5TH REALIZATION

215 7 1
                                    

"ELF, may abs ka ba?"

"Medyo."

"Pa'nong medyo?"

"My stomach isn't fully defined but I can say I'm toned."

"Ahh."

Natahimik si Fae habang nakatulala at pinapanood si Elf na maghugas ng mga pinggan habang siya naman, nakapalumbaba lang sa mesa. Gaya ng madalas, sabay silang nag-breakfast nina Elf at Dark Knight sa bahay niya. Si Elf ang nakatokang maghugas ng pinagkainan kaya heto, naghihintay lang sila ni Dark Knight na matapos ito para makapasok na sila sa school.

Habang naghihintay, tulala lang siya at nag-iisip. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin niya maalis sa isipan niya ang abs ni Kastle kahit isang araw na ang lumilipas simula nang makita niya ang mga 'yon.

"Those are mine now. Don't show them to other girls starting today."

Naitakip na lang niya ang mga kamay sa mukha niya nang maalala ang sinabi niyang 'yon kay Kastle.

Ano bang problema mo, Fairy Queen Paraiso? Bakit inaangkin mo ang abs ng may abs? Talagang nauna mo pang i-claim 'yong abs bago 'yong may-ari no'n?

Natawa sa kanya si Kastle pagkatapos niyang angkinin ang abs nito. Do'n lang niya na-realize kung ga'no siya nakakahiya kaya tumakbo agad siya paalis ng gym. Nag-taxi na lang siya pauwi dahil siguradong susundan lang siya ng binata kung hinintay pa niya si Jazz. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag at text ni Kastle.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" reklamo naman ni Dark Knight na nakalimutan niyang nasa tabi niya habang abala ito sa pagta-type sa phone nito. "Para ka talagang hindi babae. Tama bang tanungin mo si Elf kung may abs siya? You're being careless again."

"I'm asking Elf because he's safe," katwiran naman ni Fae. "Alam kong hindi niya bibigyan ng malisya ang tanong ko."

Nag-angat ng tingin sa kanya si Dark Knight. "Eh bakit ako, hindi mo tinatanong?"

"Alam kong may abs ka dahil nag-wo-work out ka," walang ganang sagot ni Fae. "Saka nakikita ko ang abs mo kapag nag-ba-basketball kayo ni Elf at umaangat ang shirt mo."

Come to think of it, it wasn't the first time she saw a man's abs in person. Madalas niyang masilayan ang six packs ni Dark Knight pero hindi naman siya nagkaro'n ng ganitong reaksyon. Siguro kung no'ng teenager pa siya, baka naapektuhan pa siya dahil bata pa siya no'n. Bumalik lang uli ang interes niya sa anatomy ng lalaki nang makita niyang topless si Kastle.

Is it because I like him?

"Bakit para yatang bigla kang na-obsess sa abs?" nagtatakang tanong naman ni Dark Knight. "What's wrong with you? May kinaadikan ka na naman bang Korean actor na may abs?"

Hindi sumagot si Fae at ayaw rin naman niyang sagutin 'yon kaya nagpapasalamat siya nang matapos na si Elf sa paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos, humarap ito sa kanila habang may kausap sa phone.

"Ah, sure," simpleng sagot ni Elf sa kausap bago binulsa ang phone sa pantalon. Kinuha nito ang backpack nito na nakapatong sa mesa. "Let's go. Sinundo tayo ng Wilson Siblings."

Bigla namang napatayo si Fae sa gulat, pinanlalakihan ng mga mata si Elf. "What?"

"Si Mang Tonio 'yong kausap ko kanina. Ang sabi niya, nandito sina Kastle at Fortress. Tinatanong niya kung papapasukin daw ba niya 'yong dalawa. Pumayag naman ako."

Tumayo na rin si Dark Knight at binigyan ng masamang tingin si Elf. "Bakit ka pumayag?"

Nagkibit-balikat si Elf. "Curious lang akong malaman kung bakit nandito 'yong magkapatid."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon