Chapter 2

2.4K 50 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


꧁LYCA꧂

HINDI ko matukoy kung gaano karami ang mga taong nagsasaya sa klab pero habang sumasayaw ako sa dance floor ay kinakausap ko ang sariling utak ko na tila hindi alintana ang ingay ng tugtugin at hiyawan ng mga tao.

This isn't working Lyca! Do you really think Tricia and Tee will leave your f*ck*ng' mind after you'll get yourself drunk? At itong pasayaw-sayaw mo sa dance floor na parang ewan, sa tingin mo ay makakatulong ito sayo?

You know it's a f*ck*ng no, right?!

Napatigil agad ako sa pagsayaw na parang robot na mabilis kung sumunod sa kung sinuman ang nagmaninipula ng remote control nito.

Tama nga. This isn't really working.

Dahil naliligo na rin naman ako sa sariling pawis ay naisipan kong bumalik sa pwesto ko. Mahirap na rin at baka ipamigay na ni Pogi sa ibang tao ang upuan ko. Mainit pa naman yata ang dugo nito sa magagandang kagaya ko.

Pagbalik ko sa mesa ay inilibot ko agad ng tingin ang buong paligid. Wala si Pogi sa upuan niya at ang malala pa ay naiwan niya ang selfon niya.

Ang mga tao talaga sa UAE, wala nang pakialam sa mga gamit nila porket alam nilang hindi naman delikado. Parang relasyon lang talaga 'yan. Porket alam nilang mahal na mahal mo sila ay iiwan ka na lang nila basta-basta pagkatapos ka nilang pagsawaan.

Napasandal ako ng malakas sa'king upuan. Day by day, I could feel that my moving on phase is getting oh so real. Magkahalong poot, galit, sakit at pagod ang laman ng puso ko ngayon. Ang hirap. Ang hirap kung paulit-ulit na lang na ganito.

Kukunin ko na sana ang selfon ko upang kumustahin ang best friend kong malamang ay masayang-masaya ngayon nang nakuha ng selfon sa mesa ang atensyon ko.

Mahigit sampung minuto na ang nakakalipas simula nang bumalik ako sa pwesto ko pero wala pa ring poging bumabalik. Tinignan ko ang selfon nito at napansing mukhang bago pa nga ito. Hay, buhay! Ang lala! Kahit gaano ka pa talaga kaganda o kahit pa naibigay mo na ang lahat ay iiwan at iiwan ka pa rin ng taong akala mo'y marunong magpahalaga.

Tang*na, Lyca! Saang banda ba napupulot ng utak mo ang mga linyahan natin ngayon?

Ibabalik ko na sana ang selfon sa kung saan ko ito nakuha nang kinutuban na naman ako ng hindi maganda sa napansing tatlong baso ng cocktail drinks sa mesa maliban pa sa isang tower ng beer na nakita ko kanina.

Imbes na magsaya, maglasing at magwala ay napansin ko na lang ang sariling paekis-ekis kung maglakad papuntang banyo. Nahihilo na rin kasi ako dahil sa nainum ko, sa mga ilaw at sa pagsasayaw.

Wala naman sana akong pakialam dapat di ba kung may mangyari man dito? Kaso nakiupo pa kasi ako kaya pakiramdam ko tuloy ay kargo konsensya ko na siya sa gabing ito.

Kunwari Tayo! (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon