IV - The Jad EFFECT

136 10 4
                                    

FREYJADOUR' S POV

MAKUKULAY na bulaklak ang sumalubong sa akin patungo sa lugar na hindi ko malaman kung bakit ako naroon. Sa bawat paghampas ng hangin sa iba't-ibang direksyon ay parang nagsasayaw ang mga bulaklak at karamihan sa mga ito ay nalalagasan ng petals at animo'y confetti sa ere.

Teka at nasaan na ba ako at masyadong nakakabakla ang senaryo. At ang nakakapagtaka na kahit puro bulaklak ang nasa paligid ko ay parang hindi ako tinatablan ng pollen allergy?

Mula sa malayo ay may nasulyapan akong babae na nakatalikod at mukhang abala sa pagkuha ng mga bulaklak. May dala siyang maliit na basket at doon niya inilalagay ang bawat bulaklak na kanyang napitas. Nagha-hum pa siya at pakiramdam ko ay nasa paraiso ako. At hindi nakalampas sa aking mata ang hubog ng kanyang katawan at ang masasabi ko na chicks 'to, men!

Tumayo ako sa likod niya ng bigla siyang nagsalita. Jad, hindi mo lang alam kung gaano mo ako napapasaya sa bawat araw na masisilayan ko ang iyong napakaamong mukha. Mahirap man sabihin ito pero mukhang mahal na kita kahit na hindi pa kita lubos na kilala. Umaasa ako na balang araw ay matutunan mo rin akong mahalin.” 

Kahit na naguguluhan ako dahil sa alam niya ang aking pangalan ay hindi ko na masyadong inisip pa. Mas inisip ko na swerte ako ngayon at may bebot akong makikilala.

Inoobserbahan ko ang kanyang suot na damit at katulad ng tipikal mong napapanood sa mga palabas mapa-telebisyon o sine ay naka-gown siya. Kulay lila at rosas ang kulay ng kanyang damit na bagay sa kulay ng mga bulaklak sa kanyang paanan.

“Prinsesa sadyang napasaya mo ako sa mga salitang binibigkas ng iyong labi." Aba at kailan pa ako naging makata? "Pero sa pagkakaalam ko ay ngayon lang tayo nagkita at sa panaginip ko pa nangyari. At pwede ba humarap ka sa akin nang makita ko ang maganda mong mukha?” Hinawakan ko ang kanyang balikat at marahan ko siyang iniharap sa akin.

Nang mapaharap ko na siya ay hindi ko maiwasan na mapamura! Prinsesa, putangina! Mukha siyang aswang ay hindi, mangkukulam!

Napansin ko ang pagdilim ng buong paligid at ang mabilis na pagkalanta ng mga bulaklak sa aming paanan. Nawala na ang salitang paraiso sa aking nakikita ngayon.

Kahit na hindi gawain ng gentleman ang pagtulak sa babae ay nagawa ko dahil baka ako ang maunahan nitong sagpangin.

Napabalikwas ako sa pagkakahimbing ng may malamig na likido ang dumampi sa aking balat.

“Hoy Freyjadour! Anong gusto mo na ma-late ka sa unang araw ng pasok mo? Delayed na nga tayo ng dalawang buwan sa school, hayan at humihilik pa ang tumbong mo riyan!” anito na nakapameywang at pinagtataasan ako ng kilay. Umaalingawngaw sa buong kwarto ko ang kanyang matinis na boses.

Dinampot ko ang kumot na hindi ko namalayang nasipa ko nang natutulog ako kaya't nasa sahig.  Ito ang nagsilbing pamunas ko sa kawalanghiyaang kanyang ginawa. “Tama bang buhusan ako?! Puwede kang kumatok at hayan lang ang pintuan oh!"

“Katok?! Baka gusto mo 'yan bao ng ulo mo ang katukan ko?! Ang kapal ng mukha mo para magrereklamo! Pasalamat ka at hindi ihi ni Manang Martha ang pinangsaboy ko sa iyo!” At ako pa ang kakatukan? Hindi pa ba siya kuntento sa pambubuhos sa akin at tapos ay dadagdagan pa niya ng katok? Kung hindi brutal ay balahura naman.

Pero nagpapasalamat ako sa iyo dahil ginising mo ako sa bangungot. Sayang naman ang gandang lalaki ko kung mamamatay--- aray!” Marahas niyang inilagay sa ulo ko ang maliit na baldeng pinaglagyan ng pinambuhos  niya sa aking tubig.

Kung tutuusin ay dapat ako ang galit sa kanya ngayon pero pinagpapasensiyahan ko ang ugali niya. Kung hindi ko nga lang siya kapatid ay matagal na siyang may sapak sa akin. 

Found YOU (Nire-revise, wag basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon