His Pov
Reign and i just finished a meeting on our clients' company. Nasa lobby kami ng company at palabas na ng may nakabunggo kay Reign. Nahulog ang ilan sa mga papers na dala niya kaya tinulungan ko na rin siyang pulutin ito. Matapos ay tumayo ako at hinarap ang nakabunggo sa kanya.
"Hey, could you look at were you're going. Hindi yung nangbabangga ka."
Pero di naman niya ako binalingan kundi sa katabi kong busy pa sa pag aayos ng mga papers na hawak niya. Natigilan naman si Reign ng makaharap yung bumunggo sa kanya.
"Reign? Are you okay?"
Agaw ko sa atensyon niya.
Bumakas naman sa mukha ng estranghero ang gulat ng tawagin ko si Reign.
"Reign, is that really you. Oh gosh, i've been looking for you. Pero walang makapagsabi kung nasan ka na."
Akma pa itong yayakap, itutulak ko na rin sana siya ng pigilan siya ni Reign sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay nito.
"Oo Edward ako nga to. Ba't mo naman ako hinahanap? Di pa ba kayo tapos na alipustahin ako? At wala kang karapatang alamin kung nasan ako dahil wala kanang karapatan sakin anim na taon na ang nakakaraan."
Para namang binagsakan ng langit at lupa ang hitsura nung lalaki.
Tinignan ako ni Reign at sabay hila sakin.
"Tara na Nick, wag tayong magsayang ng oras."
Sumunod naman ako at sinabihang maghintay nalang siya sa harap at ako na ang kukuha ng kotse sa parking lot. Pagkakuha ko nun ay itinigil ko ito sa harapan para pasakayin si Reign pero iba ang naabutan ko.
Andun ulit yung lalaki at pinipilit si Reign, di ko natiis kaya lumabas ako ng kotse at pinuntahan sila.
Itinulak ko naman yung lalaki na pilit na lumalapit kay Reign.
"Hey, what's the problem with you."
Tinignan ko lang siya na parang sinasabi kong wala akong pake sayo at bored.
"Reign please let's talk. I had regreted what i did 6 years ago. Please give me another chance this time i can stand on my own decision. Please just hear me out."
Sabay hawak nito sa kamay ni Reign. Nag init naman ang ulo ko dahil sa ginawa niyang paghawak kay Reign. Kinuha ko ang kamay ni Reign at hinila siya papuntang kotse pero ang gago sumunod pa rin.
"Pare, wag ka namang bastos kinakausap ko pa siya eh. Reign please"
Dahil sawang sawa na ako makinig sa pakiusap niya kaya nagsalita na ako.
"Wag mo kong mapare pare hindi tayo magkaibigan. And will you stop what you're doing. Reign don't give a damn about you. She don't want you anymore so could you get lost?!!"
Naggagalaiti naman niya akong hinarap.
"Bakit ba singit ka ng singit. Sino ka ba, it's not your problem anymore so leave me and Reign. I need to talk to her."
Napangisi naman ako sa sinabi niya. Kung wala lang nanonood kanina ko pa to binangasan eh.
"It's my problem because she's with me and wag kanang umasa na may magiging kayo dahil girlfriend ko siya and i will not let her go like what you did years ago you asshole."
Hindi ko na siya hinintay na makasagot at ipinasok ko na si Reign sa kotse na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin.
Nang makalayo layo na kami ay itinabi ko ang kotse ko at hinarap siya. Tinanggal ang seatbelt ko at nilapitan siya. Hinarap ko siya sakin at hinawakan sa magkabilang pisnge.
"Hey are you okay? Do you feel like crying, you can cry on me."
Pero umiling lang siya at ngumiti sakin.
She unbuckle her seatbelt and hug me tight."Thank you"
"Your welcome, are you okay now?".
"I'm always okay whenever your around me"
Mas siniksik pa nito ang mukha niya sa leeg ko. Hinaplos haplos ko naman ang likod niya. Pagkatapos nun ay nagmaneho na ulit ako.
Tumingin ako sa relo ko at quarter to 12 na kaya naisipan kung maglunch muna kami bago tumuloy sa opisina.
Pumasok kami sa isang Italian restaurant. Tahimik lang siya kaya ako na ang umorder para sa kanya pagkatapos ay hinarap ko ulit siya at hiwakan ang kamay niya. Tinanong ko siya kung okay lang ba siya, nginitian lang niya ako at sinabing okay lang siya. But i guess she's not really okay.
Nang dumating ang order namin ay tahimik pa rin siya pero after a minute ay nagsalita na rin siya.
"Siya pala yung naikwento kung ex ko, si Edward. Akala ko iiyak ako kapag nakita ko siya ulit o babalik ulit yung sakit 6 years ago pero hindi eh. Awa, yun yung nadama ko nung nakita siya at feeling na sa wakas malaya na ako mula sa sakit ng kahapon ko. Hindi na ako galit sa kanya. Masaya na ako ngayon."
Sabay subo niya ng carbonara at ngumiti sakin. Isang ngiting tunay. Kaya naman napangiti na rin ako. Pinagpatuloy na namin ang pagkain namin. Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa opisina.
Mabilis ding lumipas ang oras. Hapon na at uwian na. Kung dati ay lagi akong nag oover time at alas 9 na ng gabi kung umuwe nagbago yun simula nung maging malapit kami ni Reign. Andaming nagbago sakin na magaganda dahil sa pagdating ni Reign sa buhay ko. Di ko man sinasadya pero unti unti kong binabago ang sarili ko ng di ko namamalayan. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang alam ko, ginagawa ko yun para kay Reign. Kung para saan hindi ko pa yun masasagot.
Pinatay ko na ang laptop ko at kinuha ang coat na isinampay ko sa swivel chair ko.
Naabutan ko naman siyang nag aayos na rin ng mga gamit niya.
"Let's go?"
"Uhm, alam mo di ka ba anu, ahm kasi diba iba na kasi. Secretary mo ko dito tapos super close natin. Hinahatid mo ko tuwing uwian sabay rin tayong naglalunch at dinner minsan. Baka kasi iba na isipin ng mga tao, ng mga empleyado mo. Baka isipin nilang tinitake advantage kita bilang boss ko."
Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Sino naman ang nagsabi sa kanya ng ganun.
"Tell me Reign, who told you that? Reign we know what we are doing. We know what kind of interaction we have. Besides i don't care what they say. I can fire them if i want to."
Lumungkot naman ang mga mata niya. Ayoko talagang ganun siya, napakaexpressive ng mga mata niya kaya't kitang kita ko lahat ng emotions niya. And seeing her sad is not a good emotion.
"Kasi Nick, alam ng lahat na mahirap lang ako tapos bago lang ako sa kompanya pero ang lapit lapit ko na sayo. Kalat na kasi sa buong kompanya mo ang tsismis na nilalandi daw kita para maahon ako at ang pamilya ko sa hirap. Di naman kasi talaga ganun pero yun ang tingin nila sakin."
Niyakap ko na siya dahil nagsisimula ng manubig ang mata niya.
"Isa pa andami dami mo ng ginawa para sa akin, way beyond of being your secretary and as a friend. Parang sumubra na ata ako sa pagkunsinte sa mga ginagawa mo kaya di ko rin maiwasang isipin na mukhang tama nga sila."
"I know Reign, you're not like that. Hindi mo ko nilalandi at hindi mo ko ginagamit, pero incase man na landiin mo ko i'm very willing with open arms akong magpapalandi sayo. Hahaha"
Hinampas naman niya ako sa likod ko.
"Magseryoso ka nga. Alam mo naman ang mga tao kung anung nakikita dun ibinabase ang judgment nila."
Hinaplos haplos ko na lang ang buhok niya.
"Reign, alam natin ang totoo. Tsaka kung sino man nagpakalat nun naiinggit lang yun sayo. Wag mo na silang pansinin dahil tayong dalawa alam natin na wala tayong ginagawang masama at nilalabag na office rule. You're my secretary and a friend and they can't do anything about that. Mamatay sila sa inggit."
Sabay natawa nalang kaming dalawa sa sinabi ko. Hinila ko na siya sa lobby, pinagtitinginan pa kami ng mga empleyado at todo yuko naman si Reign. Hinayaan ko nalang siya dahil yun ang gusto niya.
Kinuha ko ang kotse ko at pinaandar ito paalis sa kompanya ko.
BINABASA MO ANG
Against All Odds (Complete)
Ficção GeralLahat tayo nagnanais na makatagpo ng taong mamahalin natin. Papakasalan at kasamang bubuo ng pamilya at syempre bumuo ng ANAK, ngunit paano kung lahat nang yun ay hindi maibigay ng taong minahal mo, tatanggapin mo pa rin kaya siya o gaya ng iba na n...