Chapter 42

393 11 0
                                    

Her Pov

Matapos ng lahat ng dramahan namin ni Nick. Nagdesisyon kaming magpunta sa probinsya.

Nagleave ako ng two days sa work syempre kasama ko si Nick. Andito na kami sa biyahe at medyo kinakabahan ako dahil di ko rin alam kung panu sasabihin kay Nicka na all this time ako pala yung tunay niyang ina at di ko rin alam kung matatanggap niya ba ako or matutuwa ba siya or magagalit dahil naglihim ako.

Andito kami sa labas ng skwelahan ni Nicka dahil tuesday pa ngayon at may pasok sila. Saktong uwian na kaya nagsisilabasan na yung ibang mga estudyante. May tumitingin samin na ilang mga ina at guro pati mga estudyante siguro nagtataka rin dahil sa kasama ko.

Marami ang naglalabasan pero kaagad ko namang nakita si Nicka. Malungkot ang mukha niya at nakayuko habang nakahawak sa sukbitan ng bag niya. Kaya kaagad ko siyang tinawag at pagtingin niya sakin ay lumiwanag ang mukha niya. Tumakbo siya papalapit samin na may malapad na ngiti sabay yakap sakin.
Nakaluhod ako kaya magkapantay lang kami.

"Oh bakit malungkot ang baby namin."

Umiling iling naman siya sabay iwas ng tingin sakin.

"Ah hindi ate noh, masaya kaya ako. Masaya sa school, madami akong kalaro."

Pero bigla namang may tumawag sa kanya mga grupo ng mga bata na kaedaran lang din niya.

"Hoy Nicka di naman yan ang mama mo eh, ate mo lang yan. Sabi ng mama ko wala ka nang magulang kawawa ka naman."

Sabay tawa nung kasama nung batang mataba na nanunukso kay Nicka. Pagagalitan ko na sana sila ng magsalita si Nick.

"Mga bata hindi maganda ang mang away o manukso ng ibang bata. Ang dapat magkakaibigan kayo at naglalaro lang. Sige kayo magagalit si papa God sa mga batang pasaway at di kayo bibigyan ni santa claus ng gift sa pasko kasi bad kayo."

Natahimik naman yung mga nambully kay Nicka at nagsitakbuhan palayo. Lumapit si Nick sa amin at binuhat niya si Nicka yumakap naman ito sa kanya at hinalikan siya sa mukha.

Ito yung pinangarap ko dati ang mabigyan ng kompletong pamilya si Nicka yung hindi ko siya tinatago sa ibang tao bilang anak ko. Napaiyak naman ako ng maisip yun at yung pambubullyng nangyari sa kanya. Dali dali kung pinunasan yung namuong luha sa mata ko at nginitian sila. Dahil maaga pa naman ay namasyal kami sa bayan. Aliw na aliw si Nicka at Nick hinayaan ko silang magbonding na dalawa. Kung susuriing mabuti aakalain mo talaga silang mag ama dahil sa kulay ng balat nila, sa mata nilang abuhin at sa buhok nilang medyo may pagka blonde with a touch of black.

Desperada na ba talaga ako para gawing father figure si Nick ng anak ko? Pero sabi naman niya tanggap niya at willing siyang maging ama ni Nicka at di ko papalagpasin ang pagkakataong mabigyan ng konpletong pamilya ang anak ko.

Nang magdidilim na ay nagpasya kaming bumili na lang ng uulamin at sa bahay na kumain. Napag usapan na rin namin na sa bahay at sa harap ng pamilya ko sasabihin ang totoo kay Nicka.

Nasa hapag na kaming lahat pati ang tiyuhin ko. Natatakot pa ako na magsalita kaya tinapos ko muna ang hapunan namin. Pagkatapos nun ay tinipon ko sila sa sala. Magkatabi kami ni Nick at nasa harap namin si tsong at Ralph habang nakakandong sakin si Nicka. Medyo nagtataka pa siya kung bakit andun kami sa sala.

"Ate bakit andito tayo lahat?"

"Bunso may sasabihin kasi ang ate. Ahm kami na ni daddy Nick mo."

Medyo naman nalilito siya sa sinabi ko kaya pinalawanag ko sa kanya.

"Baby bunso ibig sabihin nun boyfriend ko si daddy Nick at girlfriend niya ako dahil nagmamahalan kaming dalawa."

Bigla namang namilog ang mga mata niya at nagtatalon siya sa kandungan ko.

Against All Odds (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon