VI - Make friend/s

86 7 0
                                    

FARRAH'S POV  

.

Lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa amin ni Kumag nang in-announce na ni BD kung sino ang highest sa surprise exam niya.

.

Anong trip 'yan? Kung makatingin kasi sila ay wagas. Ang ibang girls naman, parang nandidiri lang. Ang iba naman ay nasusuklam na para bang pinapatay na ako sa diwa nila. Ano ba ang dahilan ng kaartehan nila:

.

A. Dahil magkatabi kami ni Jad?

.

B. Dahil parehas kaming highest sa exam? Na gusto nila, sila ang nasa posisyon ko?

.

Ganun na ba sila ka-desperada? Edi sa kanila na ang prince charming nila, isaksak nila sa esophagus ninyo nang mabulunan at tuluyan na sila na hindi makahinga.

.

Maliit na bagay, issue na kaagad palibhasa kasi mga bird brain. Ang alam lang ay maglandi at mag-inarte.

.

Kung anu-ano na ang naiisip ko, kasi naman ay parang big deal. Tss.

.

"Mag-aral kasi, huwag puro pagpapaganda at paglalandi ang atupagin. Hindi porke't anak ng mayayaman ay hindi na nila iisipin ang kinabukasan nila. Aral-aral din kapag may time!" bulong ko sa isip ko na may kasamang pagkairita.

.

Minsan nakakabobo rin ang kagaguhan ng mga kaklase ko. Daig mo pa ang may monthly period kasi talaga naman nakakatuyo ng dugo.

.

Kung nakamamatay lang ang pagtingin, malamang pinaglalamayan na ako.

.

Tapos si Kumag naman ay nakatitig lang sa akin. Kinikilatis ako na para bang namimili lang ng bibilhin na isda sa palengke, sinusuri akong mabuti kung fresh pa ba o bilasa na. Kulang na lang na ako ay sundut-sundutin, amuyin at tignan ang aking hasang kung mapula pa ba.

.

Dakilang kumag talaga, ano bang problema niya? Baka ang akala niya ay siya lang ang makakapasa. Gusto mo ng competition? I'll give you what you want, Asshole!

--- 

Nag-ring na ang bell. Hudyat na para kay BD na tapos na ang klase niya. Wala nang undin na magpapacute dito sa katabi ko. Mababawasan na ang fangirls ni kumag. Pft.

.

Habang hinihintay namin ang susunod na magtuturo, ang lupon ng mga fantards este fangirls ni kumag ay hindi magkamayaw na batiin siya ng congratulations regarding sa pagiging highest niya sa exam.

.

Isang exam pa lang ang nagdaan ay bakit daig pa ni kumag ang grumaduate with flying colors sa pagkarami-rami ng papuri sa kanya?

.

Hello? Eh ako rin naman, highest din.

.

Hoy Zera! Gumising ka sa ilusyon, as if naman na may magkakamali na bumati sa iyo, Ilag nga 'di ba sa iyo? Masanay ka na, since ganyan kabaho at kadumi ang kalakaran dito sa SIA, sabay pagkatok ng mahina sa ulo ko.

.

Kapag kasi nerd or weird ka, lalayuan o minsan lalaitin ka nila.

.

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon