11TH REALIZATION

159 7 0
                                    

NAKATULALA lang si Fae sa chocolate milkshake niya na kahit may ice cream popsicle at nag-uumapaw sa chocolate syrup ay wala pa ring nagawa para pagaangin ang loob niya.

"Yes, I'm confessing. I'm in love with you. I love you, Fairy Queen. Simula pa no'ng high school tayo, ito na ang klase ng pagmamahal na meron ako para sa'yo."

"I can't believe that Elf is in love with me since we were in high school," hindi makapaniwalng sabi ni Fae. "I had no idea until he confessed to me the other night."

"Manhid."

Binigyan ni Fae ng masamang tingin si Jazz na namumulan sa kinakain nitong s'mores. Nasa Little Bunk sila no'n at magkasalo sa pandalawahang mesa habang parehong nakaupo sa cushion. Halatang ito lang ang nag-e-enjoy sa kanilang dalawa. "Excuse me?"

Lumunok muna si Jazz bago muling nagsalita. "Manhid ka kasi kaya hindi mo naramdaman. Ako nga na four years pa lang na kilala si Elf, naramdaman ko agad ang feelings niya para sa'yo."

"But we're friends," giit naman ni Fae. "I feel betrayed. Hindi dapat nagtatago ng feelings sa label ng friendship. Pa'no ko maiisip na in love sa'kin ang isa sa mga childhood friend ko kung alam ko naman na sila nga mismong dalawa, pinigilan magka-feelings para sa'kin?"

"Right," pagsang-ayon naman ni Jazz na tumatango-tango pa. Humigop muna ito sa vanilla milkshake nito bago muling nagsalita. "Mahirap mag-assume na may feelings sa'yo ang kaibigan mo lalo na't may chance na masira ang friendship niyo. So I won't condemn you for being unassuming."

"What will happen to us now, Jazz?" nanlulumo pa ring tanong ni Fae. "Ang awkward na kaya iniiwasan ko si Elf. Buti na nga lang at magkakaiba ang sched namin kahapon kaya hindi sila sumabay ng breakfast sa'kin, 'tapos sinabi ko na lang na may meeting ang grupo natin no'ng tawagan ako ni Dark Knight for lunch. Pero bukas, sabay-sabay na naman ang pasok namin. Pa'no ko haharapin si Elf?"

"Bigyan mo ng closure, Fae," seryosong sabi ni Jazz kahit namumulawan sa marshmallow ang bibig nito. Lumunok muna ito bago nagpatuloy. "Nag-confess 'yong tao, eh. Bigyan mo ng sagot."

"Alam naman na niya kung ano ang isasagot ko sa kanya eh. Obvious naman siguro na in love na in love ako sa boyfriend ko. Kailangan ko pa bang ipamukha 'yon sa kanya?" Bumuntong-hininga si Fae habang iiling-iling. "Hindi ako sadista, Jazz. Hindi ko siya kayang saktan ng harapan."

"Fae, nasasaktan si Elf kasi may what-ifs siya na kailangan mong sagutin or else mabaliw siya kakaisip kung possible nga ba na kayo ang nagkatuluyan kung nag-confess agad siya," paliwanag naman ni Jazz sa pasensiyosong boses kahit nakakunot na ang noo nito. "May mga tao na kailangan mong sampalin sa realidad para magising. Saka sa tingin ko naman, hindi ikaw ang pinaka-source of pain ni Elf ngayon."

Kumunot ang noo ni Fae sa pagtataka. "Hindi ako?"

Tumango si Jazz, pagkatapos ay tinaas nito ang isang daliri. "Regret for confessing a little too late." Dalawang daliri na ang tinaas nito ngayon. "Guilt for keeping it from you all these years." Tatlong daliri na. "Fear of losing you as his best friend." Nagpatuloy na uli sa pagkain ang lalaki. "Granted nang si Elf ang cause ng lahat ng 'to, pero siya rin naman ang pinakanahihirapan. Consider his feelings as well."

"I don't know," nanlulumo pa ring sabi ni Fae, saka niya dinikit ang ulo niya sa dingding. "Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa dami ng iniisip ko."

Hindi pa siya nagkakaro'n ng maayos na tulog simula nang nag-confess sa kanya si Elf. Idagdag pa na nagpupuyat siya para sa pagsusulat ng thesis. Hindi niya akalaing sasabihin niya 'to sa college life niya, pero nagpapasalamat siya na naimbento ang research paper bilang requirement sa mga graduating students na gaya niya dahil effective 'yon na distraction.

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon