Final Denial: The Bro Code

2.4K 42 11
                                    

NAKAPALUMBABA si Fae sa mesa habang tinitingnan ang phone niya na walang tigil sa pag-vibrate. Kagabi pa tumatawag si Kastle sa kanya pero hindi niya 'yon sinasagot. Alam niyang alam ng lalaki ang schedule niya kaya siguro ngayong tapos na ang klase niya, tinatawagan uli siya nito.

I'm sorry, Kastle. I need to work. You're a huge distraction so I have to avoid you for now.

Madali namang sabihin sa lalaki na busy siya. Pero hindi niya magawa dahil kapag narinig niya ang boses nito at magsimula na silang mag-usap, baka hindi na niya masabi rito na huwag muna silang magkita o magtawagan man lang.

She liked talking to him after all.

"What kind of trash is this?" reklamo ni Jazz, sabay hagis ng mga papel na naka-stapler sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay sumandal ang lalaki at humalukipkip habang binibigyan siya ng nagdududang tingin. "I'm your number one so I can't accept that piece of garbage as your new masterpiece, Fae. Siguradong ma-di-disappoint din ang ibang mong fans kapag nabasa nila 'yan. So as your friend and career advisor, I suggest you throw that thing to where it belongs." Nginuso nito ang trash can sa labas ng café. "There."

Naiinis na sinipa ni Fae ang binti ni Jazz sa ilalim ng mesa na ikinareklamo nito. "Are you telling me my new short story is crap, huh?"

Hindi naman niya official "career advisor" si Jazz. Pero fan ito ng horror at speculative fiction, gano'n din ng mga gawa niya, kaya kapag may natatapos siyang short story ay pinpabasa niya muna rito.

Nang matapos niya ang bago niyang short horror story, inaya niya si Jazz sa Hot&Cold café pagkatapos ng klase nila para ipabasa rito ang gawa niya. Maganda naman ang mood ng lalaki no'ng una. Pero habang tumatagal ay kumukunot na ang noo nito at napapangiwi pa.

"It's really trashy, Fae," giit naman ni Jazz. Humigop muna ito ng latte nito bago muling nagkomento, binibigyan siya ng nagdududang tingin. "Para ngang hindi ikaw ang may gawa."

Sumimsim naman si Fae sa mocha frappe niya bago siya sumagot. "Bakit naman? Ano bang problema sa bago kong masterpiece?"

Pinatong ni Jazz ang mga braso sa mesa at dumukwang. Seryoso ito habang sumasabay pa ang mga kamay sa pagsasalita nito. "I actually liked the story at first. 'Yong douche na babaero at cheater, kinidnap ng isang baliw na female surgeon na inoperehan siya para gawing transwoman. Like the crazy doctor said, 'he couldn't use his cock now to hurt women.'" Pumitik ang lalaki sa ere. "You could have ended the story there. Ang ganda na, eh. Ang galing ng pagkakasulat at pagkaka-describe mo sa operasyon na ginawa. Well-researched, like usual. Pero. May isang malaking pero, Fae." Sinabunutan ng lalaki ang sarili nito na parang frustrated. "Bakit biglang panaginip lang pala ng douche 'yong operasyon? Hindi pa pala nagsisimula ang surgery dahil nag-pe-prepare pa 'yong doktor sa operation room. Pero ang pinakamalaking 'bakit' eh 'yong pagsulpot ng female apprentice na biglang na-in love sa cheater. Ang mas malala pa, tinulungan niyang tumakas 'yong lalaki mula sa baliw na doktor." Umiling-iling ito na parang naiiyak sa takbo ng story. "Pagkatapos, itong douche naman, na-in love agad sa female apprentice dahil lang niligtas siya no'ng babae. And then what? The cheater changed for the better and lived a happy life with the apprentice." Umarte si Jazz na parang umiiyak pero wala namang luha na lumalabas sa lalaki. "Ang pangit, Fae. Sobrang pangit. Sayang 'yong oras ko sa pagbabasa."

Napangiwi si Fae. Ngayon lang siya nakatanggap ng negatibong komento mula kay Jazz. Tinalikod niya ang phone niya nang makitang nag-text naman si Kastle. Baka kasi bigla siyang mag-reply sa lalaki kaaya mabuti nang hindi niya nakikita sa screen ang pangalan nito. "Ano bang masama sa story?" paghihinanakit niya, saka niya binigyan ng nagpapaawang tingin si Jazz. "Gusto ko lang namang haluan ng ibang genre ang usual horror fiction ko. Kaya in-inject-an ko ng romance."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon