XIII - Below the belt

32 4 0
                                    

FARRAH'S POV

.

Sa pagkakatanda ko ay pang-apat na araw na ang lumipas simula nang natanggap ko ang pagbabanta sa akin sa hindi ko kilalang kaaway.

.

Sadyang magaling siyang magtago sapagkat 'ni palatandaan at bakas ay wala siyang iniwan. Siguro ang tanging bagay lang na mapanghahawakan kong ebidensya ay ang kalapastanganan niya na nakasulat sa kapirasong papel.

.

Hanggang ngayon ay hindi maiwasan na sumakit ang ulo ko sa paraan ng pagkakasulat niya. Napakapangit talaga. Kahit anong gawin kong titig sa puting papel ay wala talaga akong maapuhap sa pagkakakilanlan ng hayop na nambubuwisit sa akin.

.

Kulang na lang ay mabutas ang papel dahil sa mariin kong pagkakatitig dito. Kung wala akong makalap na impormasyon dine, mas mabuti pa na maghintay sa mga susunod niya na gagawin - kung masusundan pa nga ba.

.

'Hey Farrah! Halos palagi mo na lang iyan tinititigan. Hindi pa ba napapagod ang mga mata mo? Alam mo masama sa mga mata ang naii-stress. Papangit ka niyan. Mabuti pa ay kumain ka muna." wika ni Leia habang inaalok ako ng puto seco na baon niya.

.

Hindi na kami bumili ngayon sa cafeteria kasi raw ay magda-diet muna raw siya. Bumigat daw kasi ang timbang niya nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkain.

.

Nakalimutan na yata niya ang prinsipyo niya sa pagkain noong unang beses niya akong nadala sa cafeteria. Anong nangyari sa prinsipyo niya at bigla na lang nawala na parang bula? Na-expired na yata?

.

"No, thanks." pagtanggi ko sabay pagwagayway ng kamay.

.

So nagawa pa niya na mag-alok sa lagay na iyon? Saglit ko kasing nasulyapan ang baon niya, halos kabubukas pa lamang niya ng pakete ay mahigit sa kalahati na ang nababawas niya roon.

.

Napakabilis niya na kumain, ningunguya pa ba niya o nilululon na lang? Para naman kasi na mauubusan siya.

.

Ibinaling ko muli ang pansin sa dati kong ginagawa ngunit napahinto ako.

.

Si Leia kasi ay nagmamaktol dahil biglang kinuha pala ni Gio ang kahuli-hulihang biskwit na dapat sana ay sa kanya. Parang bata itong si Leia, nagawa pa niya na magpapadyak na parang batang inagawan ng tigpipisong kendi. Kulang na lang ay maglulupasay sa sahig.

.

Nang dahil sa pag-aalburoto niya ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga natirang kamag-aral namin dito sa classroom. Pinagmasdan ko ang mga babae na puro matatalim na titig at irap ang ipinupukol sa kanya.

.

Nagbubulungan ang karamihan at base sa lip reading ko ay puro masasamang salita ang binibitawan nila. Kung hindi lang sana masama ang magkasala ay malamang na matagal ko nang dinukot isa-isa ang mga mata nila. Mga insekyurada. Ampalaya.

.

Nakalimutan ko nga pala na kahit alipores ni Kumag itong si Gio, masasabi ko rin naman na may angking kagwapuhan rin ang isang ito.

.

'Yun nga lang at may pagkamakulit at pansin ko na laging si Leia lang ang pinagdidiskitahan niya. Kasi kahit na lapitin rin siya sa mga babae ay nahuhuli ko pa rin sa mga mata niya, sa paraan ng pagkakatitig niya kay Leia na mukhang may interes siya rito.

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon