*** Dedicating this chapter to all Fayenatics! ***
Faye
I still can't believe Angel pulled that off! Well, it should be a they because she couldn't do it without Francine and Sherri. I couldn't stop the joy from flowing in my heart! Grabe napapatulala pa rin ako! Iyong klase ng pagkatulala na sa tuwing napapatingin o napapalingon ako sa kanya ay wala akong masabi man lang at ang tanging magagawa ko lang ay ang lumingo at ngumiti. They were so clever to act as if they were destroying her surprise by telling me she's coming home early! It was indeed successful! Ang kaba ko buong araw ay was lumala dahil naunahan na ako nito. I hope I can do better than her, not that I'm in competition with her but mine was just on a different level.
"Oy, Angel, thanks talaga doon sa gift mo ha! Gosh! Pakiramdam ko ay may dyowa ring nakaalala sa'kin," ang hindi pa rin matapos-tapos na pasasalamat ni Francine dito.
That made me so proud of her! Hindi lang ako ang sinurpresa nito kung hindi pati na rin ang dalawang kakontsabo niya. She just apologized in the end for going inside their partition without permission but of course, they didn't mind it. Ikaw ba naman ang dumating sa kwarto mong may dikurasyon na at regalo sa higaan, magagalit ka pa ba?
Kakarating lang namin sa parking lot ng building na tinitirhan namin ni Angel at mas lalo akong hindi mapakali. Habang nagtatawanan pa sina Angel at Francine, ako naman ay nilapitan si Sherri.
"Sherri," bulong ko rito.
"Hmm?"
"Nasabihan mo na si Bryan?"
Tumango ito.
"Sigurado ka ha?"
"Oo nga! Huwag kang pa-obvious kasi!"
Magkokomento pa sana ako nang biglang nag-vibrate ang selfon nito at sabay kaming napatingin sa isa't-isa pagkatapos naming nakita na si Bryan ang tumatawag.
Oh my gosh! Please don't tell me he's not yet ready!
"Wait, saglit," pagpigil ni Sherri kena Angel at Francine na papunta na sana sa lift. "Uhm. Hintayin niyo lang ako, ha. Tumatawag lang si Kate. Baka kasi papunta na. Okay lang ba?"
"Sige, sagutin mo na. We can wait for her here. Okay lang ba Hon?" mabilis na pagsakay ko. Mabuti na lang at mobiles mag-isip itong si Sherri. Malamang siya rin ang nakaisip ng magandang paraan upang ipagsabay ang plano ko at plano ni Angel.
"Yeah, sure. Of course. Tinatanong pa ba 'yan," agad namang sagot ng Honey ko.
Pagkalabas ni Sherri ay hinanda ko na ang sarili sa pakikipag-usap sa dalawa. Sininyasan ko lang si Francine na may kunti yatang problema at agad namang naintindihan nito. Mabuti na lang talaga kung hindi ay mapapansin na talaga ni Angel ang kaba ko.
Ilang minuto ang nakakaraan ay biglang tumunog ang selfon ni Angel. Nagulat tuloy ako sa kinatatayuan ko nang dahil lang sa ringtone nito. Si Sherri kasi ay nasa labas pa rin.
"Sino?" tanning ko kay Angel na nakakunot ang noong nakatingin sa selfon niya.
"Si Sandra. Ano kaya ang kailangan nito?" wika nito bago sinagot ang tawag. "Hi, Sandra! Kumusta?" tumawa ito. "Baliw! Tapos na! Oo. Successful! Sure. Sure. Walang problema sa'kin. But wait. Itanong ko lang kay Pogi, ha?" tumingin ito sa'kin. "Hon, okay lang ba sayo na makitulog muna saglit ang kasamahan ni Sandra sa kwarto natin?"
Aw! Natin! The dual ownership feels! "Oo naman!"
"Wala kang kailangan sa loob?"
"Ikaw. Kung papasok ka. Malamang kakailangin kita," hirit ko.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo! (Lesbian Story)
RomanceUNDER REVISION | GxG | On-Going | Filipino | No. 1 in Rainbow Love (April 24, 2020) | BONUS BOOK for HAUNTING PAST (Advice: It's better to read this when you're reading Book 3 of Haunting past, just as to not spoil the story. And if you still want...