Faye
Hindi pa din matanggal-tanggal ang ngiti sa mukha ko. Last night was going to be the first among the many. Ang sarap sa pakiramdam yung nanonood Lang kami sa big screen habang ako ay nakaakbay lang dito. We were out and proud ika nga. Ang tagal ko na nang huli akong ganito. Si Sherri sana pero hindi naman nya ako binigyan ng pagkakataon. Naalala ko pa nung kaarawan nito't kakahiwalay lang nila ni Gabby, ako pa yung nagplano ng isang surpresa para sa kanya. Mapapangiti na nga lang ako dahil kahit naaalala ko pa yun ngayon, Wala na yung dating kabog sa dibdib ko.
I'm finally over Sherri. And starting to be so crazy over Angel. At dahil dyan, na-late ako sa trabaho ngayon. Nagulat nga silang lahat, eh, dahil una hindi ako nakasabay kena Francine at Sherri, at pangalawa, late ako sa pinakaunang beses.
Natulog naman agad kami pagdating namin sa bahay dahil maaga pa ang duty ni Angel. Yun nga lang pagkatapos ko syang ihatid ay nakatulog ako't nakalimutan kong magpaalarm. Mabuti nalang at tinawagan ako neto to check kung nakaalis na ako ng bahay. But that was 9:30. Di pa ako nakaligo at babyahe pa.
"Sangay, nagpuyat ka ba kahapon? O galing ka sa ibang Emirates?"
"Naku! Magugulat ka."
"Try me," excited na sagot ni Faye na sangay ko.
"Hinatid ko kasi girlfriend ko sa —-"
"Wait! Girlfriend mo?" nalilito nitong tanong.
"Oo. Bago lang."
"Ano? Eh pano si Sherri."
"Friends."
"No way! Niloloko mo ata ako, eh."
"Hindi nga. Bago lang talaga."
Kumunot ang noo nito.
"Ayaw mong maniwala? Sige. Eto pictures namin last night."
Kinuha ko ang selfon ko't pinakita dito ang pictures namin ni Angel kagabi. Di ako nakapagpicture nung nagdidinner kami dahil gutom na din ako't inaalala ko yung oras ng movie. Pero syempre, hindi pwedeng pati sa outdoor cinema ay wala kaming pictures. Ito yung nakaakbay ako sa kanya. May pictures din na na-timing kong kunan sya ng litrato habang sinusuklay ang buhok. Kakabihis nya lang nun dahil May libreng oras pa.
Napalingo-lingo si Faye.
"Ano? Di ba maganda?"
"Yun nga eh. Maganda nga, eh. Tapos mukhang kayo nga! Di ko lang ma-gets kung pa'no ganun kadali."
"Sangay, kelan ba tayong huling nag-usap tungkol sa lovelife?"
Napaisip ito. "Oo nga no? Matagal na din pala. Pasensya naman po. Eh, Sino yung naririnig kong May nagbigay pala na bulaklak kay Sherri?"
Pinakiramdaman ko ang puso ko. None. There was no reaction.
"Ah, ex nya yun."
"What? Yung Gabby ba yun?"
Napapangiti ako. Naalala pa talaga nya.
"Hindi. Iba yun. Ex naman yun ni Paula. Ang ibig kong sabihin —-"
"Anong Paula? Bakit dumating ka kay Paula?"
Darn it! I'm beginning to be so tackless! Napakamot ako sa noo't nilapit ni sangay ang upuan nito.
"Oh my gosh! May malaking chika ka! Magshare ka kundi si Sherri tatanungin ko."
Knowing sangay, Hindi talaga ito titigil. Kaya imbes na marinig pa ng iba ay minabuti ko nalang na sabihin dito habang wala pa ang manager namin.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo! (Lesbian Story)
RomanceUNDER REVISION | GxG | On-Going | Filipino | No. 1 in Rainbow Love (April 24, 2020) | BONUS BOOK for HAUNTING PAST (Advice: It's better to read this when you're reading Book 3 of Haunting past, just as to not spoil the story. And if you still want...