Angel
December 24. In less than 24 hours, pasko na! Kagabi pa ako hindi mapakali! Hindi nga mawala-wala ang kaba sa dibdib ko! Ang swerte ko nga lang siguro sa mga naging katrabaho ko. Hindi ko pa nga sila nakakausap ay iniisip din pala nila ako.
Grabe talaga si Lord kung magplano - the best, superlative, A1! Tinayming talaga ang surprisa ng pagbago ng schedule ko ngayong naging parti na ng buhay ko si Faye! Kung ito man ang kapalit ng ilang holidays na naka-duty ako't hindi ko man lang makausap ng maayos ang pamilya ko ay ayos na ayos lang!
"Ate!" masayang sigaw ng bunso namin na si Angelo pagkasagot ko ng tawag nito sa Skype. "Ma, si Ate online!"
"Ano ba 'yan Angelo! Nasa bukid ba kayo't ang hilig niyo talaga sa sigawan," natatawa kong puna rito.
"Syempre! Online ba naman ang maganda kong Ate, eh!"
"Ang sabihin mo tuwang-tuwa ka lang sa natanggap mong pamasko ng Ate Ling mo sayo! Nagpasalamat ka na ba?" sabat ni Mama na inagaw pa ang selfon ng kapatid ko.
"Ate! Salamat po sa laptop! Hindi na po ako kailangang makipag-agawan kay Ate Gela!" abot tengang ngiti ng pasasalamat ni Angelo sa'kin na ang tinutukoy ay ang kasunod kong kapatid na si Angela.
Ngiti na lang din ang naisagot ko rito dahil tuluyan ng inagaw ni Mama ang selfon. Wala na ring pakialam ang kapatid ko sa'kin dahil busy na nga ito sa bagong laptop nito.
"Hi, Ma! Kumusta po kayo?!" galak kong bati. Alam kong kailangan ko pang matulog pero wala sa pagtulog ang utak ko ngayon.
"Ito anak, nami-miss ka! Kelan kaya ka namin makakasama ulit sa pasok?" paglalambing na naman ni Mama. Kung wala siguro si Faye sa buhay ko ngayon ay malamang baka maiyak na naman ako sa lungkot.
"Di bale po, Ma, may mga pamasko naman po ako sa inyo. Tsaka ramdam ko naman po na magkakasama tayo soon."
"Naku, anak, hindi mapapantayan ng regalo mo ang presensya mo."
"Si Mama talaga, gusto pa yata akong paiyakin eh ngayon lang ako walang pasok sa araw ng pasko!"
"Wala kang pasok?!" hindi makapaniwalang tanong ni Mama.
"Opo. Sinurpresa po ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Binago nila ang schedule ko!"
"Hala ka! Pa'no 'yan?"
Nagpang-abot ang kilay ko sa reaksyon ni Mama. Klaro naman ang pagkasabi ko, di ba?
"Bakit po Ma? May problema ba?"
"Ay, put*ng-*na! Wala ka ba talagang magawa Angelo?!" gulat at inis na sigaw nito kay Angelo. Muntikan pa niyang matapon ang selfon na hawak sa kapatid ko.
"Ano ba kasi ang pinaggagagawa mo diyan Angelo?"
"Wala po, Ate!" sagot ng kapatid kong tinitignan pa rin ng masama ni Mama.
"Alam ko, alam ko!" patuloy pa rin nitong putak. "Kung makapatid sa upuan ay parang kaluluwa ko na ang napatid mo!"
Hindi ko alam kong ngingiti ba ako o tatawa sa dalawang 'to, eh! Kung malayo ka talaga sa pamilya mo ay mami-miss mo rin talaga ang mga bangayan na ganito.
"Bakit ba kasi, Angelo? Hindi ka na naman ba nakakainom ng gamot mo?" pabirong tanong ko. Ayoko na rin kasi masyadong pagsabihan sa maliliit na bagay at binatang-binata na rin talaga. Makakapagtapos na ito ng hayskul ngayong Marso.
"Naku, Ate! Parang hindi ka na nasanay sa dalawang 'yan!" pagsabat ni Angela na kakarating pa lang yata o paalis ba.
"Aba! Saan ang lakad?" tanong ko rito.
BINABASA MO ANG
Kunwari Tayo! (Lesbian Story)
RomanceUNDER REVISION | GxG | On-Going | Filipino | No. 1 in Rainbow Love (April 24, 2020) | BONUS BOOK for HAUNTING PAST (Advice: It's better to read this when you're reading Book 3 of Haunting past, just as to not spoil the story. And if you still want...