VIII - Blood stained flower

74 9 5
                                    

FARRAH'S POV 

.

Buti na lang at nakaalis na ako sa Library, kung hindi ay baka mabalutan ng dyaryo ng 'di oras si Kumag. Malamang nabigwasan ko siya! Napaka-epal! 

.

Sa pangi-gigil ko ay naihagis ko ang ang isang kabiyak ng sapatos ko sa fountain na nagmistulang wishing well.

.

Imbis na barya ang naihagis ko, si kuwawang sapatos ang napagdiskitahan ko. Iniwan ko na rin sa daan ang isang sapatos na nakasuot sa kaliwa kong paa, wala na rin naman kuwenta 'yun at hindi ko na rin naman mapapakinabangan. Nakayapak tuloy akong pumasok sa mansion. 

.

"Farrah, kabibili lang ng sapatos mo ay sinira mo na kaagad? Sayang naman, ang mahal pa naman niyan!" nakaka-amoy ako ng mahadera. Papasok na ako ng mansion tapos siya ang bubungad sa akin? Great.

-----> Now Playing: HARD by Rihanna

"Masakit sa paa ko ang bago kong sapatos. Parang ikaw, kaso ang mga mata ko naman ang humahapdi kapag lagi kitang nakikita." samnit ko sa kanya. At hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil inunahan ko na siya.

"At Step momster, kung nanghinayang ka sa pag-dive ng sapatos ko sa fountain, kunin mo at sa iyo na lang tutal basura na rin 'yan! Mukha ka rin naman basura kaya bagay na bagay sa iyo ang sapatos ko. Magsama kayo!"pagngiti ko ng nakaloloko sa kanya. Tamaan sana siya sa banat ko!

.

"Ibang klase ka rin magsawa Farrah!. Wala pa ngang isang araw mong nagagamit ang sapatos mo, sinira mo na agad? Alam mo na hindi lahat ng bata, nakakabili ng sapatos na pamasok sa eskuwelahan!" pagmama-epal niya muli. At nagawa pa niyang pangaralan ako? Mukhang hindi siya tinamaan sa banat ko kanina, ni hindi nga natinag eh.

.

"Unang-una, hindi ko hinihingi ang opinyon, suhestiyon, saloobin, kuro-kuro at lalong-lalo na ang nadarama mo sa kung ano ang gusto kong sirain at gamitin. At pangalawa, wala akong pakialam kung nanghihinayang ka, hindi ko kasalanan kung may lahi kang alipin saguiguilid o isa ka dati sa mga untouchables ng caste system. Palibhasa kasi ay mahirap ka na nga at dakilang manggagamit ka pa! " panunumbat ko sa kanya. Pakielamera talaga siya kahit kailan, daig pa si Papa sa pagdi-disiplina sa akin.

.

Natahimik siya ng pansamantala, malamang ay talagang tinamaan siya sa huli kong patutsada sa kanya. Pero makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang nagsalita. "Farrah! Sumosobra ka na, respetuhin mo naman ako!" pagsagot niya sa akin na may halong inis. Mukhang imbyerna na siya, maganda iyan at nang makita ko na kung paano siya talaga magalit.

.

"Ang respeto ko, ibinibigay ko lang sa mga taong deserving. Pasensya ka kasi wala ka sa listahan ko!"  inismiran ko siya habang nakataas ang isa kong kilay. Respeto? Bumili siya sa tindahan kung may mabibilhan siya.

.

"Bata ka, kailan ka ba magbabago? At kailan ka titigil sa kamalditahan mo?!" muntik na niya akong masampal pero ibinaba niya rin ang kamay niya, siguro nga hindi lang niya kaya na saktan ako. Hanggang ngayon, pinipilit pa rin niya na magmukhang mabait at mai-maintain ang composure niya.

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon