3RD REALIZATION

188 7 0
                                    

"BAKIT KA nag-sorry sa mag-asawang 'yon?! I did not ask you to help me! I can totally protect myself from those two! How dare you poke your nose in someone else's business!"

Mariing pumikit si Elf habang hinihilot ang sentido sa pagbubunganga ni Danielle sa kanya.

Pagkatapos niyang 'iligtas' ang batang 'to mula sa mag-asawang inaway nito, dinala niya ito sa POPsicle Loop, isang ice cream parlor na malapit lang din mula sa HappyChic. Tinawagan kasi niya ang mama niya at sinabi niya ang sitwasyon kaya nagdesisyon siyang do'n na lang maghintay. Baka may mag-video na naman kasi sa dalaga kung sa fast food chain sila mag-i-stay.

Hinampas ni Danielle ang mga kamay sa pabilog na mesang pinagsasaluhan nila kasama si Fortress. "I don't care if you're Miss Noble's son! I still hate you."

Bumuga ng hangin si Elf, saka binigyan ng blangkong tingin si Danielle. "Fine. Let's go."

Kumunot ang noo ni Danielle sa pagtataka. "Where to?"

Nginuso ni Elf ang pinto ng ice cream parlor. "Bumalik tayo do'n sa mag-asawa. Ipapasapak kita do'n sa kalbo. 'Yon naman ang gusto mo, 'di ba?"

Halatang nabigla si Danielle sa mga sinabi niya. Dumaan din ang takot sa mga mata nito. Pero tinago nito ang takot na 'yon sa pagngisi. "You can't do that. And for sure, they're no longer there."

"Then do you want me to hit you?" tanong si Elf sa seryosong boses na dahilan siguro kung bakit namutla bigla si Danielle. "Hindi ka naman babae sa paningin ko. A brat like you deserves to be punished. Mukha namang naghahanap ka talaga ng sakit sa pinaggagagawa mo, eh."

Hindi siya nananakit at wala rin sa karakter niya ang pagbabanta. Pero sumosobra na si Danielle sa pagiging bastos at reckless nito. Kung hindi niya ito tatakutin, baka takasan siya nito at ipahamak na naman nito ang sarili sa ibang tao. Mabuti nang sa kanya palang ay tubuan na ito ng takot kahit pa magmukha siyang masama at ungentleman sa mga sinasabi niya ngayon.

"Elf, you don't have to do the dirty work," sabi naman ni Fortress na nakaupo sa tabi niya. Pagkatapos ay hinawakan pa nito ang kamay niya na ikinagulat niya. Pero bago pa siya makapag-react, naangat na ng babae ang kamay niya at naidikit sa makinis at malambot nitong pisngi. "I can hit Danielle for you. 'Wag mong pagurin ang kamay mo para lang sa ganyan kaliit na bagay."

"Ate Fortress!" reklamo ni Danielle, may takot sa boses. "Seryoso ka ba d'yan?"

Binigyan ni Fortress ng mataray na tingin si Danielle. "What's wrong? Ang tapang-tapang mo kanina, ha? Nagpapasapak ka pa nga do'n sa kalbo, 'di ba? Eh bakit ngayon, parang natatakot ka sa'min ni Elf?"

Tumikhim naman si Elf at maingat na binawi ang kamay niya mula kay Fortress. "That's right. Fortress and I will be gentler than that skinhead dude anyway."

Nanlaki ang mga mata ni Danielle habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Fortress. "You're scarier than them, Psycho Couple," sabi nito, sabay tayo.

Dumeretso sa 'Ice Cream Land' si Danielle. 'Yon ang area ng POPsicle Loop kung saan puwedeng mamlili ng ice cream flavors and toppings ang mga customer. For the first time, the teenager acted her age while happily and calmly talking to the staff in charge.

"Tinawag niya tayong 'couple,'" excited na sabi naman ni Fortress no'ng silang dalawa na lang ang naiwan sa mesa.

"She called us 'psycho,'' sabi naman ni Elf, saka niya nilingon si Fortress. "Bakit ang saya mo pa?"

Nangalumbaba lang si Fortress, pagkatapos ay tiningnan siya nito habang nakangiti. Parang mas malala ang pagkislap ng mga mata nito ngayon. "I'm loving this side of you, Elf. Hindi ko alam na bagay din pala sa'yo ang maging bad boy. Nakakatakot ka kanina."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon