VII - Keep CALM and stay Gwapo

92 9 0
                                    

JAD'S POV 


PAPUNTA na sana ako ng mini book fair para basahan ang mga bata. Hindi ko alam kung anong vulca seal o rugby ba ang sininghot ng administrator namin kung bakit ako ang napili niya na maging story teller. Sa itsura kong ito ay mukha ba akong nagbabasa ng fairytales, fables at children stories? Hindi ako at dapat si mangkukulam daw dapat ang unang napili na maging tagapagbasa ngunit kaagad silang umurong. 

Nilalaro ko ang hawak kong pulang ballpen nang nagsalita ang adminitrator. "Pasensya na ihoo dahil sa hindi nagustuhan ng organizer ng mini book fair si Ms. Altamirano na basahan ang mga bata ay napagpasiyahan namin na ikaw ang papalit sa puwesto. Huwag mo sanang mamasamain na naging substitute ka dahil sa totoo ay dalawa kayong napili.

Kasama ko nga pala ngayon si Giuseppe Barrientos, ang pinakamatalik kong kaibigan noon nandoon pa ako sa Paris. "GIO" na lang daw ang itawag sa kanya kasi katulad ko ay nababaduyan din siya sa pangalan niya. 

.

Wala siya kanina sa biology kasi nga ay late na siya. Hindi raw siya nagising ng maaga kasi may inuman daw sila kagabi ng mga pinsan niya dahil kauuwi lang niya galing Paris.

.

Mas nauna kasi kaming umuwi ni Dragon sa kanya. At hindi naman makatanggi ang loko kaya ayun may hang-over pa rin hanggang ngayon.

Sumunod na siya dito sa 'Pinas para magkasama pa rin kaming mag-aral dahil nandito rin naman ang family business nila. Tek, ang sabihin niya ay kaya sumunod lang siya sa akin kasi hindi niya matiis na hindi makita si Dragon.

.

Matagal na siyang may gusto kay Dragon pero hindi naman makaamin kasi nga ay ubod ng torpe. Pinapaamin ko nga, kaso kapag magtatapat na kay Dragon ay kusang umuurong ang dila niya, napipipe. Lintik na pag-ibig!

Boto ako sa kanya para kay Dragon dahil kahit may pagka-loko loko iyan, lagi niyang inaalala si Dragon kahit na hindi naman halata. Pagdating kay Dragon, nagiging seryoso si Gio. Si Dragon lang ang may kakayahan na siya'y patinuin.

.

Ang problema nga lang ay hindi sila madalas magkasundo dahil itong si Gio, ang laging gawain araw-araw ay buwisitin si Dragon, paraan niya raw iyon nang paglalambing. Sabi nga niya, magiging kumpleto lang daw ang araw niya kapag nainis sa mga kagaguhan niya si Dragon.

.

Kaya ang resulta, hayun at laging may World War na nagaganap. Sa kaso nilang dalawa, hindi ko na matantya kung pang-ilang World War na ang nagdaan.

---

Nakita ko na ang librong hinahanap ko. Nang hahawakan ko na, sakto naman na may misteryosong mga kamay din na nakahawak sa anatomy book.

Fuckass! Ang lakas ng loob na makipag-agawan sa akin, hindi ba niya alam na kasama ang library sa mga pag-aari ko dahil ako lang naman ang tagapagmana nitong SIA! Kaya technically, lahat ng librong naaabot ng iyong paningin ay akin!

Nang makita ko na siya... 

.

Fuck! Si Mangkukulam?! Sa lahat ng makaka-agawan ko ng libro ay siya pa?! Hindi kaya niya kamag-anak si Edward Cullen dahil nabasa niya ang isip ko na gusto ko rin na hiramin din 'yung libro?!? 

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon