Angel
Hindi ko gawain ang magtago ng sekreto sa taong mahal ko. Pero sekreto bang matatawag ang pangungulit ni Dan? Tawag siya ng tawag. Ang dami rin ng mga mensahe nito sa Facebook pero hindi ko ito binabasa lahat. Maliit lang naman sana ito na bagay at hindi na kailangan pang problemahin. Kaso ako kasi ang tanong kahit na gaano kaliit ay minsan pinapalaki ko pa rin gaya nito.
Hindi ko na rin kayang itago ang pangungulit nito kaya mas maigi na rin siguro na malaman ni Faye upang wala nang problema. Ayoko kasing e-push pa niya akong kitain ko ito. I really don't want to. Nakakapaggod makipag-plastikan.
"Hon."
"Ha?"
"Ang lalim yata ng iniisip mo. May problema ba?"
Huminga muna ako ng malalim bago pinakita dito ang anim na missed calls ni Dan.
"Na naman?!"
Tumango ako. "Naiinis na nga ako, eh. Ang kulit!"
"Sagutin mo na lang kaya."
"Ayoko!"
Inabot ko ulit ng selfon ko sa kanya. "Basahin mo ang mga chat niya. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya. Hindi ko na binubuksan."
"Bakit naman?"
"Ayoko lang makipaghalubilo sa mga taong kasama sa hindi magandang parte ng buhay ko. Ikaw na lang magbasa."
"Galit ka ba?"
"No. Hindi. Mukha ba akong galit?"
Ngumiti ito at sinoli sa'kin ang selfon ko. "I'm not going to read her messages until you do, Honey."
Pinigilan ko ito. "Please. Just read it and I will be so glad kung magreply ka bilang ikaw. Pwede ba?"
Nagulat ito sa sinabi ko. "Sigurado ka?"
Tumango ako. "Isa sa mga bagay na ayaw niya dati ay ang pakialaman ko ang selfon niya. So, it's best if she'll know one of the benefits I get from it."
Nagdadalawang-isip pa ito noong una pero binasa rin naman niya ito. Tamang-tama rin kasi at naka-stop light.
Habang binabasa ni Pogi ang mga chat ay unti-unti ring kumukunot ang noo nito at nagpang-abot na ang mga kilay nito. Mukhang mahaba yata ang mensahe ni Dan, ah.
"Bakit? May problema ba?"
"Is she crazy?!" bulyaw nito.
"B-bakit? Anong sabi niya?"
"Gusto niyang magkabalikan kayo dahil alam niyang pakulo lang daw ang lahat. Effective raw ang pagpapaselos natin kaya gusto na niyang makipagbalikan sayo. Anong tingin niya sayo, laruan? Gusto yata ng suntok ng tibong ito, eh!"
Kinuha ko ang selfon mula dito at pinuntahan ang profile ni Dan.
"What are you doing?"
"I'm going to block her."
"Don't!"
Muntikan ko na sanang ma-block ito kung hindi pa ako nito pinigilan.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo! (Lesbian Story)
RomanceUNDER REVISION | GxG | On-Going | Filipino | No. 1 in Rainbow Love (April 24, 2020) | BONUS BOOK for HAUNTING PAST (Advice: It's better to read this when you're reading Book 3 of Haunting past, just as to not spoil the story. And if you still want...