9th Denial: She's Just A Friend

871 32 0
                                    

NAKAPALUMBABA si Elf sa pasamano ng bintana ng guard house ng subdivision nila. Wala pa kasi si Fairy Queen sa bahay nito kaya hinihintay niya ang dalaga. Nag-take out siya ng pagkain para rito dahil kapag abala ito ay nakakalimutan nitong kumain. Lalo na kung school project ang ginagawa nito.

"Hindi mo yata kasama si DK, ha?" tanong sa kanya ni Mang Tonio na may pinagkakabalahan sa log book na kaharap nito sa mesa nito. Ang matanda ang fourty nine year old head of security team ng subdivision nila. Mahigit sampung taon na rin itong nagtatrabaho do'n kaya naging malapit na sila rito ng mga kaibigan niya. "Saka wala pa si Fae."

"Sinundo ho nina Dark Knight at Tita Didith si Tito Conrad sa airport ngayon," sagot ni Elf sa inaantok nang boses. "Si Fairy Queen naman ho, may school project na ginagawa kasama si Jazz. It's past nine pm now so should be on her way home. Hindi sila sumasagot ni Jazz sa mga text at tawag ko kaya naghihintay na lang ho ako rito. Para sabay na ho kaming maglakad pauwi ni Fae."

Natawa ng mahina si Mang Tonio habang iiling-iling. "Prinsesang-prinsesa talaga 'yang si Fae sa inyo. Hindi na ko magtataka kung isa sa inyo ni DK ang makakatuluyan niya."

"Friends don't marry each other, Mang Tonio," inaantok na kaila naman ni Elf.

Muli, natawa ang matanda. "Prend lang ba talaga ang tingin niyo kay Fae?"

Naghikab si Elf at tumango, saka siya pumikit dala ng antok at pagod. Mukhang napansin naman 'yon ni Mang Tonio na tumahimik na at hindi na uli nagtanong. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil kung nangulit pa ang matanda, baka hindi na siya makapagsinungaling.

Of course, there was a time that he seriously thought he was in love with Fairy Queen.

Ilang taon na rin ang lumipas simula no'n, pero ng mga sandaling 'yon, unti-unti niyang nakita ang malinaw na imahen ng sarili niya na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

Sa alaalang nakikita niya sa isipan, suot ng mas batang version niya ang high school uniform nila noon na puting polo na may pulang necktie at symbol ng St. Patrick High sa may breastpocket at itim na slacks na nakatupi hanggang sa mga tuhod niya. Nasa ibabaw naman ng wooden table ang black shoes at itim na pares ng mga medyas niya. Pati ang asul na backpack niya, nakapatong din sa mesa.

Oo, nakaapak lang siya ng mga sandaling 'yon habang nasa loob ng malaking hardin habang may hawak na water hose at dinidiligan ang mga halaman sa harapan niya.

"Kasalanan niyo kung bakit ako nadamay sa parusang 'to," reklamo ni Fairy Queen na nakatayo sa tabi niya. "Bakit kasi nag-cutting kayo ni Dark Knight kahapon para lang maglaro ng arcade?" Saglit itong natigilan, saka impit na tumili. "Ang tanga ko naman para sumunod sa inyo at makilaro din. Nahuli tuloy tayo ng mga guard ng mall at hinatid pabalik sa school. Alam mo bang buong gabi ako pinagalitan nina Momsie at Popsie? Pati si Ate, nang-asar pa. Tapos ngayon naman, naglilinis at nagdidilig tayo dito sa botanical garden? I hate you, Elf Prince. And I hate Dark Knight more for not showing up today! Iniwan tayo sa ere ng lalaking 'yon eh siya nga ang promotor ng pag-skip ng class para maglaro!"

Ngumiti lang si Elf sa haba ng litanya ni Fairy Queen. Ewan ba niya pero gustung-gusto niyang naririnig ang boses nito kahit pa galit ito. There was something in her voice that soothed him.

"Elf, are you listening to me?" iritadong reklamo ni Fairy Queen mayamaya.

Hinarap ni Elf ang dalaga bago pa ito tuluyang magalit. Balak sana niyang ngitian ito dahil alam niyang nawawala ang galit ni Fairy Queen kapag ngumingiti siya. Pero siya ang unti-unting nawalan ng ngiti nang makita at matitigan ang babae na nagliliwanag dahil sa sikat ng araw sa likuran nito.

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon