21ST REALIZATION

153 7 0
                                    

MAGAANG ang pakiramdam ni Fortress nang lumabas siya ng Drama Room.

"Sa lahat ng bumagsak sa audition, ikaw lang ang nakita kong lumabas na masaya," komento ni Unica na hinihintay siya sa labas. "Tinanggap mo na bang wala ka talagang talent sa pag-arte?"

Sumimangot si Fortress, pero natawa rin siya. "Pa'no mo nalamang wala akong talent sa acting kahit member ako ng Drama Club?"

"You never had a major role," matapat na sabi naman ni Unica. "Puro kontrabida roles lang ang binibigay sa'yo. Ang masama pa, bilang alalay lang ng main villain. Do'n ko na-realize na hindi ka binibigyan ng major role dahil hindi ka talaga magaling umarte."

Ngumiti lang si Fortress, sanay na sa pagiging prangka ni Unica. Umupo siya sa sahig at sumandal sa dingding. Madilim na no'n dahil ala-siete na ng gabi. Ngayon lang siya natapos sa audition kaya inabot na siya ng dilim sa school. "Acting is not my passion. Nag-try lang ako sa drama club dahil sa isang tao na gusto ko sanang talunin pagdating sa pag-arte. Pero ngayon, hindi ko na makita ang point ng pagsunod ko sa footsteps niya. That's why I decided to quit the acting club."

Umupo sa tabi niya si Unica. "That's good to hear. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagtiwala sa'yo na kaya mong umarte na mabait sa taong supposedly ay hindi mo gusto." Nakangiting nilingon siya nito. "I knew that you're not acting the moment I saw you laughing with Fae. You really like her as a friend."

"I guess," nakangiting pag-amin naman ni Fortress. "Pero hindi pa dahil kay Elf, hindi ko 'yon aaminin. I can be hardheaded when I want to be."

Ngumiti lang si Unica.

"You're being nice now," komento naman ni Fortress. "Bati na ba kayo ni Solar?"

Tumango si Unica, halatang maganda ang mood. "Oo, bumalik na sa'kin ang pasaway kong best friend." Inangat nito ang hawak na phone. "Na-receive at nabasa ko na ang email mo sa'kin tungkol sa nangyayari. Don't worry. Isusulat ko 'yong update na gusto mo. Let's pray na mabasa ni Fae ang heartfelt apology mo at tawagan na niya kayo. At sana, mahanap niyo na siya."

"Sana nga, Unica," pagsang-ayon naman ni Fortress. "Anyway, thank you for doing this, Unica."

Tumango lang si Unica, pagkatapos ay lumagpas ang tingin nito sa kanya at kung may sinong kinawayan bago siya muling hinarap. "Uuwi na ko para makapagsulat na ko. Nand'yan na rin ang kuya mo." Humalik ito sa pisngi niya na ngayon lang nito ginawa. "Be strong, Fortress."

"Thank you, Unica," nakangiting sabi ni Fortress, saka niya hinatid ng tingin si Unica hanggang sa mawala na ang babae sa paningin niya. Mayamaya, naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ng kung sino. Hindi na siya nagulat nang makita si Kastle na mukhang pagod na pagod. Nalungkot siya dahil kung ganitong nakasimangot ang kapatid niya, isa lang ang ibig sabihin niyon. "Hindi niyo pa nakikita si Fae?"

Sinabunutan ni Kastle ang sarili at sumigaw para marahil ilabas ang frustration nito. "I'm worried, Fortress. Kung sina DK at Elf nga, hindi siya mahanap. Tayo pa kaya? Naglibot na kami nina Glenn sa buong area pero hindi namin nakita si Fae. Wala rin siya sa mga lugar na napuntahan na namin noon. Naka-off pa rin ang phone niya hanggang ngayon." Hinilamos nito ang mga kamay sa mukha nito. "I shouldn't have broken up with her."

Nag-init naman ang mga pisngi ni Fortress sa pagkapahiya. "I'm sorry, Kuya. This is my fault. Kung hindi ko inaway si Fae, kung inamin ko lang siguro na pinagsisisihan ko 'yong sinimulan kong kalokohan, hindi siguro siya aalis. O kung hindi sana kita pinilit na makipag-break sa kanya, baka hindi 'to nangyari." Nilingon niya si Kastle na nakatingin sa kanya, may pang-unawa sa mukha kaya lalo tuloy siyang na-guilty. "I'm also sorry for slapping you."

Totoong nagsisisi si Fortress sa lahat ng nagawa niya.

Pero kung hindi dahil kay Elf, hindi niya aaminin sa sarili niya na nagiging makitid at isip-bata lang siya sa lahat ng 'to. Kung hindi siguro siya kinausap ng binata, baka bumalik na siya sa dating siya na walang pinapakinggan kundi ang sarili lang niya.

She used to be a self-entitled brat. Sa tingin nga niya, gano'n pa rin siya hanggang ngayon. Pero nang sabihin sa kanya ni Elf na hindi gano'n ang nakikita nito sa kanya, para bang bigla uli siyang nagkaro'n ng tiwala sa sarili niya. Na hindi siya sing sama ng iniisip niya. O kung hindi man, may pag-asa pa siyang magbago at maging mas mabuting tao.

"Hindi lang naman ikaw ang may mali, Fortress," maingat na sabi naman ni Kastle mayamaya, seryoso ang mukha habang mataman siyang pinagmamasdan. "Mali rin ako para kunsintihin ka ng ganito katagal."

Mariing umiling si Fortress. "Parati kitang gini-guilt trip, Kuya, kaya wala kang magawa para pigilan ako sa mga kalokohan ko." Tinaas niya ang kanang kamay niya. "This is the last time I'm going to use your weakness against you. I will be a more obedient sister. And I'll do my best to become a better person. I promise all of this to you, Kuya. I won't disappoint you again."

Ngumiti si Kastle at inakbayan siya, saka siya nito kinabig palapit dito para ipatong ang ulo nito sa ulo niya. "This is the first you own up a mistake. I'm proud of you, little sister."

Bumuntong-hininga naman si Fortress, nakalabi. "I made a huge mistake, Kuya. Kahit inamin ko ang pagkakamali ko, parang hindi pa rin 'yon enough para maging proud ka sa'kin."

Tinawanan lang 'yon ni Kastle. "You're young, Fortress. It's inevitable for you to mess up every now and then. Ah, I remember some lines from a Neil Gailman book." Saglit itong tumigil bago i-quote ang paborito nitong writer. "'If you are making mistakes, then you are making new things, trying new things, learning, living, pushing yourself, changing your world. You're doing things you've never done before, and more importantly, you're doing something.'"

Ipinaikot ni Fortress ang mga mata, pero naintindihan at sinapuso naman niya ang quotation na sinabi ng kuya. Akma naman kasi 'yon sa sitwasyon at nararamdaman niya ngayon. "Pareho talaga kayo ni Fae. Out of nowhere, bigla na lang niyang iko-quote si Neil Gaiman kapag may i-a-advice siya. Disipulo ba kayo ng favorite writer niyo or what?" Tumingala siya kay Kastle. "Kaya siguro na-in love ka kay Fae 'no?"

"Perhaps. Pero hindi lang naman ako ang baliw dito." Binigyan siya ni Kastle ng pabirong nag-aakusang tingin. "Hindi naman 'to magsisimula kung hindi dahil sa kabaliwan mo kay Elf."

Lumabi si Fortress, saka siya tumango. "My love for Elf made me do all this stupid things. Sometimes, I don't know what I'm doing anymore. I can't protect myself from him."

"Just like what Neil Gaiman wrote in The Sandman," natatawang sabi ni Kastle, saka na naman ito nag-quote. "'You build up all these defenses, you build up a whole suit of armor, so that nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life."

Napangiti si Fortress. Gano'n nga ang nangyari sa kanya. Iwas siya sa mga lalaki dahil hindi siya interesado. Pagkatapos, isang gabi, bigla na lang tumayo sa harap niya si Elf.

"'You gave them a piece of you. They didn't ask for it,'" pagpapatuloy ni Kastle na parang ang sarili na nito ang kausap. "'They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, then your life isn't your own anymore.'" Ilang segundo itong natahimik bago bumuntong-hininga. "I miss Fae so much."

Pumikit si Fortress dala ng pagod. "I miss her, too."

She also missed talking to Fae all night, planning their sleepovers, and dreaming about their first travel goals together.

Travel goals?

Bigla ay naalala niya ang isa sa mga usapan nila ni Fae noon.

"Then when sembreak starts, maybe we can travel somewhere for a quick vacation. If you don't have plans with your family, that is."

"Kuya usually leaves me alone to go on a trip with his barkada during school breaks. I like your plan. Saan mo naman gustong pumunta for our first out of town trip?"

"Baguio. It's been awhile since I've been there. I really miss the place..."

Napasinghap si Fortress kasabay ng pagmulat niya, saka niya nilingon si Kastle na kunot-noo namang nakatingin sa kanya. "Kuya, I know where Fae might be!"

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon