Chapter 11

438 15 0
                                    

His POV

After our conversation inside my car. I started the car and go to Manila Bay.

The sea isn't clear nor clean but there were lots of lovers hanging there.

The wind blows out that it disheveled our hair but mostly Reign's hair.

Pinilit niyang ayusin ito pero hinahangin pa rin kaya tinulungan ko na siya.
Tinali ko ang buhok niya.

"Sigurado ka ba talagang straight ka? Bat marunong kang magtali ng buhok ng babae?"

Napatawa na naman ako. Andaming spekulasyon ng babaeng ito. Daig pa ang imbestigador at pulis sa dami ng tanong at hinala eh.

"Stop your silly mind from thinking nonsense things. I'm straight don't question it again. I know because i am the one who tie my sisters hair when we were younger ok."

"Ay ganun sige nanga. Tara upo tayo dun oh"

Yun nga ginawa namin. Umupo kami sa bench na nakaharap sa dagat.

"Andami namang lovers dito eh hindi pa naman February ah ber months pa lang"

Sabay tingin niya sakin at tumingin tingin pa sa magkasintahan na nagyayakapan at naghoholding hands na nandito rin nakatambay.

"Don't ask me, i don't know either"

Di naman siya nangulit pa at tumingin na lang dun sa dagat.

Tahimik lang din akong nakatingin ng magsalita siya.

"So bakit nga wala ka pang girlfriend. Honestly saying hah, full package ka na. Wala na silang hahanapin pa. Yung mga empleyado mo kahit sinusungitan mo, humahanga pa rin sayo. Kinikilig pa rin ng palihim pag nakikita ka. Yung mga babae sa restau, sa mall o kahit sa daan napapatingin talaga sayo. Kaya nakapagtataka talaga"

"How do you know that my employees are admiring me, as far as i know everytime i walk to my office either they're scared or talk to my back some bad words"

"Ay dyan ka nagkakamali noh, kasi minsan nakakwentuhan ko sila. Kahit daw masungit ka type ka pa rin nila at dagdag pogi points daw yung pagiging masungit mo"

Napangiti naman ako sa sinabi niya about sa mga employees ko.
Kaya naman tinry ko rin siyang tanungin.

"How about you, are you one of them or more than that?"

"Ehh, hindi ah. Alam ko limitations ko tsaka secretary mo slash friendship. Bawal rin yun"

"Bakit naman bawal? May bawal na pala ngayon pag nagkakagusto sa isang tao? Isa pa i'm not yet married or in a relationship. People can admire me. Even you my dear secretary"

Sabay ngiti ko sa kanya.

"Wag ka ngang ganyan tumingin. Tsaka tigil tigil mo ko jan sa pagngiti ngiti mong ganyan hah"

"Why are you affected?"

"Hindi no, basta naalibadbaran ako. About sa tanong mo. Bawal kasi di ba secretary mo lang ako. Wala ako sa qualifications mo. Crush kita ng konti pero hanggang dun lang yun friendship tayo tsaka di yun magandang tignan sa antas ng buhay mo sino lang ba ako. Isang hamak na sekretarya mo lang."

Napatiimbagang nalang ako sa huli niyang sinabi. Minamaliit niya ba ang pagiging secretary niya? Why should she always bring up the social status in life in terms of having someone to like or love?.

"Don't underestimate your work Reign. Don't be little yourself. Ang trabaho bilang secretary ko ay isang marangal na trabaho. No one can do what you can do as my secretary. Your the secretary of the CEO's multi-billion company."

"You make my work easier"

"Eh yun kasi ang realidad ng buhay. Sa mga palabas lang at mga pocketbooks nangyayari yung langit lupa na pagmamahalan. Sa totoong buhay ang mayaman para sa mayaman, ang mahirap para sa mahirap ganun yun"

"Bakit ganyan na lang kahalaga at kataas ang tingin mo sa pamantayan pagdating sa pag ibig Reign? Have you ever been in a relationship?"

Natahimik naman siya at napatingin sa dagat. Maya-maya ay nagsalita rin siya.

"Oo, naranasan ko na ang pumasok sa isang relasyon. Pano magmahal, sumugal, magsakripisyo, mahalin at masaktan. Langit siya, lupa lang ako pero pinili niya pa ring mahalin ako."

Sabay buntong hininga niya.

"Masaya na sana eh. Nagmamahalan kami ang kaso, wala pala ako sa isang fairytale na libro at hindi para sakin ang happy ever after na story. Tumutol yung mama at papa niya kasi nga mayaman sila, mahirap lang kami."

Napatitig naman ako sa kanya habang sinasabi niya yun. May dumaang lungkot at sakit sa kanyang mga mata.

"Yung story namin pang roller coaster talaga. May saya at kilig moments. May sakit at lungkot din. Umabot kami ng year kahit tumututol pa rin yung parents niya. Akala ko pang forever na nga eh. Umasa ako na hanggang huli ipaglalaban niya yung pagmamahalan namin pero sa bandang huli bumitiw rin siya. Pinili niya ang pamilya niya kesa sakin. Naiintindihan ko naman yun, ang kaso bumanat pa eh."

Sabay tawa niya pero hindi tunog masaya kundi tunog nasasaktan.

"Bumanat pa siya eh, sabi niya "Reign, i think my parents were right all along. I am not meant for you. I deserve someone better and i know it's not you." Grabe diba, after nun. Nabalitaan ko na lang na engage na pala siya sa kauri niyang mayaman din. Kaya tungkol sa tanong mo kung bakit big deal sakin ang antas ng buhay pagdating sa relasyon, Nick kasi alam ko yung pakiramdam. Gising na gising ako at alam ko yung totong realidad ng buhay"

Sabay tawa niya ulit at tingin sa dagat at pinunasan yung luhang di niya namalayan na dumaloy kanina.

"Don't generalize it Reign. Not all boys are like your ex. Some fights for their truelove. And some parents don't mind if their children were inlove with not so high status in life as long as they see their children happy, they will be happy for them."

Pang aalo ko pa sa kanya. Tinignan naman niya ako at nginitian.

"Di naman sa nilalahat ko pero kadalasan kasi ganun ang buhay Nick"

"But you know my mom and dad, they did not came from the same family status"

Pag alala ko pa sa kwento ng mama ko tungkol sa love story nila.

"My mom was a janitress in my dad's company before. My dad is a playboy as what my mom said. She's like you in terms of how you look life. But then destiny play its part. Dad stops being a playboy, while mom remain hating my father before. But then they fall in love. My dad's parents were thankful to mom and she made my dad a grown up as a responsible man. Then the rest is history".

"Ganda naman ng love story ng parents mo. Sa kaso ko hindi yun nangyari eh. Iba iba nga talaga siguro ang tadhana ng tao. Natuto na rin ako kaya hindi ko pipilitin ang sarili ko."

Ako naman ang napabuntong hininga ngayon. Isang nakabibinging katahimikan ang nangyari.

Hanggang sa sumapit ang dapit hapon ay nagdesisyon kaming kumain muna sa isang karenderya dahil na rin sa suggestion ni Reign....

Nung una magpoprotesta pa sana ako pero bandang huli napilit rin niya ako.

Against All Odds (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon