Prologue

803 21 12
                                    

"Love is like a cloud, love is like a dream. Love is one word and everything in between. Love is a fairy tale come true because I found love when I FOUND YOU."

.

Isang gabi ay aksidenteng naiwala ni Farrah ang kanyang pendant. Ngunit sa pag-aapuhap niya rito ay nasaksihan niya ang isang estranghero na kulang na lang ay mamatay dahil sa tinatamong pambubugbog na 'di makilalang mga kalalakihan. At dahil sa natural niyang pagiging atribida ay tinulungan niya ito. Pero hindi sila pinagbigyan ng pagkakataon na magkakilala ng mabuti.

.

Hindi niya sinapantaha na darating ang isang araw na hahanapin siya ng estranghero na kanyang tinulungan. Hindi na niya sana paglalaanan ng pansin ang paghahanap nito sa kanya ngunit isang bagay ang nagpabago sa kanyang desisyon - ang kanyang Pendant. Naisip niya na kailangan niya na mabawi iyon kahit ano pa man ang mangyari. Nasa estranghero pala na kanyang tinulungan ang bagay na pinakamahalaga sa kanya na huli niyang natanggap sa nasira niyang ina.

.

Hindi niya inakala na hindi lang pala ang pendant niya ang mahahanap niya. May mas matimbang at hindi niya inaasahan pa pala siyang mahahanap - at 'yun ang PAG-IBIG na mula sa estranghero na sa isang gabi lang niya nakadaupang-palad.

.

***

.

Found YOU.

.

- Copyright © 2014 by frigid_damsel

.

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon