꧁FAYE꧂
PAGKATAPOS naming kumain na dito lang din sa kwarto ay nag-aya si Lyca na tumambay saglit sa balkonahe habang magtsatsaa. Hawak-hawak ang dalawang baso ay pinabuksan nito sa'kin ang pintuan ngunit hindi agad ako sumunod dito.
"Pogi, please?"
"Ng nakaganyan?" pagkomento ko na nakatingin sa pang-ibaba niya na siya namang sinundan nito ng tingin.
"Bakit? Anong meron? Naka-shorts naman ako."
"Lyca, sa paningin ko parang naka-panty ka lang. Sa paningin ng iba, baka huhubaran ka na," kinuha ko ang bitbit nitong mga tasa ng tsaa. "Bihis ka na lang muna ng pajama tapos hubarin mo na lang pagkapasok natin o kaya mas mabuti pa ay dito na lang tayo sa loob."
Tinaasan ako nito ng kilay.
"Alam mo ikaw, para kang si Bryan. Para kayong nanay at tatay ko."
"Exactly. Kasi mahalaga ka sa'min.".
Nakatitig lang ito sa'kin na parang inaalisa ang sinabi ko.
"Lycs, kung wala ka paano na ako makaka-move on, di ba?"pagpapaklaro ko.
Inirapan ako nito tsaka nagtungo sa kanyang aparador upang magsuot ng pajamas. Napangiti tuloy ako sa sarili. Natuwa kasi ako dahil sumunod siya.
"Hay naku, Faye! Hindi mo na kailangan mag-explain. Hindi ako bata para hindi maintindihan ang ibig mong sabihin sa salitang mahalaga," saad nito habang sinusuot ang isang pajama.
Iyan na naman siya sa pagiging pessimist niya!
"Alam mo ang babae mo talaga eh no? Minsan napaka-positive mo sa buhay kesyo mahalin ko ang sarili ko. Tapos minsan naman napaka-nega mo na tingin mo sa sarili mo ay napakababa."
"Oy, wala ka kasing alam Pogi, kaya ganun," saad nito bago binuksan ang glass door papuntang balcony. "Pasensya ka na ha. Wala naman kasing masyadong view dito. Gusto ko lang talaga magpahangin. Okay lang ba sayo?"
"Oo naman. Nakapajamas ka naman na, eh," sagot ko.
Napalingo na lang ito sabay ngiti. Tinanggap din nito ang tsaa niya na inabot ko sa kanya nang makaupo na siya.
"Huwag mo masyadong galingan ang pagiging gentleman mo Faye. Kapag ako nahulog sayo, wala akong ibang Faye na pwede kong matakbuhan para maging dyowa ko kunwari."
Natawa ako.
"At wala rin akong ibang kilalang Lyca na matatakbuhan kung ako naman ang mahulog sayo at hindi mo masasalo."
Napangiti rin ito.
"May kapatid ka ba?"
Lumingo ako.
"Nag-iisang anak," sagot ko.
"Kaya pala."
"Kaya pala ano?"
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo! (Lesbian Story)
RomanceUNDER REVISION | GxG | On-Going | Filipino | No. 1 in Rainbow Love (April 24, 2020) | BONUS BOOK for HAUNTING PAST (Advice: It's better to read this when you're reading Book 3 of Haunting past, just as to not spoil the story. And if you still want...