Chapter 22

940 45 6
                                    

Angel 

I've been cursing at myself for an hour now, feeling grumpy about my body for sweating like crazy. I just finished my shower an hour ago and now I feel like taking off my clothes again to drown myself with cold water. I'm not usually like this but my anxiety's to be blamed. Pakiramdam ko kasi haharap ako sa pamilya ni Faye. They were her best friends. And who am I kidding? Ang totoo nyan ay si Sherri ang pinakadahilan kung bakit hindi ako mapakali. I never felt this special until Faye. Ayokong magkamali at ayokong isipin nila na hindi ako karapat-dapat para dito. 

May biglang kumatok o sumuntok sa pintuan ko't alam ko na kung sino ito. 

"P*tang-ina! Bryan mapapatay talaga kita!" pagsigaw ko. 

Tumawa ito. 

"Pwede bang pumasok?" 

"Mamatay ka na!" sagot ko dito ngunit tinawanan lang ako lalo. 

Binuksan nito ang pintuan samantalang ako ay nakatayo pa din sa harap ng salamin nakatitig pa din sa sarili. 

"May lakad ka pala? O may lakad tayo? Bihis na ako?" 

"Baliw!" 

"Di nga! Akala ko pa naman ay makakakain ako ng masarap sa gabing ito. May lakad ka pala. Naku! Mukhang nakakalimutan mo na ang best friend mo, ah."

"Gago! Di ko din alam uy!" 

"Asus! Sinurpresa ka na naman ba ni Pogi? Ma-message nga yang si Pogi at mukhang pinapabaliw ka ata lalo. Kapag ikaw hiniwalayan nyan, naku, sabi ko sayo, kulang pa limang tower ng beer sayo." 

"Peste ka talaga Bry! Wala ako sa mood ngayon! Tignan mo nga 'tong itsura ko, okay na ba ako?" 

Humarap ako dito.

"Syempre! Ang ganda kaya ng best friend ko!" 

"Umayos ka nga kasi! Kasama ni Faye ang mga best friends nya. Ipapakilala ako." 

"Aba! Meet the best friend na pala ang peg. Mabuti yan! Gusto ko yan. Pero teka, di ba ako kasama? At nang magkakakilala na din ang mag-best friend sa bawat side?" 

"Di ka talaga matino kausap oh. Umayos ka nga kasi muna Bry kung ayaw mong palayasin kita sa pamamahay na 'to. Sige na. Kumusta ang itsura ko?"

Nag-isip ito na parang seryosong-seryoso. Wala talaga akong mapapalang maayos dito sa taong 'to, eh! Sa bar lang talaga to gamit sakin, eh. Pang-body guard ko. Pwede na din bouncer. 

"Kung kasama mo ang best friends nya, huwag naman yang balut na balot ka. Para ka namang manang nyan, eh. First impression di ba?" 

"Eh, malamig kaya sa labas." 

"Oo nga, pero wag yang turtle neck tas long sleeve pa tapos kehaba-haba pa ng pang-ibaba. Baka isipin nila sobrang conservative ka." 

"Bakit pala? Di ba good impression naman yun?"

"Di ka din nag-iisip, eh. Alam mo ba anong klaseng mga tao yung best friend nya? Pang-madre ba o mga balahura? Dapat gitna ka lang. Di masyadong sexy. Di din naman masyadong manang." 

Who would expect that I have to agree with him? Kaya nga hindi pa ako natatapos dahil hindi din talaga ako sigurado sa suot ko. Okay lang kung si Faye lang but gaya ng sabi ni Bryan, hindi ko kilala ang mga kaibigan nya at mas lalong hindi ko alam ang taste nila. 

"Fine. Bihis lang ako't dyan ka lang, ha." 

Kinuha ko ang nakahandang pangalawang option ko. Napapalingo nalang ako. Bakit kasi antagal ni Bryan dumating? Eh, di sana, kanina pa ako tapos at hindi na ako pinagpawisan pa. 

Kunwari Tayo! (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon