik sa iyong asawa at mga anak, mag aasikaso at maghahanda ng lahat at in return ay malalambing ko ay makakayakap tuwing matutulog.
Hindi ko napigilang yakapin si Reign, medyo nagulat naman siya kaya kinurot niya ako sa tagikiran ko pero di naman masakit.
"Ang swerte ko naman, what more pa kaya kung sasagutin mo na ako at magiging asawa pa."
"Aysus, magtigil ka nga. At wag kang yumakap yakap baka makita nila tayo. Tsaka uy sa pagkakaalam ko nanliligaw ka pa lang sakin at di pa kita sinasagot kaya wag kang makayakap yakap dyan. Dun ka, tatapusin ko pa tung niluluto ko."
Sinunod naman yung gusto niya. Naupo lang ako, busy ako habang nakatingin lang sa kanya ng may yumakap na maliit na nilalang sa gilid ko.
"Oh baby bunso, gising kana pala. Kamusta ang tulog?"
"Okay na okay po papa."
Medyo nagulat naman ako sa tinawag ni Nicka pero nginitian ko lang siya at kinandong na sakin. Humarap naman siya sakin at hinalikan ako sa magkabilang pisnge.
"Ansarap pala magkaroon ng papa. Thank you papa Nick, ang saya-saya ko po ngayong araw. Pwede pa rin ba kitang tawaging papa, kuya Nick?"
Sabay ngiti niya sakin na alam kung dahil iyon sa galak.
"Your welcome baby bunso. Oo naman mas gusto kong tawagin mo ko ng papa. Nag enjoy ka ba kanina?"
"Talaga po papa. Opo papa nag enjoy ako subra. Lagi tayong nananalo sa laro kanina."
Sabay palakpak pa niya at yakap sakin. Natuwa naman ako kaya binuhat ko siya at itinaas siya sa ere. Tuwang tuwa naman siya kaya nagtatakbo pa ako sa loob ng bahay nila at naghagikgikan kami hanggang sa dumating si Ralph na nakipagkita sa mga kaibigan niya kanina at yung tiyuhin nila.
Binati ko naman sila at naupo nalang kami ni Nicka pero nakakandong pa rin siya at kinikiliti ako.
Di nagtagal ay tinawag kami ni Reign dahil maghahapunan na daw. Masaya kaming dumulog sa hapag kainan. Di mawala wala ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Nicka at magana itong kumain.
Kung si Reign ay isang ideal wife, si Nicka ay isa sa pinapangarap kong maging anak kung mabigyan ako ng pagkakataon.
Magana at masaya kaming kumain. Kinuwento pa ni Nicka ang nangyari sa school niya sa kuya at tiyuhin nila. Ngumiti lang ang tiyuhin nila at si Ralph naman ay tinanong pa si Nicka ng ibang detalye at masayang masaya itong nagkwento.
Lumalalim na ang gabi kaya nagsitulog na rin kami. Pero di ako makatulog kaya lumabas ako sa kwarto ni Ralph at papunta na sana sa kusina ng makita kong naka on pa ang ilaw at andun si Reign at tiyuhin niya at nag uusap ata.
Aalis na sana ako ng macurious ako sa pinag uusapan nila.
"Reign, sigurado kana ba dyan sa lalaking iyan? Mukha rin namang matino pero baka pag nalaman niya ang sekreto mo eh tumakbo na lang iyan. Siguraduhin mo munang tanggap ka niya bago mo sagutin."
Mariin pang pagpapaalala ng tiyuhin niya.
"Mabait po siya tsong pero hindi ko pa lang po nasasabi sa kanya. Natatakot po ako na baka pag nalaman niya ay tumigil na siya. Pero alam ko namang maaari yung mangyari tsong, di pa lang ako handa."
Nakayukong sagot naman ni Reign. Madilim ang sala nila kaya di nila ako kita dito sa kinaroroonan ko.
"Peru Reign, mas mabuting habang maaga pa ay ipaalam mo na sa kanya. Napapalapit na rin si Nicka sa kanya. Alam kong masakit ang nangyari sayo dati pero dapat sabihin mo sa kanya para alam mo na ang dapat mong gawin at tanggapin mo kung ano man ang maging desisyon niya."
Napahagulgol naman si Reign dahil dun. Tungkol ba saan ang pinag uusapan nila.
"Opo tsong hahanap po ako ng tamang pagkakataon. Sasabihin ko na po ang totoo sa kanya."
Lumapit naman ang tiyuhin niya at hinagod ang likod niya.
"Anu man ang mangyari Reign andito lang kaming pamilya mo, andyan ang kapatid mo at si Nicka. Sige na magpahinga ka na at lumalalim na ang gabi."
Dali dali naman akong pumasok sa kwarto at nahiga sa sahig na nilatagan ng foam.
Anu kaya ang pinag uusapan nila? May parteng parang kasali ako, anu yung sekreto ni Reign na pagsinabi ay baka di matanggap nino naman. Hays, pero sana isang araw sabihin niya sakin kyng may problema siya para matulungan ko...
BINABASA MO ANG
Against All Odds (Complete)
General FictionLahat tayo nagnanais na makatagpo ng taong mamahalin natin. Papakasalan at kasamang bubuo ng pamilya at syempre bumuo ng ANAK, ngunit paano kung lahat nang yun ay hindi maibigay ng taong minahal mo, tatanggapin mo pa rin kaya siya o gaya ng iba na n...