FARRAH'S POV
.
"Anatomy is the identification and description of the structures of living things. Anatomy is a branch of biology and medicine which can be divided into three broad areas, blah blah blah..."
.
Biology ang class ni BD ngayon. At ang bagong topic niya ngayon ay tungkol sa Anatomy.
.
Easy as ABC lang sa akin ang Biology lalong-lalo na ang Anatomy kasi may anatomical models ako sa bahay katulad ng mga skeletons at human bodies.
.
Detachable pa nga ang mga internal organs ng human body nung sa akin. Mas gusto ko iyon para mas lalo ko pang malaman kung ano ang nasa loob ng ating katawan. Mas lalo akong matututo kapag ganoon ang set-up.
.
Creepy, isn't it? Wala akong pakialam kung matakot at ma-weirduhan ka sa akin. Huwag ka nang magtaka kung bakit may ganyan ako sa mansion namin, since maituturing ko na collection iyan. You heard it right, collection ko at wala kang pakialam.
.
At huwag mo rin ako ihilera sa mga girls na may collection like stuff toys, angel figurines or something cute and girly. Kadiri lang tignan sa akin. Ewan ko ba, kasi kapag naiisip ko, parang hindi naman bagay sa akin, lalo na sa taste at personality ko.
.
Sige, matakot ka pa. Ipagpatuloy mo lang, hindi mo naman ikakaganda ang pag-iinarte mo.
.
Hindi ko lubos na maisip na magkakagusto ako sa girly stuff thingy.
.
Magbibigay ako ng halimbawa, katulad na lang ng Powerpuff Girls dahil gawa sila sa sugar, spice and everything nice. For sure, maraming girls ang nakukyutan sa kanila.
.
Pero mas interesado pa ko sa last ingredient na aksidenteng nailagay ni Professor Utonium na Chemical X. Dahil 'yun naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng superpower at special abilities ang kinahihiligan mong PPG. At mas gusto ko pa nga sina Mojojo at ang Amoeba boys kaysa sa kanila.
.
Bakit nga ba napunta dito ang usapan? Anong connection ng cast ng powerpuff girls sa anatomy? Lumayo na ang usapan natin.
.
Gusto ko lang ipa-absorb sa inyo na mas tipo ko ang creepy kesa sa girly chuvaness. At oo, ipaglalaban ko ito kahit makarating pa tayo sa husgado.
---
Nung bakasyon namin at samahan pa ng pagiging antisocial ko ay nag-advance study na lang ako para naman maging productive ako. Kaya madaling-madali na lang ang Biology lalong-lalo na ang Anatomy.
.
Malaking tulong na may library ako sa mansion at ang puro laman lang ay medical books. All about Science.
.
Hindi ako katulad ng mga kabataan ngayon na humaling na humaling sa novels nila John Green at Nicholas Sparks. Mas gusto ko pang magbasa ng ganoon klaseng libro kaysa sa mga love stories na predictable naman ang ending.
.
Sabihan mong ako na 'ang babaeng walang kilig sa katawan.'
.
BINABASA MO ANG
Found YOU (Nire-revise, wag basahin)
Fiksi RemajaNang mayamot ang diyos sa kanyang mga nasasaksihan sa mundong ibabaw, napagpasiyahan niyang pagtagpuin ang dalawang tao na ni minsan wala sa hinagap na magkakagustuhan sa isa't-isa. Pati si pareng tadhana ay makikipag-sanib pwersa at pilit na pagkuk...