XI - Damaged Padlock (Part 1)

53 7 2
                                        

FARRAH'S POV

.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ngayon ko lang naranasan ito sa tanang-buhay ko. 'Ni hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang mapuyat - nang dahil lang sa Algebra!

.

Sapantaha ko ay sunod-sunod na araw akong makakatulog ng mahimbing dahil sa biglang pananahimik ni Kumag. Hindi na kasi siya gumanti pagkatapos mangyari ang pamamahiya ko sa kanya.

.

Nang ginising ako ni Katie para makapaghanda na sa pagpasok ko ay lulugo-lugo pa ako at wala sa sarili. Pakiramdam ko ay nakahiwalay ang aking kaluluwa sa katawang-lupa ko. Naiwan sa Wonderland ang aking kaluluwa kasama si Cheshire Cat. Alice in Wonderland lang ang peg.

.

"Goodmorning po! Ma'am Farrah ayos lang po ba kayo? Bakit mukhang antok na antok po kayo, sa pagkakaalam ko po ay maaga naman kayong natutulog sa gabi?" untag niya habang unti-unti niyang ibinaba ang unan na nakatakip sa pagmumukha niya.

.

Naikuwento niya kasi nung isang araw na iyon ang paraan niya upang makaiwas siya sa panununtok ko sa tuwinang ginigising niya ako sa umaga. Sayang daw kasi ang mga pinapahid niyang beauty cream/s na binibigay ko sa kanya. Hindi niya alam na expired na kaya ang mga iyon kaya ko lang naman naiisipan na ipamigay. Joke.

.

Hindi ako tumugon sa pang-uurirat niya, sa halip ay tinuro ko na lang ang pintuan - senyales na pinaalis ko na siya sa kwarto ko. Wala akong gana na sumagot pa sa pagtatanong niya kaya naisipan ko na lang na paalisin siya. Buti naman ay kaagad niyang nakuha ang pinag-uutos ko.

.

Nagawa ko na ang daily routine ko tuwing umaga. Kahit si Step Momster ay takang-taka dahil hindi kami nagbangayan ngayon. Pasalamat siya at wala ako sa mood na makipagtarayan sa kanya. Para kasing hapong-hapo ang katawan ko kapag hindi sapat ang tulog ko. Naalala mo naman siguro ang sinabi ko sa nakaraan kabanata na mas gugustuhin ko pang matulog kaysa kumain.

.

Pagkalulan ko sa sasakyan ay tahimik ang lahat. Si Katie at matandang hukluban ay mukhang nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari. Bahala silang makiramdam, basta ako ay iidlip na muna. Tutal ay sampung minuto lang naman ang travel time mula sa mansion hanggang SIA. Sampung minuto para sa power nap. Okay!

.

Sampung minuto lang... sampung minuto lang... sam---putek! Ang sampung minuto ko na pag-idlip ay naging bente minuto! Hindi na idlip ang tawag sa ginawa ko! Nagising ako bigla mula sa pagkakahimbing ko at masama ko na tinitigan si Katie.

.

"Bakit hindi mo ako ginising?! Hindi mo ba alam na parte 'yan ng trabaho mo?!" pasigaw kong pagtatanong ko sa kanya. Naaninag ko sa reaksyon ng mukha niya ang pangamba at takot.

.

"Ma'am, masyado po kasing mahimbing ang pagkakatulog ninyo kaya kahit anong gawin kong paggising sa inyo ay walang epekto. Kahit tanungin ninyo pa po si Manong." aniya habang nanginginig-nginig pa ang kanyang boses.

.

Panandalian na nanaig ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Magsasalita na sana sya muli ngunit kaagad na akong umibis sa sasakyan. Mas pinili ko na lang na umalis kaysa patulan pa ang idadahilan niya.

.

Napagtanto ko na ganoon ba ako kapuyat para hindi man lang mapansin ang paggising sa akin ni Katie? Kasalanan kasi lahat ni Leia Kung hindi ba naman niya ako inistorbo kagabi eh 'di sana ang sarap ng pagkakahimbing ko. Tsk.

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon