FINAL REALIZATION

1K 29 50
                                    

NILAGPASAN lang ni Fae si Dark Knight na nag-a-abang sa kanya sa labas ng bahay niya.

Pero mabilis ding sumunod ang lalaki sa loob ng bakuran niya. Hindi pa nga ito nakuntento dahil nilagpasan siya nito at humarang sa daan niya dahilan para mapigilan siya nito sa paglalakad. Kahit madilim na dahil alas-nuebe na ng gabi no'n, may liwanag pa rin naman dahil sa nakabukas na mga ilaw sa front porch. Kaya malinaw niyang nakikita ang pagsimangot ng lalaki.

"You're not just avoiding me, Fairy Queen," nakahalukipkip na sita sa kanya ni Dark Knight. "You're mad at me. Bakit nagagalit ka sa'kin samantalang hindi naman ganyan ang reaksyon mo no'ng si Elf ang umamin sa'yo ng feelings niya, ha?"

Sumimangot din si Fae dahil 'yon din ang hindi niya maintindihan. Mabilis niyang natanggap ang damdamin ni Elf para sa kanya at naibalik din nila ang maayos nilang samahan ng lalaki. Pero pagdating kay Dark Knight, nagagalit siya. Hindi na rin niya makita ang sarili niya na umaarte ng normal kasama ito.

Dahil ba 'yon sa nabuhay na pagsisisi sa puso ng high school version niya?

"Nagagalit ka ba dahil hindi ko agad inamin sa'yo ang feelings ko?" tanong ni Dark Knight. Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ang binata. "I'm sorry, okay? Hindi ako nag-confess sa'yo no'ng high school tayo dahil alam ko naman na hindi ako ang gusto mo. I know who your puppy love was."

Kumunot ang noo ni Fae sa pagtataka. "Kilala mo siya?"

Tumango si Dark Knight na parang napalitan ng lungkot ang galit sa mukha. Humugot pa nga ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "It was Elf, right? Si Elf ang puppy love mo no'ng high school."

Fae was shocked. Pero nang makabawi siya sa pagkagulat, tumawa siya ng mapait. Nangilid pa nga ang mga luha niya, eh. 'Yon nga lang, hindi dahil sa tuwa.

Ngayon ay alam na niya kung bakit nagagalit siya kay Dark Knight.

"What's funny?" parang iritadong tanong ni Dark Knight. "'Wag mo nang i-deny dahil nakita ko 'yong red velvet cupcake na ibibigay mo sana kay Elf. May pangalan niya 'yon kaya alam kong siya ang puppy love mo. I was hurt so I did something stupid to get in your way."

"Tanga ka ba, Dark Knight?" galit na tanong ni Fae.

"Excuse me?" nainsultong ganti ni Dark Knight. "Ako, tanga?"

"Hindi si Elf ang puppy love ko!" frustrated na tanggi ni Fae, saka niya nanggigigil na dinutdot ng daliri niya ang dibdib ni Dark Knight. "It was you, Dark Knight! Ikaw ang puppy love ko at hindi si Elf!"

---End of Book 2: SPILL THE BEANS---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon