III - Evil stares and whispers

109 10 2
                                    

FARRAH'S POV

.

"Ma'am Farrah, gumising na po kayo. Umaga na po, baka ma-late po kayo sa klase ngayon." bulong ni unknown creature.

.

"Hmm..."

.

Kalabit at yugyog to the nth level.

.

"Please po, gumising na po kayo. Ma'am..." panggigising niya, this time medyo malakas na ang kanyang boses.

.

Otomatikong gumalaw ang kamay ko, alam ninyo na siguro ang sumunod.

.

"Aray! Ma'am Farrah tama na po, ang sakit po! Ang mata ko, huhuhu..." hikbi ni Katie, ang unknown creature kanina.

.

"Oh nandiyan ka pala?"  pagtatanong ko habang pupungas-pungas pa. Ano ang nangyari sa kanya at may black eye siya?

.

"Ma'am handa na po ang tubig na pampaligo ninyo sa bathtub. Pagkatapos ninyo po na gumayak, bumaba na po kayo para makakain ng breakfast." malamlam niyang pagtugon habang nakayuko, hindi siya makatingin ng diretso sa akin.

.

"Okay, just give me some time for my preparation. Pwede ka nang lumabas." pagpapalayas ko sa kanya. Kahit na babae rin siya, ayokong masilipan niya ako.

.

Hindi naman kasi kami ganoon ka-close. Hmm, pero babawiin ko ang sinabi ko, masasabi ko naman na medyo close kami, i mean, sakto lang.

.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang personal assistant ko na si Katie pero so far, siya pa lang ang nakakatagal sa ugali ko.

.

Siguro gipit na gipit at kailangan niya talaga ng mapagkakakitaan kaya patuloy pa rin niya akong pinagtitiisan. Kung tatanungin ninyo kasi, medyo malaki kasi magpasweldo si Papa. Pain niya iyon para magtagal ang mga magiging alalay ko. Kagaling.

.

'Yung mga dati kong personal assistant, nagsisi-alisan lang naman kasi lagi nilang nirereklamo na nambubugbog daw ako tuwing umaga.

.

Ako nambubugbog? Ang bait ko kaya, ni hindi ko nga kayang gawin 'yun.

.

FYI, hindi tumatalab sa akin ang alarm clock, kailangan talaga personal akong gigisingin. 

.

Mabuti pa nga at makagayak na para maaga ako makapasok sa school. Dapat ay hindi ako ma-late sa pagpasok para hindi ako malusaw sa pagtitig at pang-aalipusta ng mga mababait kong ka-schoolmate/s at classmate/s.

.

Nagtaka ba kayo kung bakit ganon ang pakikitungo nila sa akin? Malalaman ninyo mamaya, eh sanayan lang iyan kumbaga matagal na 'kong immune.

---

Nang makaligo, sumunod naman ang pagpili ko nang isusuot ko na damit. Kukuha na sana ako ng kamiseta sa wardrobe ko. Ngayon ko lang napagtanto na lahat pala ng damit ko ay puro itim.

.

“Bakit puro itim?” pagtataka ko.

.

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon