6TH REALIZATION

172 5 1
                                    

NAPANGITI si Fortress nang makita si Elf na lumabas ng classroom. Kasama nito si DK pero siyempre, wala siyang pakialam sa ibang tao. "Hi, Elf!"

Halatang nabigla si Elf nang makita siya. Hindi siya nito pinansin pero hinarap naman nito si DK at binulungan. Pagkatapos, tumango si DK at iniwan na si Elf.

Napangiti naman si Fortress nang maglakad si Elf palapit sa kanya. Nakapamulsa ito na para bang nilalamig. Hindi niya 'to masisi dahil malamig ang hangin. In fact, madilim nga rin ang kalangitan, halatang uulan mayamaya. Kahit ala-siyete pa lang ng gabi, para bang sobrang late na. "Dinner tayo, Elf," pag-a-aya niya agad sa binata nang makalapit sa kanya. "I'm craving for ramen."

Nilabas ni Elf ang kanang kamay mula sa bulsa ng pantalon nito para tingnan ang wristwatch nito. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng nagtatakang tingin. "Ang sabi mo kanina, alas-dos lang ang tapos ng klase mo. Bakit nandito ka pa?"

"Wala naman kaming thesis ngayon kaya nag-decide akong sabayan kang mag-dinner," sagot ni Fortress habang pasimpleng dumidikit kay Elf. "Don't worry kasi hindi naman ako nag-stay dito sa university while waiting for you. Nag-stay ako sa condo ni Kuya kanina. Apparently, susunduin niya rin si Fae kaya nag-movie marathon muna kami para hindi kami ma-bore."

"Hindi mo naman kailangang maghintay para lang masabayan akong mag-dinner," nag-aalalang sabi naman ni Elf. "May mga araw naman na tugma ang schedule natin."

Kinagat ni Fortress ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapatili sa sobrang kilig. Pero hindi niya napigilan ang pagyakap sa braso ni Elf na halatang ikinagulat nito dahil nanlaki ang mga mata ng lalaki.

Marahang binawi ni Elf ang braso nito mula sa kanya, pagkatapos ay umatras ito palayo. Nakakatuwa kasi ang pula-pula ng mukha nito. "Bakit ka ba biglang nangyayakap? You're too straightforward, Fortress."

Bumungisngis lang si Fortress, pagkatapos ay nilagay na niya sa likuran ang mga kamay niya para pigilan ang mga 'yon na kumapit kay Elf. "I can't help it. Whenever I see you, I want to stick to you like glue. Para kang may magnet sa katawan mo na hinihila ako palapit sa'yo. It only means we're destined to be together, 'di ba?"

"Gutom lang 'yan, Fortress. Lilipas din 'yan," iiling-iling pero nakangiting sabi ni Elf, saka ito nagpatiuna sa paglalakad. "Come on. I'll feed you."

Mabilis namang sumabay ng lakad si Fortress kay Elf pero siniguro niyang may distansiya sa pagitan nila. Baka mag-freak out na naman ang lalaki kapag nagkadikit sila. Ang mahalaga naman, kilala na siya nito at pinapansin pa. Hindi gaya noon na tinitingnan lang siya nito. "Elf?"

Nilingon siya ni Elf. Gaya ng madalas, maaliwalas ang mukha nito. Ang gaang talaga ng aura nito kaya hindi mahirap mapalapit ang loob ng kahit sino sa binata. "Yes?"

"Close na ba tayo?"

Sa pagtataka niya, umangat ang kamay ni Elf para takpan ang ibabaw ng ulo niya. "Let's walk fast, Fortress. Umaambon na."

Napatingala bigla si Fortress. Nabigla pa siya nang makitang umaambon nga. Pagkatapos, tinakpan ni Elf ang ulo niya para hindi siya gaanong mabasa? Siyempre, na-touch naman siya.

Tinago niya ang kilig sa pagngiti. Pagkatapos, naglakad siya para subukin kung susundan siya ni Elf at itutuloy ang 'pagpapayong' nito sa kanya gamit ang kamay nito. Hindi naman siya nabigo dahil habang naglalakad sila ng magkatabi ay nanatiling nasa itaas ng ulo niya ang kamay ng binata.

"Tama nga 'yong tawag sa'yo ng mga schoolmate natin,' pagsisimula ni Fortress sa kinikilig na boses. "You're really a gentleman, Elf. Kaunti na lang ang lalaking tulad mo. Kaya nakaka-amaze na nakakilala pa ko ng kagaya mong nice guy."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon