13th Denial: Be My Human Blanket

755 36 0
                                    

NAKAHIGA si Elf sa malamig at matigas na bench sa gilid ng basketball court habang nakapatong ang braso sa mga mata niya. Naglaro siyang mag-isa kanina pero dahil boring kapag walang kalaban, tumigil din agad siya at humiga na lang. Mag-a-alas dose na ng madaling araw at alam niyang kailangan na niyang umuwi. Pero hindi pa rin siya kumakalma kaya dito muna siya.

Inaya niya si Dark Knight na makipaglaro sa kanya bago siya nagpunta sa court pero tumanggi ang lalaki. Busog na busog daw ito mula sa dinner nila kanina kaya matutulog daw ito ng maaga.

Ah, it must be nice to be Dark Knight. Wala siyang pinoproblema. Buo at masaya pa ang pamilya niya.

"Elf, dito ka ba matutulog?"

Inalis ni Elf ang braso sa pagkakapatong sa mga mata niya. Sumalubong sa kanya si Fairy Queen at napangiti siya nang mapansin kung gaano ito ka-cute sa magulong pagkakatali ng buhol nito. Gaya niya at suot din nito ang lumang white P.E T-shirt at red jogging pants nila no'ng freshman year nila sa college. Mukhang hindi nagbago ang sukat ng katawan ng dalaga. Hindi gaya niya na biglang naging fit ang T-shirt na maluwag sa kanya noon. Bitin na rin ang jogging pants niya.

Pero ang pinakanagpangiti talaga sa kanya ay nang makitang gamit ni Fae ang itim na payong niya kahit hindi naman umuulan.

"Pa'no mo nalamang nandito ako?" naaaliw na tanong ni Elf.

"Tinawagan ako ni Tita Miranda," sagot ni Fairy Queen, saka ito eksaheradong sumimangot. "Hinahanap ka niya sa'kin kaya alam kong may problema ka. Dito ka lang naman nagpupunta kapag nagpapalamig ka ng ulo kaya dito kita hinanap. Hindi mo naman kasi sinasagot ang mga tawag at text ko."

Bumangon si Elf at tinapik ang espasyo sa tabi niya. "Naiwan ko ang phone ko sa kuwarto."

Umupo sa tabi niya si Fairy Queen. Akmang isasara nito ang payong pero pinigilan niya ito. Siya na ang naghawak niyon para hindi ito mangawit. He loved sharing an umbrella with her even if it wasn't raining because staying under the shade lessened the space between them.

"Para hindi ka mahamugan," palusot ni Elf nang bigyan siya ni Fairy Queen ng nagtatakang tingin. "Bakit mo nga pala dinala 'tong payong ko?"

"Pang-self defense," sagot ni Fairy Queen, saka tinuro pataas ang daliri nito. "Matulis 'yong dulo niyan, eh. Puwedeng killing weapon. If ever gamitin ko nga 'yan, ikaw ang mapagbibintangan kasi sa'yo 'yang payong. Ikaw ang makukulong."

Natawa ng mahina si Elf habang iiling-iling. Alam naman niyang nagbibiro lang si Fairy Queen dahil mas alam nito ang batas kaysa sa kanya sa dami ng horror at crime fiction na nabasa na nito. Only this girl could make him smile even when he was having a bad day.

"So, anong hanash ng family mo?" seryosong tanong ni Fairy Queen mayamaya. "Hindi mo naman iiwan si Tita Miranda sa bahay mag-isa ng walang dahilan."

Only Fairy Queen was allowed to meddle with his family business this way. Kaya himbis na mainis si Elf sa personal na tanong ng dalaga, natagpuan na lang niya ang sariling naglalabas ng hinanakit dito. "Bumisita sa'min si Lola Beth kanina," pagsisimula niya na ang tinutukoy ay ang lola niya sa partido ng kanyang ama. And it had been years since his father passed away. "As usual, ang dami na naman niyang comment tungkol sa pagpapalaki sa'kin ni Mama. Kesyo hindi raw ako mabigyan ng mama ko ng mas komportable at mas maayos na buhay dahil ayaw akong ibigay ni Mama sa kanila. Kung sa poder daw nila ako lumaki, baka raw sa abroad ako nag-aaral ngayon at mas maganda raw sana ang future ko."

"Hindi pa rin maka-get over si Lola Beth na hindi ka sumama sa kanya no'ng nawala si Tito Abet," iiling-iling na komento ni Fairy Queen na ang tinutukoy ay ang kanyang yumaong ama. "Hanggang ngayon ba, pinipilit ka pa rin niyang sumama sa kanya?"

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon