II - Ninja Moves (Part 2)

130 10 6
                                    

FARRAH'S POV 

.

Pabalik na sana ako nang may naulinigan ako na mga boses.

.

Oo, boses. As in mysterious voices. Nakakatakot man pero kailangan maging mapagmatyag.

.

Siyempre hindi ako aandap-andap, kasi hindi makakatulong sa akin iyan. Kapag kaba ang una mong pinairal, may dalawang proseso ka na pagdadaanan. Ang una ay ang tinatawag na:

.

Shock - Hindi ka makakagalaw kapag nararanasan mo na ito, mas mahihirapan kang isalba ang sarili mo sa katangahan este sa kapahamakan.

.

At ang pangalawa at pinakastupid na mararanasan mo ay:

.

Panic- ang katawan mo ay magre-release ng sobrang adrenaline sa iyong sistema. Minsan ay magiging kasingbilis mo lang naman si FLASH o matalbugan mo pa nga siya pero may kaakibat itong panganib. Hindi mo mapipigilan ang mga kilos mo. Mas prone ka sa pagnginig, pagsigaw o paggulong-gulong sa hagdan o sa sahig. At hindi maganda 'yun.

.

Kapag naranasan mo nang mag-panic, imbis na makatulong ka eh makakagulo ka lang. Pwedeng ikaw ang unang magilitan ng leeg ng hostage taker o matuklaw ng ligaw na ahas sa kagubatan. Mabuti 'yun, at mababawasan na ang mga tanga at maaarte sa mundo.

.

Isa lang naman ang pinupunto ko sa napakahaba kong diskusyon. Maging observant sa paligid at ang pinakaimportante ay ang pagiging kalmado.

.

Natutunan ko ito sa mga pinagbababasa ko sa libro. At dahil sa maalam ako, ayan at ibinabahagi ko na sa inyo. Nang dahil diyan ay pare-parehas na tayo makaka-survive sa bagyo, earthquake, sunog, pagputok ng bulkan, tsunami at zombie apocalypse.

---

Balik tayo sa mga boses dahil iyon naman talaga ang tunay natin na topic. Nagmasid-masid muna ako sa paligid.

.

Mukhang ako lang ang tao dito kaya nakakapagtaka kung saan galing ang naulinigan ko.

.

Kabilugan ba ng buwan ngayon? Kasi for sure ay active ngayon ang mga werewolves, aswang, manananggal, tiktik, tikbalang o kahit ano pa man mga lamang-lupa na alam mo. May reunion party sila ngayon at baka boses nila ang naulinigan ko.

.

Mamaya, baka hindi ko na namalayan ay katabi ko na pala si Gollum ng infamous stoorish hobbit ng The Lord of the Rings tapos bigla niya akong sasabihan ng " My precious..."

.

Okay, tigilan mo ang imagination mo Farrah.

.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, baka kasi masagasaan ako. Teka lang, wala naman sasakyan dito ha? Tingin sa likod, tinggin sa harap. Okay, may nasilayan ang dalawa kong mata pati na ang third eye ko.

.

May dalawang lalaki na parang bouncer lang sa club. Matatangkad sila tapos malaki pa ang built ng katawan nila. At parang may kinakaladkad sila? Ano ang hinuha mo?

.

a. Bagay

.

b. Hayop

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon