7TH REALIZATION

168 8 3
                                    

INABUTAN ni Fae ng tuwalya si Kastle na nagpapatila ng ulan sa garahe ng bahay niya katabi ang big big bike nito. May bubong naman do'n kaya hindi ito nababasa o naaanggihan ng ulan.

Mabuti na nga lang at malapit na sila sa bahay nang bumuhos ang malakas na ulan kung hindi, baka na-stuck na sila sa traffic. Buti nga at big bike ang gamit nito kaya nakakalusot. Medyo bumibigat na ang daloy ng trapiko kanina dahil sa pagbaha sa kalsada.

'Yon nga lang, pareho silang nabasa ng ulan.

"Pasok ka muna sa loob, Kastle," pag-imbita ni Fae sa binata nang mapansin niyang bahagyang nanginginig ang baba nito. Nilalamig siguro ito dahil nabasa sila ng ulan. "Mukhang mamaya pa titila 'yang ulan. Mag-kape ka muna."

Nagpatuloy si Kastle sa pagtutuyo ng leeg nito habang blangko ang tinging binibigay sa kanya. "May iba bang tao sa bahay?"

Umiling si Fae. "Umuwi si Manang Lucy sa kanila since may sakit 'yong apo niya. Pero pabalik na siya bukas ng umaga. Bakit?"

"Don't easily invite men in your house when you're alone."

"I'm safe with you, right?"

"Sneaky little devil," reklamo naman ni Kastle. "I think it will be better for the both of us if I just go home. Mabilis lang naman akong makakasingit sa traffic since naka-bike lang ako. Hindi rin naman ako mamamatay sa kaunting ulan lang."

Napayuko naman si Fae kasabay ng paninikip ng dibdib niya sa mapait na alaalang biglang pumasok sa isipan niya. "It was raining hard just like this when I lost my family. Naaksidente sila dahil madulas ang kalsada no'n. I don't want to lose another dear one again because of something like that."

"Sorry, I didn't know," mabilis at sinserong sabi naman ni Kastle. Siguro ay nagtatagis din ang bagang nito at puno ng guilt ang mukha gaya no'ng malaman nito na ulila na siya. "Okay lang ba na mag-stay muna ko sa bahay mo hanggang sa huminto ang ulan?"

Nag-angat ng tingin si Fae at ngumiti bilang sagot pero mabilis ding nawala ang ngiti na 'yon nang biglang kumulog ng malakas na may kasama pang pagkidlat. "Pasok na tayo, Kastle. Mukhang depressed na naman si Goblin."

"Goblin?" nagtatakang tanong naman ni Kastle habang naglalakad sila papasok ng bahay.

"Ah. May pinapanood kasi akong Korean drama tungkol sa goblin na nakakapagpaulan kapag depressed siya," paliwanag ni Fae. Dini-distract niya ang sarili para makalimutan ang nangyari sa pamilya niya. Kapag nalungkot kasi siya, magtutuloy-tuloy 'yon. "Kapag nagpupuyat kami nila Jazz sa pagsusulat ng thesis, nag-ma-marathon kami ng KDrama para hindi kami antukin. 'Yon nga lang, nakaka-distract."

Pumalataktak si Kastle habang iiling-iling. "Ganyan din si Fortress, puro Korean drama. Kinain na kayo ng sistema."

Tinawanan lang 'yon ni Fae, saka siya dumeretso sa kusina. "Okay lang ba sa'yo ang instant coffee? Wala kasi si Manang Lucy at hindi ako marunong gumamit ng coffee maker." Tinapik niya ang stool sa kitchen island. "Upo ka muna."

"I'm fine with instant coffee, thanks," sabi ni Kastle, saka ito umupo. "Bakit may coffee maker ka kung hindi mo naman pala alam gamitin 'yon?"

"Hindi naman ako masyadong nangingialam ng mga gamit dito sa kusina," pagkukuwento ni Fae sa nahihiyang boses habang naglalagay ng instant coffee sa black mug. "Si Manang Lucy naman kasi ang nagluluto para sa'kin. Dinadalhan naman ako nina Elf at Dark Knight ng pagkain at snacks. There's no need for me to be here." Dinaan niya sa pagtawa ang pagkapahiya na nararamdaman niya dahil coffee maker lang, hindi pa niya alam gamitin. Nilagyan niya ng mainit na tubig ang mug gamit ang thermos. "Except when I'm baking."

"You bake?" nakataas ang kilay na tanong naman ni Kastle.

Maingat na nilapag ni Fae ang mug ng kape sa tapat ni Kastle na mabilis nagpasalamat sa kanya. "Yep. I'm a decent baker."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon