13TH REALIZATION

186 8 0
                                    

NAKAUPO si Elf sa gutter sa tapat ng gate ng bahay ni Fae. Pinapapasok siya ni Manang Lucy kanina dahil madilim sa labas at malamok pa, pero sinabi niya sa ginang na dito na lang siya maghihintay. Nakumbinsi naman niya ito na pabayaan siya na do'n na lang maghintay kaya heto siya ngayon. Nilalamig na at malapit na ring liparin ng mga lamok.

I should have listened to Manang Lucy.

"May balak ka bang magka-dengue?"

Mabilis na nag-angat ng tingin si Elf kay Fae na nakatayo sa harap niya. Nakasimangot ang dalaga at nakapaloob ang mga kamay sa suot nitong varsity jacket. Sa totoo lang, humampas ang puso niya sa dibdib dala ng kaba, pero kailangan na niyang ayusin ang sinimulan niyang gulo.

Hindi lang naman ang feelings niya ang mahalaga dito. Nadadamay si Dark Knight sa ginawa niyang problema dahil nahahati ito sa pagitan niya at ni Fairy Queen. Ayaw niyang mahirapan ang mga kaibigan niya. Hindi siya gano'n ka-selfish para hayaang magdusa ang ibang tao kasama niya.

"Hi," kabadong bati ni Elf kay Fairy Queen na hindi nagbago ang blangkong mukha. "Sorry. Hindi ko namalayan na nand'yan ka na pala. Nag-taxi ka lang ba pauwi?"

"Hinatid ako ni Jazz pero hanggang sa gate lang kasi kasama rin namin si Cybelle na lasing. Ihahatid din niya pauwi ang thesismate namin na 'yon kaya hindi na ko nagpaderetso sa bahay. 7 PM pa lang naman kaya naglakad na lang ako. Nainip kasi ako sa kakahintay ng shuttle."

"That's too detailed for a question answerable by yes or no."

"I know. I'm being chatty because I'm nervous." Nilabas ni Fairy Queen ang mga kamay nito na napansin niyang nanginginig. "Kinabahan agad ako no'ng nakita kita, eh."

Napangiti si Elf. Nagpapasalamat siya na ganito katapat si Fairy Queen sa nararamdaman nito, kaysa naman ang umiwas ito sa kanya na para bang ayaw na siya nitong makita o makausap habambuhay. He hated being a burden, but he also hated being ignored. "Can we talk, Fairy Queen? I know we both feel awkward, but we really need to talk now."

Bumuntong-hininga si Fairy na parang kinakalma ang sarili, pero tumango naman ito. "Yes, I agree. Nasermunan na ko nina Jazz at Dark Knight kanina. But thanks to them, na-realize ko na mali ako para iwasan ka kesa makipag-usap sa'yo. For goodness' sake, we're supposed to act like adults that we are."

"Hindi ako pumasok sa klase namin kanina para mag-isip," pag-amin naman ni Elf. "Iniwan ko si Dark Knight pagkatapos ko siyang kaladkarin sa kung saang restaurant."

"Yeah, he told me about it."

Tinapik ni Elf ang espasyo sa tabi niya. "Can we talk here?"

Tumango lang si Fairy Queen, saka ito umupo sa tabi niya pero mukhang naging maingat ito para hindi magkadikit ang mga katawan nila. "So, what is it that you want to say to me?"

Humugot muna ng malalim na hininga si Elf bago nagsimulang magsalita. "First and foremost, I'm sorry if you were shocked about my confession. But I'm not sorry for finally telling you how I truly feel. I've always been in love with you, Fairy Queen. But I decided not to confess until that moment."

"Bakit hindi ka agad nag-confess sa'kin?" mayamaya ay tanong ni Fairy Queen sa nahihiyang boses. "Saka bakit tinago mo ng ganito katagal ang feelings mo?"

Nilingon ni Elf si Fairy Queen. "Naaalala mo ba 'yong nangyari sa'tin nina Dark Knight after ng Christmas party natin no'ng senior year natin sa high school?"

Kumunot ang noo ni Fairy Queen na parang nagtaka sa tanong niya, pero tumango ito. "Oo. Bakit?"

"Hindi natapos ang party natin no'n kahit umalis na ang homeroom teacher natin at sinabing maglinis na tayo ng classroom," pagsisimula ni Elf. "Instead, nilabas ng boys ang tinago nilang hard drinks at nag-inuman 'yong majority ng klase natin. Dark Knight was one of them."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon