FARRAH'S POV
.
Dati ay kapag papasok ako sa eskuwelahan, ang tanging ritual ko lang araw-araw bukod sa mag-aral ay isnabin ang walang kapagurang pagbubulungan sa akin ng mga schoolmates and classmates ko sa tuwing makikita nila ako.
.
Pero nag-iba na ngayon. Nang sila ay simulang dumating sa SIA, hindi ko inaasahan na magiging magulo ang nananahimik kong buhay. Naging kumplikado pa nga.
.
Una, ang pilit na pakikipagkaibigan sa akin ni Leia. Kahit ano nang gawin kong pag-iwas at pagtataboy ko sa kanya ay mukhang walang talab. Walang kapaguran, para bang laging siyang fully-charged sa mga hirit niya sa akin. Madalas ay parang Koala pa nga kung makakunyapit. Hay.
.
"Farrah, anong kakainin mo ngayon? Ako, baka Red velvet cupcakes na lang siguro. Mukha kasi silang masarap at ang ganda pa ng pagkaka-decorate! Gusto mo ba? Oorder na rin ako ng isa para tig-isa tayo." sabay turo niya sa cupcakes na naka-display sa show window. Para siyang bata na tuwang-tuwa sa design ng cupcakes.
.
"Ayoko." ani ko. Hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa cafeteria. Sa pagkakatanda ko ay katatapos lang ng English class at recess na namin. Si Leia kasi, parang ipo-ipo na kaagad akong natangay papuntang cafeteria.
.
Kumontra na nga at tumanggi na ako na sumama sa kanya ngunit huli na ang lahat. Hindi kasi ako sanay na kumakain tuwing recess, mas pinipili ko pang gamitin ang 30 minutes na alloted time para matulog. Goodbye power nap.
.
"Why? Hindi mo ba gusto? Oh tignan mo may Strawberry Rhubarb Crepe pala sila ngayon at iyon pa ang isa! Creme Brulee - my ultimo paborito!" kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa tuwing masisilayan niya ang mga desserts.
.
Hindi kaya masira ang ngipin niya dahil puro matatamis ang trip niyang lantakan ngayon? Mahilig pala siya sa mga matatamis na pagkain, nakakapagtaka nga at hindi siya tumataba kung ganoon ang lifestyle niya. Siguro baka mabilis lang ang metabolismo ng katawan niya.
.
"Too much sugar." binalaan ko na nga siyang lahat ay nagawa pa niyang orderin lahat ng naibigan niyang pagkain. Sa totoo lang ay kailangan ko na bang tawagin ang UNICEF dahil kung titignan mo ang inorder ni Leia, halatang-halata na hindi naman siya gutom na gutom. Kagandang babae, may pagkapatay-gutom din pala. Tsk.
.
"Alam mo kasi, hindi dapat nagtitipid pagdating sa pagkain. Kung nagugutom ka at nakakita ka ng pagkain, lalo na ''yang masasarap, gorabels lang sa pagbili. Ika nga ng Momsie ko, ayos lang na sa pagkain napupunta ang baon at huwag sa kung ano man na walang kapararaan na mga bagay." aniya habang inorder na ang tatlong desserts na naibigan niya.
.
Sinabi ko lang na masyadong matatamis ang inorder niya tapos ang itutugon niya ay nagtitipid ako? Anong connect? Hindi ba niya naintindihan ang sinasabi ko na maling pagkain ang gusto niyang bilhin? Nakakasama ang sobra, hindi ba niya alam iyon?
.
Nang magbabayad na siya sa cashier, bakas sa mukha niya ang pagkataranta. Bahagya siyang namutla at nabanaag ko sa mukha niya ang namumuong butil-butil na pawis.
.
"Uhm, Farrah... Kasi naiwan ko pala ang wallet ko sa bahay. Eh... Pwede bang ikaw muna ang magbayad? Please? Sorry ha? Ang tanga-tanga ko kasi naiwan ko pa, nakakahiya naman sa iyo. Ang dami ko pa naman inorder." pagmamakaawa niya sakin habang nagkakamot ng ulo at nagpi-peace sign.
BINABASA MO ANG
Found YOU (Nire-revise, wag basahin)
Novela JuvenilNang mayamot ang diyos sa kanyang mga nasasaksihan sa mundong ibabaw, napagpasiyahan niyang pagtagpuin ang dalawang tao na ni minsan wala sa hinagap na magkakagustuhan sa isa't-isa. Pati si pareng tadhana ay makikipag-sanib pwersa at pilit na pagkuk...