A/N: This is a BONUS BOOK of my HAUNTING PAST Series. Read this when you reach Book 3
(A note in Book 3 was provided advising you when to read this book.)***
꧁LYCA꧂
SABI ni Marc Logan ang buhay ng tao raw ay weather - weather lang. Sabi naman ng best friend kong si Bryan, ang buhay ko daw ay daig pa ang binabagyo. Ang sabi naman ng pamilya ko ay magpakatino na raw ako dahil mapupuno na ang barko. Pero ang sabi ko lang sa kanila, time-out muna ang puso ko.
Sa dami ba kasi ng mga dumaang lalaking kaibigan sa buhay ko, sa kapwa ko pa babae talaga ako nagkakagusto! Opo, bisexual ang lola nyo! Naubos na nga ang mga kaibigan na lalaki nitong best friend ko sa kakareto sakin, eh, sa sobrang pihikan ko. Kung hindi ko sinisipot, inaayawan ko lang. Swerte ko nga lang din at may naging magandang naidulot ang pagka-black sheep ko sa pamilya, natanggap nila ang totoong pagkatao ko ng maaga.
Tumunog bigla ang selfon ko. Si Bryan pala, tumatawag.
"Ling!" malakas na pagbati nito.
"What the fuck Bry! May plano ka bang bingihin ako?"
May gana pa talagang tumawa ang gago!
"Nakabihis ka na ba Ling?"
Ling kasi ang nickname ko sa'min at dahil childhood friend ko ito ay ito na rin ang tawag nito sa'kin.
"Abay malamang Bry, isang oras na akong naghihintay!"
"Oy, Ling. Ano kasi."
Napakamot ako ng ulo.
"Sos Bry! Wag na! Alam ko na ang sasabihin mo! Si Sunshine na naman?!"
"Ang galing mo talaga best friend!"
"Gago! Huwag mo akong daanin sa ganyan. Di mo ako mauuto! Sabi ko naman sayo gusto kong magpakalasing ngayon tapos iindyanin mo lang ako dahil sa Sunshine na 'yan? Sos! Para namang sasagutin ka nyan!"
"Badtrip naman to o! Nag-aya nga, eh. Alam mo namang isang beses lang ata to sa isang taon nag-aaya sa'kin. Malay mo ay chance ko na 'to! Babawi ako sayo, promise!"
"Hoy, Bry! Hindi porke't matalik tayong magkaibigan ay gaganyanin mo nalang ako lagi ha! Kotang-kota ka na! At tsaka ngayon na nga lang ulit tayo magsasabay ng off, iindyanin mo pa ako?!"
"I love you, best friend! At alam kong love na love mo rin ako. Promise, babawi ako sayo!"
"Asus! Ewan ko sayo! Sige na! Aalis na ako't malamang wala na akong maupuan dun!"
"Sos! Weekday ngayon kaya huwag kang mag-alala. Marami pang naghihintay na upuan para sayo. Don't get wasted, alright? Remember, mag-isa ka lang!"
Don't get wasted, don't get wasted! Eh kaya ko nga ginustong lumabas ngayon because I want to get wasted!
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo! (Lesbian Story)
RomanceUNDER REVISION | GxG | On-Going | Filipino | No. 1 in Rainbow Love (April 24, 2020) | BONUS BOOK for HAUNTING PAST (Advice: It's better to read this when you're reading Book 3 of Haunting past, just as to not spoil the story. And if you still want...