15TH REALIZATION

163 6 0
                                    

PAGOD at inaantok pa si Fae habang naglalakad papunta sa college building nila ng umagang 'yon.

Wala siyang libreng sakay sa pagpasok dahil ayon kay Dark Knight, si Elf muna ang kakampihan at ihahatid-sundo nito. Medyo immature 'yon pero hinayaan na lang niya. Kahit pa maayos naman ang naging pagtanggi niya kay Elf, inasahan na niya na hindi agad ito magiging okay. Kailangan nito ng space habang nag-mu-move on kaya hahayaan niya muna si Dark Knight na i-cheer up ang kaibigan nila.

Naghikab siya habang nag-iinat. Namamaga at namumula pa ang mga mata niya dala ng pag-iyak kanina. Hindi rin matakpan ng make-up ang eyebags niya. Wala rin naman siya sa mood magpaganda kaya pumasok siya na sabog ang buhok. Simpleng white V-neck shirt, ripped jeans, at sneakers lang din ang suot niya dahil wala siyang lakas maghanap ng magandang OOTD kanina.

Ngayong naayos na niya ang 'problema' nila ni Elf, ibang lalaki naman ang pinoproblema niya ngayon.

Hindi pa rin ako kino-contact ni Kastle. Kumusta na kaya sila ni Fortress?

Para bang may nakarinig sa kanya dahil mayamaya lang, may dumating na pulang kotse na nag-park sa harap niya. Pagkatapos, bumaba mula sa driver's side si Fortress na naka-black dress at stilettos. Naka-bun ang buhok ng babae at nakasuot pa ng dark and rounded sunglasses.

"Fortress," malakas na pagtawag ni Fae dito habang tumatakbo palapit sa babae. Huminto naman si Fortress at humarap sa kanya kaya naabutan niya ito. Kahit nahihiya siya at hindi alam kung pa'no magsisimula ay ngumiti pa rin siya. "Hi. How are you?"

Ngumiti naman si Fortress. Napansin tuloy niyang red na red ang shade ng lipsticks nito. "Hello, Fae. I'm fine. I got a little busy with our thesis recently pero medyo maluwag na ang sched ko."

Tumango-tango si Fae. Nakangiti naman si Fortress at pinapansin pa siya kaya hindi niya alam kung bakit nanlalamig pa rin siya. Her friend seemed distant even if she was just standing in front of her. "Fortress... about Elf–"

"And his confession to you?" nakangiting pagputol ni Fortress sa sinasabi niya. "No worries, Fae. Hindi mo naman kasalanan kung may feelings sa'yo si Elf, 'di ba?"

Nakagat ni Fae ang ibabang labi. Ngayon ay na-realize na niya kung bakit hindi pa rin okay ang pakiramdam niya kahit nakangiti sa kanya si Fortress. The girl's smile was cold. "Fortress, kung hindi okay sa'yo ang nangyari, puwede mo namang sabihin sa'kin. You can even get mad at me. Maiintindihan ko naman. Just don't act this way."

"I'm not affected," kaila naman ni Fortress sa 'masiglang' boses. "Kayang-kaya ko naman palitan si Elf anytime I want. You're overthinking, Fae. I really am cool with it."

"Are you sure everything's fine?" nag-aalalang tanong ni Fae.

Tinapik siya ni Fortress sa balikat. "Of course." Saglit itong natigilan. "Oh. Anyway, are you and my Kuya Kastle okay? I think you should be more worried with your love life than mine."

Kumunot ang noo ni Fae sa pagtataka. "What do you mean by that?"

"Last night kasi, my brother was out with his girl friends. I think they went to a rave party." Pumalataktak pa si Fortress habang iiling-iling. "My kuya was so wasted. He kept on drunk texting me. Or I think na-wrong send lang sa'kin." Nilabas nito ang phone nito mula sa sling bag nito at kinalikot 'yon saglit bago hinarap sa kanya. "Look, o. Was he supposed to send this to you? Did you go out with Kuya last night?"

Tinitigan naman ni Fae ang phone ni Fortress. Pakiramdam niya ay may pumiga sa puso niya nang makita ang text ni Kastle dito: 'Babe, let's meet here.'

Address ng motel 'yon at may naka-attach pang map.

'Babe' ang tawag sa kanya ni Kastle pero hindi siya nito pinadalhan ng gano'ng text. Well, nawawala ang phone niya pero parang hindi naman niya ma-imagine ang lalaki na papupuntahin siya sa motel.

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon