14th Denial: Troublemaker

759 36 1
                                    

NAKAUPO si Fae sa bench sa tapat ng college building nila habang yakap niya ang paperbag na naglalaman ng shirt na ipinahiram niya kay Fortress. Isosoli niya 'yon sa babae kaya hinihintay niya ito ngayon. Hindi niya matandaan kung kailan sila umabot sa punto na nagkapalitan sila ng contact number at text messages. Ang bilis nga lumipas ng isang buwan simula nang nagkita sila sa Little Bunk.

Kahit natatakot siya, hindi niya mapigilan ang sarili na tanggapin ang pakikipagkaibigan ni Fortress. Well, hindi naman nito direktang sinasabing magkaibigan na sila. Pero hindi naman pinag-uusapan ang gano'ng bagay. Natural at kusang nabubuo ang pagkakaibigan lalo na kung magaang ang loob ng dalawang tao sa isa't isa. Ang tanong lang, handa na ba siyang magkaro'n uli ng babaeng kaibigan?

Fortress is a nice person, sabi niya sa sarili. She'll never betray you like what your former friend did. Saka hindi na kayo immature high school students na maraming oras para magdrama o gumawa ng drama. You're both adults who are capable of building a mature and genuine friendship.

Nakakagulat man, pero komportable siya sa ideyang 'yon.

"Fae!"

Nalingunan ni Fae si Fortress na mabilis ang lakad palapit sa kanya.

Ah.

Napatayo siya nang mapansing pareho sila ng ayos ng buhok at outfit ni Fortress: nakatirintas ang buhok para makita ang mga balikat sa off-shoulder top (pink sa kanya, pula naman dito), ripped jeans, at flat shoes. Nagkaiba lang sila sa bag na gamit dahil knapsack ang kanya habang sling bag naman dito.

Natigilan si Fortress sa harap niya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, sabay tingin sa sarili nito, saka ito tumingin sa mukha niya. "We're twinning kahit hindi tayo nag-usap for our OOTD." Natatawang sinuklay nito ng mga daliri ang bangs nito. "If I don't have this, magmumukha tayong identical twins."

Napangiti si Fae. Matagal na niyang napapansin na komportable siya kay Fortress pero ngayon niya lang 'yon inamin at tinanggap sa sarili niya.

Pagkatapos nilang mag-usap ni Elf, may natutunan din siya sa binigay niyang advice sa lalaki. Sinabihan niya ito na walang masama kung magkakamali ito para matuto ito. Nagkamali na siya sa pagpili ng babaeng kaibigan noon pero himbis na matuto, inalagaan niya ang sakit at hinanakit na nakuha niya mula sa pagkakamaling 'yon. Ang naging resulta tuloy ay ang pagkaka-stuck niya sa nakaraan at ang pagkakaro'n ng takot sa mga babaeng sing edad niya na posible niyang maging kaibigan.

That wasn't a proper way 'adulting.'

"Bakit seryoso ka yata?" parang nag-aalalang tanong ni Fortress mayamaya. "May problema ba?"

"Nagbigay ako sa iba ng lesson about 'adulting' pero na-realize ko na hindi ako nag-grow sa years na dumaan," pag-amin ni Fae kahit alam niyang hindi naman siya maiintindihan ni Fortress. Gusto lang niyang ilabas ang nararamdaman niya ngayon. Kay Elf sana niya sasabihin ang lahat ng 'to pero ayaw na niyang dagdagan ang pinoproblema ng kaibigan niya. "I was too afraid to make the same mistake I did in the past so I got stuck. I wasn't able to move forward and... and not having a single female friend sucks."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Fortress pero hindi naman ito nagkomento na para bang hinihintay pa ang susunod niyang mga sasabihin.

"I love my male friends but there are things I can't share with them," pagpapatuloy ni Fae kahit hiyang-hiya na siya sa mga sinasabi niya. "I miss having girl talks and sleepovers. Well, hindi naman ako masyadong girly pero may times na gusto ko ring mag-ubos ng time sa shopping, manood ng boy band concerts, at i-pamper ang sarili ko sa beauty salon. Nagagawa ko naman ang mga 'yon ng mag-isa pero medyo malungkot at nakakasawa rin pala kung palagi na lang sarili ko ang kinakausap ko pagdating sa fashion, beauty products, and other girly stuff na tinatawanan lang nina Dark Knight at Elf. Lately I thought it would be nice to have a female friend na makakasama kong gawin 'yong mga bagay na na-miss ko." Tumingin siya ng deretso kay Fortress na mukhang naiintindihan na siya. "Hindi naman kita pipilitin kung–"

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon