Chapter 8

1.3K 52 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


꧁DAN꧂

MAGKASUNOD na buntong hininga ang pinakawalan ko bago makabalik sa upuan. Nawala na nga yata talaga nang tuluyan ang mood ko sa gabing ito.

"And just what was that?!" eksaheradong pagreak ni Cynthia pagkaupo ko mismo galing banyo.

I rolled my eyes at her like Lyca used to do when she's pissed with me.

"Ano na naman ba?!" singhal ko.

Damn! Why do I even have to see her today?! Kung kelan kasi wala talaga ako sa tamang mood na lumabas ay doon pa talaga magko-krus ang landas naming dalawa ni Lyca.

"Ano na naman? Wow! Seriously?! Ganoon lang iyon?" dagdag pa ni Cynthia.

"What the hell Cynthia?!"

"Ikaw ang what the hell, Dan! You could have at least acted normal when Lyca was here but instead, you're obviously too bitter!"

"Teka, ano bang problema mo sa kung paano ako magreak o umasta? Mama ba kita?!" di ko na napigilan pa ang sarili ko. Punong-puno na talaga ako sa pagiging taklesa niya!

She is always pushing me to compare her with Lyca, acting like my girlfriend when in fact we are not even in a relationship!

"Akala ko ba ikaw ang nakipaghiwalay sa kanya pero bakit mukhang hindi ka pa nakaka-move-on dun sa babaeng iyon? You even walked-out on her and her girlfriend!"

"Why do you care so much?!"

"Because I'm fuckin' tired with our relationship!" malakas na sabi nito bago ito umalis.

Natigilan kaming lahat, lalo na ang ibang kostumer na nakaupo malapit sa amin. I'm more mad than pissed. For goodness sake! This is a Muslim country and God knows I'll be in prison tomorrow for that lady's shitty behavior! Ayokong makulong dahil sa walang kwentang bagay!

"Dude, what was that?!" gulat na may halong galit na tanong ni Fil.

Well, Cynthia is everyone's princess. Porket maganda raw kasi talaga at maputi.

Lumingo lang ako't mahinang sumagot dito. "Nothing."

"Nothing? Hindi aalis si Cynthia kung wala lang iyon, Dude. M-may nangyari na sa inyo? Are you guys t-together?"

"Really Fil?" ang hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Stupid fuckin' question from an a-hole herself! Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit sumasama pa rin ako sa ahas na ito, eh!

"I was just asking Dude! Hindi naman kasi magkakaganun si Cynthia di ba kung wala siyang batayan?"

"Fil, kung meron man ding nangyari sa amin huwag kang umasang ipagkakalat ko iyan gaya ng ginawa mo tungkol sa inyo ni Lyca."

Kunwari Tayo! (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon