JAD'S POV
.
Hindi ko mapigilan ang magmura. Masisisi mo ba ako? Eh kung nangyari sa iyo ang kahihiyan na dinanas ko kanina dahil kay Mangkukulam, malamang ay mapapamura ka rin.
.
Sapantaha ko na sa tuwing masisilayan ko lang ang itsura niya ako mapapamura, nagkamali pala ako kasi pati na rin pala sa ugali na kaninang pinakita niya sa harap ng maraming tao. Pasalamat siya at hindi ko siya pinatulan kanina!
.
Kasalukuyan akong naninigarilyo sa balkonahe. Ayaw kasi ni Dragon na amoy usok ng sigarilyo ang bahay. Ang sabihin niya, ang gusto lang niyang maamoy na usok ay ang nanggagaling sa pagbuga niya ng apoy sa tuwing magagalit siya sa amin ni Gio.
.
"Pare, yari ka kay Lymmie kapag naamoy ka niya. Alam na alam mo naman na bukod sa ayaw niyang nakikita kang naninigarilyo ay amoy usok ka pa. Pupusta ako ng bente, mamaya mag-aalburoto na naman siya. Kanina nga halos kalbuhin na niya ako sa cafeteria, nakapagpigil lang dahil marami ang nanunood sa amin." Hindi niya ako magawang sulyapan sapagkat abala siya sa paglalaro ng NBA2K14.
.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagsasawa sa paglalaro at mukhang hinihintay niya ang pag-uwi ni Dragon. Mas nauna kasi kaming umuwi ni Gio.
.
Si Dragon ay sumama pa kay Mangkukulam para pumunta sa Library. Iniisip ko nga na opisyal nang kasapi si Dragon sa lupon ng kasamaan ni Mangkukulam at mukhang ang Library ng SIA ang una nilang sasakupin.
.
"Brad, magalit na kung magagalit si Leia sa paninigarilyo ko, pero pinag-usapan na namin ito dati. Alam mo naman na hindi ko ito agad-agad na matatanggal sa sistema ko. Bukod sa pag-inom ng alak, paninigarilyo ang alam kong makakapagbawas sa akin ng stress at problema." Sa totoo lang, nabawasan na nga ang bisyo ko, tumigil na ako sa pagda-drag racing at pambababae.
.
At itong paninigarilyo ko, hanggang tatlong sigarilyo lang ang nahithit ko. Oo, hanggang tatlong sigarilyo lang ang pwede kong ikonsumo sa loob ng isang buwan sapagkat baka matuloy na ang nilalaman ng Book of Revelation - Apocalypse. Si Dragon ang magpapasimuno at baka ma-exist na ng tuluyan ang gwapong nilalang na tulad ko dito. Ang takot ko lang.
.
"Sinasabi ko na nga ba at interesado ka kay Farrah! Tignan mo at pinoproblema mo na siya! Sa tagal na natin na magkaibigan, ngayon ka lang namroblema sa isang babae! Mukhang ang laki ng epekto niya sa iyo, brad!" Ipinause (pause) niya muna ang paglalaro at nakangisi na nakatingin sa akin na parang pinag-aaralan ang expression ng mukha ko.
.
Ako? Poproblemahin si Mangkukulam? Eh hindi naman siya chicks para problemahin. 'Yung itsura niya ang mukhang problema.
.
"Ako na si Freyjadour Silverberg ay mamroroblema sa kanya?" sabay turo sa sarili ko.
.
"Base sa ikinikilos mo ngayon, oo ang sagot ko." wika niya habang ngingisi-ngising nakatingin sa akin.
.
"Fuckball! Sa panget niyang iyon ay pag-aaksayahan ko siya ng panahon?! Nagagalit ako ngayon dahil sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin! 'Yun lang 'yun!" Hindi ko alam kung nasaan ang utak ngayon ni Gio. Nag-away lang sila kanina ni Dragon, heto at hindi na niya ako maintindihan.
BINABASA MO ANG
Found YOU (Nire-revise, wag basahin)
Ficção AdolescenteNang mayamot ang diyos sa kanyang mga nasasaksihan sa mundong ibabaw, napagpasiyahan niyang pagtagpuin ang dalawang tao na ni minsan wala sa hinagap na magkakagustuhan sa isa't-isa. Pati si pareng tadhana ay makikipag-sanib pwersa at pilit na pagkuk...