XV - Spicy (Part 2)

47 4 2
                                    

FARRAH'S POV

.

Papasok na sana kami ni Leia sa kitchen nang matigilan kami. Naulinigan namin ang mabibigat na yabag na papalapit sa amin. Pagkaharap namin ay tumatalilis si Gio papunta sa aming kinatatayuan.

.

"Goodmorning ladies!" pagbati niya habang hinahabol ang kanyang hininga. Mukhang malayo-layo ang distansya na kanyang binagtas.

.

Pokerface ko siyang tinignan bilang pagtugon sa pagbati niya. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin akong makipagbatian kay Gio. Hindi ako sanay na may lalaking bumabati sa akin. Err.

.

Inirapan lang siya ni Leia sa kawalan. Nag-iba ang ihip ng hangin, ngayon mukhang may mangyayari na naman. Inaasahan ko na naman eh. Parang hindi na ako nasanay. Tss.

.

"Leia, bakit mo kinukutuhan si Farrah kanina? Ang sagwa kayang tignan. Pati ba naman si Farrah ay hinahawaan mo sa kabalahuraan mo? Mukha naman walang kuto si Farrah sa lagay niya ha? Huwag mo kasi siyang hawaan ng mga alaga mo sa ulo." untag niya sabay pagtawa ng napakalakas.  Nagawa pa niyang tumawa kahit hinihingal na siya sa lagay niya na iyon.

.

Mariin ko siyang tinitigan bilang pagsalungat sa pang-iinsulto niya. Ako may kuto? Pwede ba?! Pagbintangan ba naman na may alaga ako sa ulo? Alagang-alaga ko kaya ang buhok ko. Pati ba naman ako ay sinasama niya sa kalokohan niya. Hindi pa ba ako quota kay Kumag?

.

"Sorry! I didn't mean to offend you Farrah. Alam mo naman na concern lang ako sa iyo. Mala-garapata kaya 'yang mga alaga ni Leia sa ulo. At ayoko naman na masipsipan ka ng dugo sa utak, mabawasan pa ang pagiging matalino mo. Mahirap na at baka bumaba pa ang ranggo mo sa section natin." wika niya sabay pag-akbay niya sa akin. 

.

Pinilit kong mapagkit ang mga bisig niya na nakadaiti sa balikat ko pero sadyang malakas siya at hindi niya inaalintana ang ginagawa ko sa kanya.

.

Hindi ko mapigilan na maamoy ang pabango na gamit niya. Hindi siya matapang sa ilong. Nakakahalina ang amoy, nakakapagtaka nga at kahit pinagpawisan siya ay katanggap-tanggap pa rin sa ilong ang amoy niya.  

.

Oh my god! Ano bang iniisip mo Farrah? Pakiusap lang na tanggalin mo na ang pagkaka-akbay niya sa iyo! 

"What?! Hoy Giusseppe, hindi ko kinukutuhan si Farrah! Inaayusan ko siya kanina ng buhok. Hindi ba obvious? Oh sadyang malabo lang 'yan mata mo? At pwede bang tanggalin mo 'yan pagkakaakbay mo sa kanya? Nananantsing ka lang eh!" asik ni Leia sa kanya habang nanlilisik ang kanyang mga mata. I smell trouble. Tss.

.

Matatalim na tingin ang ibinato ni Leia sa kanya. Kung nakakamatay lang ang mga titig ni Leia ay malamang ngayon pa lang ay pinaglalamayan na si Gio.

.

"Kung malabo ang mga mata ko ay bakit kitang-kita kita ha? Malinaw ang mga mata ko. Baka lumagpas pa nga sa 20/20 vision. Aminin mo na kasi na nagseselos ka lang diyan, palibhasa pinagdadasal mo na akbayan din kita. Luluha muna ang buwaya bago kita akbayan diyan." pagngisi niya sabay paglapit ng mukha niya kay Leia.

.

Sobrang lapit na ng mga mukha nila. Nakakaasiwa. Nalabag rin nila ang ipinaglaban kong personal space kay Kumag noong nakaraang araw. Mas matindi pa nga ito kung tutuusin. Para na silang maghahalikan niyan.

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon