Chapter 13

990 42 9
                                    

꧁FAYE꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

꧁FAYE꧂

NAGISING ako dahil sa malakas na katok sa pinto. I know it's Bryan. I remembered she gave me a head's up na ganito nga ito minsan. As much as I want to stand up, I don't want to disturb her sleeping on my shoulder. Nagising din akong nakahawak sa kamay nyang nakayakap na sa tyan ko. I have to admit that having a companion like her around me helped me to get over the pain with Sherri. I know it won't be that fast, but her presence helped.

Kumatok na naman si Bryan sa pintuan. Hinay-hinay kong tinanggal ang kamay ni Lyca sa pagkakayakap sa'kin tsaka hinay-hinay pinalitan ang braso ko ng tamang unan nito. Good thing her bed is of good quality kaya walang tumutunog kapag gumagalaw ka.

I tiptoed going to the door. And as soon as I opened it, Bryan greeted me as if it was broad daylight.

"Ling! Ay! Pogi, ikaw pala."

"Shhhh! Natutulog pa si Lyca."

Pero huli na ang lahat dahil nagising na ito.

"Hmmm. Bry tang-ina ka talaga! Ang ingay mo!"

"Di ko naman po alam na may bisita ka."

Bumangon ito sa higaan at akmang pupunta sa pintuan.

Lalabas pa talaga itong suot ay napakaiksi na shorts?!

"Saglit Bry, ha," saad ko sa kaibigan nito bago sinenyasan si Lyca na magbihis.

"Ha? Pogi naman, si Bryan lang naman 'yan." Seryoso ko itong tinitigan. "Oo na. Oo na po, kamahalan!"

Nagulat ako sa sinabi nito. It sounds like Sherri. But she wasn't just Sherri.

"Okay na po?" tanong nito pagkasuot ng pajama.

Umalis ako sa may pintuan at ito na ang kumausap sa matalik na kaibigan. Biyernes. Biyernes na Biyernes pero wala akong plano.

"Ano na naman bang problema mo?" agad na singhal nito.

"Ang init ng ulo mo! Porket may pogi ka na ay itataboy mo na talaga ako? Oy, marami ka pang ikukwento sa'kin, ha!"

"Ng madaling araw Bry?"

Napangiti ako sa kinatatayuan ko. Ang tigas talaga nitong si Lyca.

"Madame, may duty ka pa po! Hinintay ko talaga mag-alas-singko para gisingin ka!"

"Busit! Di pala ako nakapagpa-alarm. Thanks Bry."

"Pwede ba ako pumasok?" bulong nito kay Lyca na naririnig ko naman na.

Naalala ko tuloy si Francine. I miss him. Nami-miss ko silang kasama sa totoo lang pero kailangan ko to, eh.

Tumingin si Lyca sa akin at sininyasan ako kung pwede bang pumasok si Bryan. At dahil nakaupo naman na ako sa kama at wala namang nakahubad sa aming dalawa, I really don't mind. Hinayaan nyang pumasok si Bryan sa kwarto bago siya pumasok ng banyo.

Kunwari Tayo! (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon